Chapter 4
Daisy's POV
"Nobody treats my lil sis like that! Should I tell Dale so he can get an eye of that Kyle dude?"
I knew it. I should have not told my ate about it because she's gonna keep bragging but I really can't keep anything from her because she knows EVERYTHING about me. I'm not even exaggerating.
"Ate, it's okay. I got it. The whole barkada has my back. Alam ko they won't let anything bad happen to me. Please, sana don't tell mom and dad pati na rin kay kuya because they would freak out like you."
"Bu--"
"Ate, no buts. Please?"
"Okay fine, but you need to tell me everything ha? Para pag may nangyari, I know what I'm gonna do."
"Deal. Thanks ate. I know nothing bad will happen, don't worry."
"Sure. Basta let me know if you need anything ha sis? Punta na ako sa room ko. Good night, baby. I love you," she said as she kissed my forehead.
"Good night, ate. I love you too."
I really can't blame her for freaking out kasi all I talk about is good stuff when it comes to people sa school although I feel that some people hate me because as my friends say, I'm "pretty", "popular" and I qualify the boys' check list. Pero I don't mind them naman, I just let my kindness kill them because that's how my parents raised me.
Kill them? HAHA parang ang sama, kill them in a good way naman.
I love how I am close with my whole family, especially with my 18 year old sister Deandra Jasmine, Dea for short but we call her Jazzy.
She's few inches taller than me and kung hindi lang ako 4 years younger, you would actually think na kambal kami and ka-triplet namin si Mommy Ellarose or Mommy Elle as she wanna be called.
I took a shower pag alis ni ate and changed into my PJs. Ang init, my gosh. Ayaw ko pa naman iturn on yung AC muna kasi it's still early and I'm not going to bed yet.
Hello? 8:30 palang kaya.
I took my macbook and my iPhone and made my way to the pool side, my favourite place to be kasi presko and over-looking din ang pond sa nearby park.
I went on Facebook and yeah, as usual wagas na naman ang friend requests -.- & mga status updates & pictures kasi nga first day of school.
If it weren't for Kyle, okay pa sana ang day ko kaso wala, nasira talaga.
Parte pa naman siya ng barkada which means I have to stick with it, iwasan nalang.
Di ko napansin, I have so many texts and missed calls pala, I just checked my phone eh.
Yeah, I was that affected because of him. *SIGH*
Kyle's POV
Kung mamalasin nga naman talaga eh noh?
Babaeng 'yon sinira ang araw ko, tae parte pa ng barkada KO at ang mas masaklap kaklase ko siya for 4 periods?! LECHUGAS!
After school, naglaro kami ng basketball ng tropa. Kahit papano naging busy naman ako.
Kantyaw sila ng kantyaw saken. Magshare daw ako sa nangyari sa Tagaytay kasi parang naglaho daw ako na parang bula.
"Di na importante 'yon mga 'tol. Di ba kayo masaya? I'm back."
"Di talaga, may kaagaw na naman kami sa attention ng mga girls. The heartthrob is back, wala na naman kaming binatbat," biro ni Gian.
"Lemme guess tol, pati sa Tagaytay center of attraction ka parin noh?" tanong ni Karl.
"Sure, but not as much as here. Believe it or not, mga tol nagbago na ako. Di ko na masyadong gusto yung attention na nakaset lagi saken, parang walang privacy eh. Gusto ko natural lang, normal lang pero that's impossible lalo na sa campus? ASA naman ako kasi wala pogi talaga ako."
HAHA ang hangin ko talaga, medyo lang naman. Pagbigyan.
Pero totoo nagbago ako, di nga lang halata kasi hindi nila nakita at sadyang gusto kong iwan yung side ko na yun sa Tagaytay. Ah ewan.
"Dude, was that a joke? Nagbago ka? HAHAHAHHA" sabi ni Karl sabay tawa silang lahat.
Yan talaga ang malakas mangasar eh, parang di nagkakaproblema.
"The way you treated Daisy, Kyle na Kyle parin talaga eh. Dude, if you haven't heard yet, she's currently the most popular girl sa campus, daming nagkakandarapa dun!" dagdag pa niya.
"Ah kaya pala ang taas din ng tingin niya sa sarili niya. 2nd year niya palang sa campus, walang wala sakin."
"Tol, mabait 'yon, sobra. Sayo nga lang ata naging ganun yun eh," sabi ni Luke
Mabait? Yung mataray na babaeng yon? At nagagree pa talaga ang mga loko. Ano to? Pinagtritripan ako imbis na sakyan?
Dami ko nga talagang namiss. Di ko rin naman pinagsisihan magstay sa Tagaytay kasi masaya din mga kabarkada ko dun, ibang iba sa elite group ko dito sa Manila.
Dun kasi mga astig, mga tambay sa kalye ganun kaya I learned a lot from them, lalo na ang nakakainis pala ang kakaenglish at kung ano mang pasosyal.
Nung una, ouch saken yun kasi ganun ako eh. Laking Manila ako tapos mga kaibigan ko pa dito mga sosyal, mayayaman eh.
Tuloy tuloy ang kwentuhan namin, school, girls, basketball, basta random. Pero iniwasan kong magkwento.
Nahalata din nila na halos diretso ako magtagalog at di na tulad nila na Taglish.
Marami akong kwento sa totoo lang pero sa ngayon, mas gusto kong hindi muna kasi wala sa timing.
Pag uwi ko sobrang nabore ako agad kasi si Mamita at Popsy (grandparents) lang naman ang mga kasama ko sa bahay. Naiwan pa sila Mommy at bunso sa Tagaytay eh.
I HATE BEING BORED! I need to keep my mind busy kaya I went to the music room, nagpatugtog ng malakas saka ko sinabayan ng drums. Soundproof naman tong room na to kaya kahit magdamag akong magingay dito.
Eh sa bored ako eh -____-
Ayaw na ayaw kong nagiisip at walang ginagawa kaya as usual dito ako nagpalipas ng oras hanggang sa magdinner na.
Bago ako matulog, nagpop out na naman sa isip ko yung babaeng yun. Di ko gustong maging ganun sa kanya pero wala, alangan naman magpatalo ako sa katarayan niya diba?
Miss ko na ang Tagaytay pero alam ko soon mageenjoy na ako ulit dito sa Manila. Pinili kong bumalik eh, mas maganda nang nandito ako.
Labo ko talaga.
BINABASA MO ANG
First Day of Forever
Ficțiune adolescențiDaisy (Coleen Garcia), a popular high school transfer student with a low key personality, falls in love with Kyle (Daniel Padilla), the most popular campus heartthrob. Little did they know that they already cruised in the past. They fight like a cat...