Titig sa Kawalan

48 0 0
                                    

Titig sa Kawalan

Madalas akong matulala
Mahuli sa akto na walang madama
Ni pag-ngiti hindi ko magawa
May kulang pa rin kahit minsa'y masaya

Lungkot na hindi alam ang dahilan
Wala,  titig na lang sa kawalan
Walang ekspresiyon ang mukha
Galit? Lungkot? Saya? Mahirap talaga

Halos maiyak iyak ka na
Ngunit ayaw pa rin tumulo ng luha
Di ko alam kung nabaliw na ba ako ?
O sadyang lungkot ang namutawi sa aking puso...

Isip ng marami na walang kabuluhan
Hinayaan kong lamunin ako ng kalungkutan
Ngayon ay matutulog ng luhaan
Sabay titig sa kawalan

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon