Family is everything, that is what everyone's saying..
It is very easy for us to utter the word "Family" but can not seem to find a real one, or can not even act like a real family at the first place.
We are blinded by a lot of things and circumstances, and due to that, we can not seem to understand or comprehend what does family really mean.
-----
Maaga pa lang ay abala na ang mga tao sa bahay ng mga Wilson, hindi dahil may kaarawan ang isa sa kanila kundi may darating na miyembro ng pamilya.
"Bakit ba kasi kailangan nating maghanda nang pag karami-rami e hindi naman siya anak ni Madam Gabriella" reklamo ng isang kasambahay.
"Ano ka ba?! Anak din ni Sir Wilbert 'yung darating, hindi lang naman siya basta basta panauhin, amo natin siya"
"Anak? E ang alam ko 'yung triplets lang at si Sir Winston 'yung anak ni Sir Wilbert at Madam Gabriella"
"Alam mo 'wag ka ng magtanong nang magtanong ng kung ano-ano, mamaya marinig ka pa ng iba."
----
Westlyn
Aunt Calling..
"Hello?"
[Huling tawag ko na sa'yo, pinili mong sumama sa Ama mo, ngayon wala ka ng babalikan dito, pagtapos mong kalimutan lahat ng ginawa ng lalaking iyan sa Mama mo]
"Hindi ko nakakalimutan lahat, hindi ko rin ginustong sumama, may rason ako kung bakit patungo ako ngayon sa bahay nila, at kung iyan ang gusto ninyo Auntie, I understand"
Binabaan niya ako ng telepono.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.
"Ma'am Westlyn, may gusto ba kayong bilhing pagkain? O gusto niyo bang huminto muna tayo sa isang restaurant para kumain?" tanong sa akin ng Driver nitong sasakyan.
"Gusto ko na lamang makarating sa paroroonan natin at magpahinga." sagot ko.
Mula sa oras na sumakay ako sa sasakyan na ito, alam kong magbabago na ang buhay ko mula sa kinagisnan ko.
Alas kwatro ng hapon, nakarating kami sa bahay nila.
This is not my first time entering this house, I remember when I was eight years old, kasama ko pa si Mama nang bisitahin namin si Sir Wilbert, ang aking Ama.
Labing isang taon din ang nakalipas, wala pa ring pinagbago, tahimik, malaki, maganda, malawak, at tila walang kabuhay buhay ang bahay na ito.
"Ma'am, ako na po magdadala ng mga gamit mo"
"Kaya ko na ito" sagot ko.
"Pero Ma'am malamang ay pagod kayo sa biyahe, kaya ako na po magdadala ng mga gamit mo"
"Hindi naman ako baldado, at nasisiguro kong malakas ang aking mga braso kaya ako na bahala sa mga gamit ko" paliwanag ko.
Ang hirap kausap ng mga tao rito, akala ata nila katulad ako ng mga Wilson na nasa bahay na 'to.
"Ihahatid na lang po kita sa kwarto niyo, Ma'am"
"Better" tugon ko.
Habang nasa hagdanan kami paakyat, hindi matigil sa pagkukwento ang kasambahay na kasama ko.
"Sila Sir Winston po at 'yung triplets gabi pa po sila umuuwi, madalas magkakasabay yung mga triplets pero si Sir Winston laging gabing gabi na kung umuwi, ewan ko ba sa kuya niyo Ma'am."