Prologue
"Pwede ba Ally, lubayan mo na ako! Kasi kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan!"
Singhal niya sa akin. Siyete naman ohh. Ang sakit! Napakasakit. Lalo na't harap-harapan pa niyang ipinamumukha sa akin.
"Pasensya na Kevin. 'Wag kang mag-alala. Simula ngayon hindi na kita gagambalain pa. Hindi na rin ako magpapakita sa'yo." Sabi ko habang pinipigilang tumulo yung luha ko. Pero mukhang ayaw paawat ng letseng luhang 'to. Nag-unahan ba namang maglabasan.
"Aba! dapat lang kasi napipeste na ako sa pagmumukha mo. Palagi ka mo nalang akong sinusundan. Ang galing mo rin palang mang-stalk ano!? Siya nga pala, muntik ko ng makalimutan. Itatak mo ito sa pag-iisip mo. KAHIT KAILAN HINDING-HINDI KITA MAGUGUSTUHAN!"
Kailangan pa talagang ulit-ulitin. Letse naman ohh. Ang sakit sakit na nga. Ipinamukha pa talaga. 'Yung pesteng luha ko nag-uunhan na naman sa pagtulo.
"Pasensya na talaga." Mahinahong sagot ko. 'Wag kang mag-alala. Ito na huling araw na magkokrus ang landas natin!" Sabi ko habang unti-unting tumatalikod sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Sobrang sakit na ehh. Pinairal ko na naman kasi ang katangahan ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Waaaahhh ! First story ko po ito. Sana suportahan niyo :-) Hehe, pasensya na kung hindi masyadong maganda. Siyanga pala, sinong marunong gumawa ng cover? pwede humingi ng favor? pwede pagawa?
Don't forget to comment nga pala.