"Wag! Wag kang umalis, maniwala ka sakin.."
Habol ko ang aking hininga nang ako'y magising. Tagaktak ang aking pawis at basang basa ang aking mukha marahil sa pag-iyak ko kanina dahil sa malungkot at nakakatakot kong panaginip. 'Yun na naman ang panaginip ko.
Isang gabing nasa matalahib akong lugar at tanging ang bilog na buwan lamang ang nagsisilbing liwanag. Tila nasa panahon ako ng nakaraan dahil kakaiba ang aking kasuotan. Malayong malayo sa modernong panahon.
Nakatali ang aking mga kamay at tumatakbo na tila may tinatakasan. Hinihingal ako sa aking pagtakbo nang biglang napahinto ako at tumama ang aking ulo sa likuran ng isang lalaki.
Niyakap ko siya sa likuran ngunit tinanggal niya ang aking pagkakayakap at tumakbo palayo sa akin.
"Kalimutan mo na ako.." ang huling katagang kanyang sinabi bago tuluyang tumakbo palayo sa akin.
Kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagbuhos ng mga luhang hindi ko mapigilan.
Tuloy-tuloy ang aking pag iyak habang nakatitig sa likuran ng lalaking patuloy nang nawawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiyakan ng sobra. Pakiramdam ko ay nasasakal at nawawasak ang aking puso.
Hindi ko alam kung bakit pero parang napakalaki ng koneksyon ng buhay ko sa lalaking yun at sa panaginip ko.
Hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng kakulangan.
Sa araw-araw ng buhay ko ay lagi akong malungkot nang walang dahilan.
Para akong patay na nabubuhay.
Tila laging may kulang...
***
DISCLAIMER: THIS IS A WORK OF FICTION. THE NAMES, CHARACTERS, AND EVENTS ARE ALL CAME FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION.
WARNING: BE AWARE OF PLAGIARISM.
All rights reserved.
MissLIB, 2018
YOU ARE READING
Ms. Unknown: The Unknown Love Story
RomanceAng naging inspirasyon ko sa pagsulat nito ay ang napanood kong korean drama wherein nagttime-travel at nare-reincarnate yung bida. Ngunit hindi ganoon ang buong flow ng story na ito. Ito po ang kauna-unahang isusulat kong story kaya don't judge me...