10

364 12 0
                                    







"Wow dude ang galing mo pa din kahit ang tagal mo na hindi nakakapaglaro ah" sabi ni Greg saakin .







Katatapos lang namin mag laro at kame ang nanalo.






"Oo nga. Baket kaya hindi ka sumali sa team namin dude" sabi naman ni Mark. Sumangayon naman sila Ai at Amyr pati na din ang mga girls na nakikinig saken at pati ang Daddy ni Dennise.







"Sumali ka na sa kanila Aly para makasama kana din nila Greg" --Fille.







"Pag iisipan ko" Sabi ko sa kanila at ngumiti.







"Sayang ang galing mo Aly sa paglalaro kung hindi mo ipapakita sa iba" napatingin naman kame kay Tito Mike ng mag salita ito.






"Tama si Dad, Aly. Sayang kung hindi mo gagamitin yang galing mo sa paglalaro lalo na't sa school ka natin maglalaro" nakangiting sabi ni Dennise kaya napangiti na din ako dahil sa nakakahawang ngiti nito.






"Sabagay" sabi ko naman.







"So ano? Sasali kana samin?" Tanong ni Ai at lahat naman sila halatang naghihintay ng isasagot ko kaya di ko mapigilan na mapangiti sa kanila.






"Parang alam ko na ang sagot mo Aly. Sasabihin ko na kay coach na may bago kaming teammate" sabi naman ni Ai at kinutingting na ang phone nito siguro ay sasabihin na nga siguro nito sa coach nila.






Bumalik na nga kame sa bahay nila Dennise nag pahuli naman kaming dalawa sa paglalakad samantalang nangunguna naman ang kanyang Daddy at sumunod dito yung iba.






"Ako ang magiging number 1 fan mo" sabi ni Dennise at ngumiti saken kaya naman ginantihan ko din sya ng ngiti at inakbayan sya habang papasok na kame sa bahay nila.






"Gagalingan ko para sayo"






"Talaga lang ha" sabi naman nito at tuluyan na nga kame nakapasok sa bahay nila.






Agad ko tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya ng nakita kong  titingin ang Daddy nya. Takang tumingin naman sya sa akin napangiti nalang ako habang nakakamot sa batok ko.







Napansin nya siguro na nakatingin samin ang Daddy nya kaya naman tumingin ulit sya saakin ng nakangiti.





"Nahihiya ka kay Dad?" natatawang sabi nito.







"Medyo"






"Baket naman?" --Dennise






"Hindi pa kase kame masyadong close ng Daddy mo. Hindi katulad nila Ai na close na close nila ang pamilya mo"







"Magiging close mo din yan sila Dad" sabi nito na may ngiti sa labi.






Napatigil naman kame sa pag uusap ni Dennise ng tawagin ako ng Dad nya kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan na naman.






"Aly pwede ba kitang makausap?" sabi nito.







"Baket dad?" takang tanong ni Dennise dito.







Hindi naman ito sumagot sa tanong ni Dennise  Sapagkat ngumiti lang ito sa anak at tumingin na ulit saken.





"Ahm.. Sige po tito"






AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon