//Sugar Leigh's POV//
I have one of the weirdest names in this world. I felt a huge urge of cringe when I hear someone calls me Sugar... as in Asukal like what?! That name doesn't suit my personality.I am a cold hearted, negative person. Ibig sabihin nun wala akong mga kaibigan kasi hindi pa nga sila nakakalapit saakin pinagtatabuyan ko na sila using my filthy mouth.
Pero nagbago ang lahat ng dumating siya... I like the way he calls me "Sugar"... Pinatunayan niya'ng maaari pa'ng magbago ang isang tao...
"Leigh sama ka na sa amin oh?" panghihikayat ni Carl, isa sa mga kaklase ko na may lakas ng loob na kausapin ako kahit di ko naman pinapansin.
Hindi ko na siya binigyang pansin at nagpatuloy sa paglalakad patungo'ng cafeteria ng school namin.
Nag iisa na naman ako sa cafeteria ngayon at sanay na ako. Hindi ko naman kailangan ng kasama. Nandito ako sa paaralan para matuto hindi para makipagkaibigan paulit ulit kong ipinapaalala sa utak ko ang mga katagang iyan.
Ayokong makipagkaibigan kasi alam ko'ng iiwan lang din naman nila ako at worse almost all of them are fake, untrusted and unloyal. Nagkaroon na ako ng kaibigan dati at naging matalik kaming magkaibigan, wala kaming naging problema hanggang sa dumating ang araw na isinusumpa ko'ng sana hindi nangyari, inakusahan niya ako sa isang kasalana'ng hindi naman ako ang gumawa, dahil doon ay samo't saring mga chismis na tungkol sakin ang narinig ko kung saan saan sa campus namin at natrauma ako doon dahil pakiramdam ko inapak-apakan nila ang pagkatao ko. Mabuti na lang ay napatunaya'ng inosente ako pero di pa din maiwasa'ng pag usapan ako ng iba.
Ilang beses nang nagsorry sakin yung kaibigan ko noon sa rason niyang naiinggit daw siya sakin nun at nagsisisi na siya pero kahit ganun hindi ko na siya pinapansin kasi kapag nakikita ko siya naaalala ko lahat ng naggawa niya sakin.
Nasaktan na ako sa mga masasakit na salitang itinapon nila ng sabay sabay saakin. Hindi ako diyos para patawarin sila agad sa mga nagawa nila sakin at hindi ko na hahayaan na maapak-apakan nila ulit ang pagkatao ko.
Aish! Huwag ko na ngang isipin.
Ubusin ko na nga lang to'ng pagkain ko. Sayang naman pera ko.
Aside from being bitter sa life, nakasanayan ko na ri'ng gumawa ng mga tula gamit ang imahinasyon ko at nakakakuha ako ng inspirasyon sa mga nakikita ko sa paligid.
Marami na akong mga nagawa, mero'ng malungkot, masaya, positibo, negatibo, masakit, nagawan ko rin ng tula ang nakita ko'ng magkasintahan which gave me cringe at nagsisi ako'ng ba't ko nga ba yun ginawa?
Ano kaya'ng genre ng tula ang gagawin ko ngayo—
May lalake'ng biglang umupo sa harapan ng aking mesa.
Teka sino to'? Aba! Aba! May naglakas loob na tumabi sakin ah. "Uhmm. Excuse me?" I called his attention sarcastically.
"Yes?" sagot niya habang nakangiti. Argh! Nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya. Eh kasi territoryo ko to'ng pinasukan niya eh. Akala ko si Carl lang ang may makapal na pagmumukha, may isa pa pala. Pero buti na lang si Carl noh hindi siya nang-iistorbo sa kalayaan ko.
"Who do you think you are to sit beside me?" Pa-english ko'ng usad para sosyal.
"I am Zacharae, Zach for short and I think I have the right to sit on one of these empty chairs around you because I believe that the purpose of these chairs is to be sat by someone who needs it" He answered with full of confidence. Ayy?! Loko to ah.
Aba'y ginagalit ako ng lalake'ng to ah! Gusto niya'ng mamatay? Sipain ko siya eh. Magamit ko man lang yung natutunan ko nung nag-taekwondo lesson ako.
Bakit pakiramdam ko wala ako'ng masagot? Err! Ngayon pa kasi ako naka-encounter ng taong ang taas ng self confidence na makatabi ako tapos ang mga sagot niya pa ay yung tipo'ng mapapaspeechless ka at di ko alam yung mga weakness niya, di ko din alam kung ano'ng magagamit ko'ng pang-api sa kanya. Err!
BINABASA MO ANG
My Instant Blessing (One Shot Story) [Completed]
Short Story"Everything changed when he came" "I saw myself from a different perspective when I'm with him"