Chapter 1

4.3K 85 5
                                    

Augustine Rae
-----

"Kakain na!" masaya kong hawak ang isang tray na puno ng pagkain.


Agad ko itong dinala papuntang dining room.




"Ikaw nagluto? Baka malason kami nyan ha." inirapan ko si kuya Allen, pinsan kong lakas makapang-asar.




"Tse! As if naman hahayaan kitang makatikim ni isa sa mga luto ko! Bahala kang magutom." nilagpasan ko sya. Agad naman syang nakahabol.




"Kidding. Hindi ka na talaga mabiro, Augusto."




Sinamaan ko sya ng tingin. "Pwede ba? Augustine ang pangalan ko! Hindi Augusto!"




"Promise!" agad syang tumawa pagkatapos nya kong magsalita.



Inirapan ko nalang sya uli at nilapag ang mga pagkain sa mesa.



Hindi na talaga natigil ang panga-asar nya. Lalo na sakin na pinakapaborito nyang pinsan.




"Hmm. Smells good. Nasa kwarto palang ay amoy ko na ang mabangong luto ng anak ko." napalingon ako kay daddy na pababa na sa hagdan.




Agad ko syang sinalubong ng yakap at halik ng  makababa sya. "Good morning dad! Kain na. Breakfast served by your beautiful daughter!" hindi nagsalita si kuya Allen.




Of course, tunay na maganda ako. Nasa lahi namin yon. Sa oras na sabihin nyang pangit ako, madadamay sya.




Ngumiti si daddy sakin. "Thank you, anak. Indeed you are beautiful. I would love to join you for breakfast but I'm afraid I cannot. I still have early meetings to attend. Maybe next time." nawala saglit ang malapad kong ngiti sa aking labi.




But I tried to smile again. "It's okay dad. Like what you said, next time."





Nginitian uli ako ni daddy. "Alright. Alis na ako. Be good. Allen, bantayan mo ang pinsan mo."




"Yes papips!" sumaludo pa ito.



Dad kissed my forehead before leaving.


"Bye daddy." nalulungkot kong sabi.




He's leaving again, without even tasting one of my dishes.





Agad akong nakaramdam ng brasong umakbay sa akin. "Let's just eat, Augustine. There's always next time. Alam mo ang trabaho ni papips. Intindihin nalang natin sya." binalingan ko si kuya Allen at pilit na nginitian at tumango.




I sigh. It's good to know na nandyan parin si kuya Allen para tikman ang mga luto ko. Kuya Allen's one of my closest cousin. Namatay kasi sa aksidente ang mga magulang ni kuya Allen noong maliliit pa lang kami kaya simula noon ay nahabilin na sya sa amin.





It was one of the saddest times.




Buong pamilya namin ay lubos na nagluluksa sa paglawala nina tita Arian at tito Nile.




Pero tama naman na time heals everything. But it will always leave marks that to be remembered.

-----



Tatlong araw pa ang natitira bago matapos ang sembreak namin. Kaya sa tatlong araw na yon, lulubos lubosin ko na.




Agad akong nagbihis para pumunta ng mall. Nagsuot ako ng sunglasses dahil baka sumakit ang mata ko sa sikat ng araw. Baka mabulag ako.




Married By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon