Devin's POV
Nakita ko si Allen na naglalakad papunta sa may hallway, gusto ko sana siyang salubungin. Dahil gusto ko siyang hampasin ng libro sa muka at tadyakan sa kaniyang pagka-lalaki para naman makaganti ako ng todo. Pero pinanatili ko ang pagiging kalmado ko. Baka sabihin niya papam-pam ako diba.
Tumigil si Allen sa paglalakad at tumapat sa harapan ko. Kunwari hindi ko siya napansin, para naman siya ang unang pumansin sakin. Bigla nitong hinigit ang kamay ko at dinala ako sa may hagdanan na papunta sa second floor. Grabe naman siya, kailangan talaga hihigitin ako?
"Hoy, sasali ka ba sa election ng student council?" tanong nito. Bakit Allen pag-nanalo ba ako ikaw ang premyo ko?
"Oo, bakit ba?" masungit kong tanong. Drama lang 'to para hindi niya isipin na kinikilig ako hanggang talampakan ko dahil eto siya at kaharap ko.
"Bukas na ang botohan kaya magbigay ka ng 2x2 picture mo, para kung sakaling mananalo ka mailalagay na agad sa newspaper" sabi niya. Nako, baka ilagay lang niya sa wallet niya tapos hahalikan tuwing gabi. Alam ko na yang mga ganyang da-moves. Gawain ko kaya yan, kinuha ko lahat ng cute pictures niya sa mama niya at idinikit sa pader ng kwarto ko. Gusto ko kasi pagka-gising ko siya ang unang makikitang aking mga mata.
"Oh!" kinuha ko ang kamay niya at inilagay ko sa palad niya ang picture ko. Da-moves ko lang yun para mahawakan kahit sandali yung kamay niya. Kabataan eh! Tinalikuran ko na siya at babalik na ako ng room.
Binagalan ko lang ang lakad baka higitin pa niya ang kamay ko sabay halik sa pisngi ko diba. Tapos i-invite niya ako mag-dinner, then sasabihin niya 'Devin, I love you'.Taas ng pangarap ko grabe! Pero oneday, alam ko sasabihin niya din yun dahil kami naman talaga ang para sa isa't isa.
"Hoy.." bulong lang yon pero narinig ko parin. Pag kasi mahal mo ang kausap mo nagkakaroon ka ng powers at mas tumitindi ang mga senses mo. Ang inaasahan ko hahawakan niya ang kamay ko para pigilan ako, hindi yung tatawagin akong HOY. Nakakainis.
Hinarap ko siya, nakapamewang ako at nagpapacute ng very very slight.
"Hindi na pala kailangan yung picture mo, dahil ngayon palang talo ka na..." sabi niya. Bigla niyang pinilas yung picture ko. Gosh! Sa harap ko pa talaga? Ang kapal ng muka niya! Kahit mahal ko yan, nakakaramdam parin ako ng inis.
"Paano mo naman nasabi na hindi ako mananalo? Dyos ka ba?" grabe siya. Feelingero. Hoy Allen Dela Ceda, hindi porket mahal na mahal na mahal kita ng 100x per seconds eh gaganyanin mo na ako. Sapakin kita diyan ng bongga eh!
"Base on your attitude and to your face. Talo ka na, kaya wag kana umasa" sabi nito sabay irap at bigla akong nilampasan. Ganon? May topak ba siya o galit siya sakin dahil sa ginawa ko girlfriend niya? Kainis niya, bigla akong nilalait. Bahala ka sasali ako kahit anong mangyare and I'll prove to you ako ang mananalo.
--
*BOTOHAN NA PARA SA STUDENT COUNCIL MEMBERS*
BINABASA MO ANG
Stalking Allen Dela Ceda(completed)
RomanceKung mahal mo ang isang tao, wag na wag kang susuko para makuha siya. Because if you do, baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Ang love kasi para yang isang math problem ih. Kahit anong gawin mo di mo masasagutan kung hindi mo susubukang isolve. Kahit...