11

364 11 0
                                    



Mike Lazaro POV








Halos two weeks na ng makilala ko si Aly ang apo ng pinakang mayaman na business man at talagang halos mag kaugali sila ng lolo nya na sobrang bait at marespeto sa lahat ng nakapaligid sa kanila.












At wala akong masabi kay Aly dahil lahat ng sinabi nya saken noong nag paalam sya na liligawan nya ang anak ko lahat ginagawa nya para sa anak ko. Siguro kaya pumayag din ang anak ko na ligawan sya ni Aly ay dahil sa magandang ugali at respeto nito sa kanya.













Nandito ako ngayon sa company nila dahil sa lolo nya dahil may sasabihin daw ito saakin. At bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Anton ay nag tanong muna ako sa secretary nito kung may iba pa bang tao sa loob ng sabihin nitong wala ay agad naman akong kumatok sa pinto nito bago ito buksan.










"Oh? Mr. Lazaro nanjan ka na pala, pasok ka" sabi ni Mr.Anton . Nang makapasok ako sa malaki at maaliwalas na opisina nya at pinaupo nya na ako.









"Anong kailangan nating pag usapan Mr. Anton at talagang pinatawag nyo pa ako dito sa office nyo" tanong ko dito.










"Hihiram sana ako sa isa sa mga tauhan mo" sabi nito ng mailigpit na nito ang laptop nito sa kanyang harapan at tumingin sakin.












"Para saan?"










"Gusto kong ipahanap ang apo ko na limang taon na nawawala"--Mr. Anton.











Si Aly?












"Diba nabanggit nyo na noon saakin na ang isang apo nyong babae ang syang gumagawa ng paraan para mahanap ang kapatid nito?"













"Hindi ako mapalagay na walang gawin para sa apo kong lalake. Halos limang taon na sya nawawala hindi ko alam kung paano at kung saan sya hahanapin. Malaki ang tiwala ko sa apo kong babae pero ayoko na wala akong gawin para din sa kapatid nya" halata sa mukha nito ang pag aalala nito sa kanyang apo.

















Tumingin ako sa bandang likod nya kung saan dun nakalagay ang litrato ni Aly may kasama itong isang babae na mas matanda sa kanya. Kunuha naman ni Mr. Anton ang picture at tinignan nito.















"Sya si Alex Ynigo Valdez ang pangalawa kong apo. Sya ang dahilan kung baket pinapunta kita dito hihingi sana ako ng pabor sayo sa mga tauhan mo na hanapin ang aking apo" hatala sa kanya na mahal na mahal nya ang kanyang apo na si Aly.












Gusto ko mang sabihin kung nasaan si Aly pero nangako ako sa bata na ibibigay ko ang gusto nya mangyari.















"Mahal nyo talaga ang apo nyo Mr. Anton" nakangiting sabi ko dito.














"Sobra. Silang dalawa ng ate Alexa nya halos parehas lang sila ng ugali ng ate nya. Sobrang bait, masiyahin at sweet din syang bata kaya ang lapit ng loob ko sa kanilang mag kapatid.. Nung nalaman kung umalis sa bahay si Alex dahil sa mga magulang nya hindi ko maiwasan na magalit sa mga ito.. Hindi nila pinibigyan pansin ang apo ko hindi nila magawang kausapin at kamustahin manlang ang apo ko. Si Alex bata palang yon matulungin na sa kapwa nya may nakita syang bata sa lansangan na naglalakad kasing edad nya lang ito nagawa nya itong tulungan at inuuwi pa nito sa bahay ipinakilala nya ito saamin at tinuring parang tunay na kapatid... at tuluyan na nga nya naging kapatid ito ng kupkupin ni Ruel ang bata pero habang tumatagal parang napupunta ang atensyon ng mag asawa sa bata at nakalimutan na nila si Alex halos parang pinagbaliktad lang.... parang si Alex ang naging ampon at yung ampon ang naging totoong anak nila Ruel ang aking nag iisang anak kaya sila ang sinisisi ko kung baket nawala ang apo ko" Ngayon ko lang nakita si Mr. Anton na umiyak. Dahil sa araw araw na papasok sya sa kanyang opisina ay lagi itong nakangiti na para bang walang problema o lungkot na pinagdadaanan pero sa loob pala nito ay ang lungkot na dinadala nito dahil sa apo nya.













"Agad kong iuutos sa mga tauhan ko ang gusto nyong mangyari Mr. Anton" sabi ko at tumayo na










"Maraming salamat Mr. Lazaro" sabi nito at tumayo din para kamayan ako tinanggap ko naman ito pagkatapos non ay nag paalam na ako sa kanya.










Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan ng batang iyon. Masyado syang matatag at nakaya nya ang buhay ng mag isa.










Hanga din ako kay Aly dahil sa nakaya nyang mamuhay ng mag isa lang at walang kasama. Sobrang lakas ng loob ng batang yon para harapin ang ganoong buhay.











Halos iniintay ko nalang ang aking driver ng tumunog ang aking telepono agad ko naman iyong sinagot ng makita na si Dennise ito.










"napatawag ka anak, may problema ba?"












"wala naman po dad.. Mag papaalam lang po ako na medyo gagabihin ako"











" baket?"










"May practice po kase sila Aly ngayon hehe"









Inlove na talaga sya kay Aly haha









"Ikaw talaga anak hindi halatang gustong gusto mo si Aly no?"










"Dad naman ihh.."











" hahaha.. Oh sige na sige na.. Mag iingat kayo ha "









" opo daddy . Kayo din po . Love you u po dad"








"love u too anak"







At ibinaba ko na ang tawag at sumakay na sa kotse papunta sa aking opisina.

























---------------


































Dennise POV

"Buti pumayag si Tito Mike?" sabi ni Aly. Mag kasama kame ngayon at nag lalakad kame papunta sa gym dahil player na sya ng basketball team ang galing ng baby no? Haha










"Basta mag paalam lang ako papayagan ako ni Daddy pati kasama naman kita alam kung hindi mo ko pababayaan diba?"










"opo 😊 sya nga pala baka bukas hindi ako makasama sa inyo sa tambayan bukas" --Aly










"Baket?"








"Bibili kase ako ng mga kailangan ko kase nga diba kasali na ako sa bas" --Aly








"Samahan kita gusto mo?"








"Ha? Baka mapagod ka lang tsaka maboring don" --Aly









"Sige na sasamahan na kita wala naman pati ako gagawin bukas e" pangungulit ko sa kanya.








"Hindi naman ako makakahindi sayo eh" natatawang sabi nya kaya naman napatawa nalang din ako.










Nag tuloy lang kame sa pag lalakad papunta sa gym. Agad naman sya lumapit kila Greg ng makarating kame sa loob ng gym umupo naman ako sa tabi nila Fille ng makita ko ang mga ito.











Two weeks na ang nakakalipas ng mag simula manligaw saken si Aly at masasabi kong sobrang sweet nya at maalaga tuwing umaga iintayin nya ako at ihahatid sa klase ko at ganon ang ginagawa pag uwian na hindi nya hahayaan na mag isa lang akong mag iintay sa sundo ko sa pag uwian ng hapon at araw araw nya din ako binibigyan ng bulaklak.











Ang laki na din ng pinagbago ni Aly ngumingiti na sya kahit makita man sya ng iba.. hindi na sya nakahoodie pagpapasok at kung maporma na sya noon ay mas maporma na sya ngayon manamit kaya nga ang dami na nag kakagusto sa kanya ang dami ko ng kaagaw pero kahit na ganon pinaparamdam saken ni Aly na ako lang ang gusto nya kaya naman panatag na ako dahil don.

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon