DAHAN-DAHANG iminulat ni Blaster ang mata. He felt sick to his stomach. Gusto niyang sumuka hanggang sa wala nang ilabas. Kinabukasan matapos ang pagba-black out niya ay si Ramona ang kasama niya.
Nagdesisyon na si Ramona na doon sa condo niya tutuloy kasama ang anak nila para mabantayan siya. Si Reyna raw muna ang mag-aasikaso sa restaurant ni Tita Siony. Babalik-balik na lamang daw ito para kamustahin ang negosyo.
Nang sumunod na gabi ay laking gulat niya nang inihatid ni Reyna si Maddie roon. Wala siyang maipakitang mukha sa anak. Ayon kay Ramona ay nakita rin daw siya ng anak na nakahandusay sa sahig. He cursed at himself for being such a fuck-up. It must have been traumatic for his daughter. Nang muli siyang makita ng anak ay umiiyak ito.
"'Kala ko Daddy, dead ka na." Umiiyak na wika nito habang nakayakap sa baywang niya.
Naluluhang lumuhod siya sa anak. "I'm sorry, baby. Daddy's okay na. Hindi na mauulit." Pinahid niya ang luha sa mga mata nito. "'Wag na cry, baby. Love ka ni Daddy. Sorry, Maddie." Wika niya at saka ito niyakap.
Seeing his daughter like that made Blaster realize that he needed to let go of his demons. And so he sought help from a friend who happens to be a doctor. He wanted to quit drinking for good. He wanted to stay sober for Maddie's sake.
His withdrawal from alcohol for the past few days had been a terrible experience. His decision to stop drinking was the best decision he's made lately but he was still reeling from the aftermath of his bout of heavy drinking. There would be times he would feel anxious, nauseous, he would have difficulty sleeping; he even had fever. Ramona was with him all throughout the experience. She never left. She took care of him while taking care of Maddie, too.
Isang linggo matapos ang insidente ay sinabihan siya nito na mag-date muna sila mag-ama. Nagtataka man ay sumunod na lang siya. He was feeling a lot better. Dinala niya si Maddie sa mall. Nanood sila ng sine at kumain sa labas. Nagpunta rin sila sa mini-theme park ng mall na iyon. Tuwang-tuwa ang anak niya. Masaya rin siya na nagkaroon sila ng bonding ng anak. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi siya sa lahat ng panahong nawala sa kanilang mag-ama.
Nang makabalik sila sa condo niya ay nakita niya ang malaking pagbabago sa condo. Mas homey ang dating nito hindi katulad noon na napakadilim. May mga bulalaklak rin sa mga vases. Maaliwalas ang paligid. Light-colored ang mga kurtina. Ang dalawang kuwarto sa condo ay nalinisan rin. Nagulat siya nang makita na wala nang alak sa mini-bar niya, napalitan iyon ng mga nakasabit at naka-frame na larawan ni Maddie noong mas bata pa ito. Wala na rin ang mga lata ng beer sa ref niya. For the first time in five years, Blaster felt at home.
Nang makalabas ng kuwarto ay nakita niya si Ramona na nagluluto ng agahan. Si Maddie naman ay abalang nanonood ng TV. Napuno ng samu't-saring emosyon ang puso niya. It was a sight he only had in his mind. Hindi siya makapaniwalang kasama niya ang mag-ina ngayon. Bagay na bagay ang mga ito sa bahay niya.
"Daddy!"
Naputol ang pag-iisip ni Blaster nang tawagin siya ng anak. Patakbong nagpunta sa kanya ang anak. "Good morning, baby." Niyakap niya ito.
"Good morning din, po! Gutom ka na? Gusto mo coffee? 'Lika, punta tayo kay Mommy." Niyakag siya nito papunta sa dining table.
Nang tignan niya si Ramona tipid itong nakangiti sa kanya. May hawak na ito agad na kape. "Good morning," Bati nito sa kanya. She looked beautiful.
"Good morning," wika niya bago abutin ang kapeng inihanda nito.
"Upo na kayo ni Maddie. Tapos na ako magluto. Ihahanda ko lang ang mga plato." Sumunod si Maddie sa sinabi ng ina ngunit nanatili siyang nakatayo.
"No, I'll help," Ibinaba niya ang tasa matapos humigop at saka kumuha ng mga plato. Biglang nanginig ang mga kamay niya kaya biglang nabitawan ang mga hawak na plato. Mabuti na lang at halos ilalapag na niya ang mga plato sa mesa kaya hindi nabasag. Nag-aalalang napatingin sa kanya si Ramona. Si Maddie man ay nagulat rin.
"Daddy, are you okay?" Nagtatakang tanong ng anak sa kanya.
"I'm sorry," tinignan niya ang mga kamay na biglang nanginig. Isa ang biglang panginginig ng mga kamay sa mga nagiging epekto ng withdrawal sa alcohol. Normal daw iyon ayon sa doktor niya. "I didn't mean to—"
Nagulat siya nang biglang hawakan ni Ramona ang mga kamay niya at hinaplos iyon. Naluluhang dinala nito ang mga kamay niya sa labi nito para dampian ng mabilis na halik. "It's okay. Sit down,"
Hindi maintindihan ni Blaster kung bakit ginawa ni Ramona iyon ngunit nagbigay iyon ng mainit na pakiramdam sa kanyang puso.
Nang matapos silang mag-agahan ay nagpunta sila sa sala dahil gusto ni Maddie na manood ng TV ulit. Blaster was feeling normal about it. Ang mga ganitong eksena ang pinapangarap niya kasama si Ramona at Maddie. It was as if they're one, happy family. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang nag-ring ang cellphone ni Ramona.
"Hey, sure, wait." Iniabot nito ang cellphone kay Maddie. "Baby, it's Tito Pancho."
Nae-excite na kinuha ni Maddie ang cellphone ni Ramona at dinala sa tainga nito. "Hi, Tito!"
Blaster immediately felt a pang of jealousy. Bago bumalik sa Pilipinas sila Ramona at Maddie ay si Pancho ang tanging lalaki sa buhay ng mga ito. Alam niyang malaki ang utang na loob ni Ramona rito ngunit hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagseselos sa kaalamang nobyo ito ni Ramona at kinikilala ito ngayon ni Maddie bilang pangalawang ama nito.
Matapos ang ilang saglit ay inalis ng anak ang cellphone sa tainga nito. "Mommy, Daddy, Tito Pancho's asking if he can bring me sa mall. Is that okay?"
Sasagot sana siya ngunit naunahan na siya ni Ramona. "Give me the phone, baby." Nang iabot iyon ng anak ay tumayo si Ramona at nagtungo sa kusina at doon kinausap si Pancho. Masyadong mahina ang boses ng dalaga kaya hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Few minutes after, bumalik rin si Ramona. "Is it okay na isama ni Pancho si Maddie today? Miss na daw niya si Maddie, ide-date daw niya." Nakangiting tanong ni Ramona.
"Kung gusto mo sumama, go. I'll be fine." Umiwas siya ng tingin rito at saka humalikipkip. He was being childish, he knew that. Pero hindi niya mapigilang magselos kay Pancho.
Natatawang ibinalik ni Ramona ang cellphone sa tainga. "Sure, pick her up in 30 minutes. Yep. Okay, bye." Matapos makipag-usap kay Pancho ay bumalik na ito sa tabi nila ni Maddie. Pinagigitnaan nila ang anak. Nilingon ni Ramona si Maddie. "Baby, five more minutes then ligo na, ha."
"Okay, Mommy."
Mukhang sasama talaga 'tong si Ramona, ah.
Thirty minutes after, dumating na nga si Pancho. Habang hinihintay mag-ready ang mag-ina ay sinamahan siya nitong manood ng isang documentary sa TV. Kinamusta siya nito. Panay tipid lang ang sagot niya rito.
Nang lumabas ng kuwarto ang mag-ina niya ay nagulat pa siya nang si Maddie lang ang nakabihis. Nagtatanong na tingin ang ibinigay niya kay Ramona. Nangingiting nagkibit-balikat lang ito.
"Text me if you need anything. Take care of her," bilin ni Ramona kay Pancho.
Nang maisara na ni Ramona ang pintuan ay tinignan siya nito.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Nababagot na tanong niya.
Tinabihan siya ni Ramona sa sofa. "Tinatamad ako umalis, eh."
Napapalatak siya. "Hindi mo ba siya namiss?"
"Na-miss din," sagot nito.
Anak ng patola talagang buhay 'to. Sumama lalo mukha niya sa sinabi nito. "Ah, may sariling date kayo?"
Naiinis na natatawang nilingon siya ni Ramona. "Para kang baliw. Ano bang sinasabi mo? So, what do you want to do today?" excited na tanong nito.
Napakunot-noo si Blaster. "What do you mean?"
"Pancho's taking Maddie out for the day. Anong gusto mong gawin? Are you feeling better? Do you want to go out?"
Hindi niya maintindihan kung bakit napaka-hyper nito ngayon. "Tell me, Ramona. Nakailang tasa ka ng kape kanina?"
"Siraulo. Samahan mo ako, grocery tayo."
May itatanong pa sana siya rito ngunit tumayo na ito at pumasok sa banyo.
BINABASA MO ANG
The One for Ramona
RomanceBlaster and Ramona go way back. Mula sa inis ni Ramona sa pagsingit ni Blaster sa pila noong enrollment, hanggang sa pagiging magkaibigan, at hanggang sa isang araw ay nagising na lang si Ramona na gusto na pala niya si Blaster. Pero may Tiffany na...