- 14 -

8 0 0
                                    

Miruelle

Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista. May nag-aayos ng mga upuan at lamesa. Naglalagay ng banderitas, nagluluto ng mga putaheng ihahanda at kung anuano pa. Samantalang ako ito, enjoy na enjoy sa mga natutunghayan. First time ko kaseng maexperience ang ganito. Hindi naman kase uso ang piyesta dun sa lugar na tinitirhan namin eh. Tsaka sa mga palabas ko lang din ito nakikita. Pero ngayon nararanasan ko na. Ang saya pala.

"Maayong buntag po Mang Kanor."Bati ko kay Mang Kanor na kapitbahay namin at ngayon ay nagkakabit ng mga ilaw para gamitin mamayang gabi.

"Oh Elle, ikaw pala iyan. Maayong buntag pud." Masiglang sagot naman nito. Si Mang Kanor ay matanda lamang ng ilang taon kina Tiya Ema at Tiya Mona. Kung kaya ay parang magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.

"May maitutulong po ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Naku, nakakahiya naman sa iyo hija. Pero kung mapilit ka. Maari mo bang iabot sa akin ang bombilya?"

"Sige po." Sagot ko at kinuha ang bombilya upang iabot sa kanya. Tumungtong ako ng upuan dahil nasa itaas si Mang Kanor. Sa puno ng Talisay kase ito nagkakabit ng ilaw.

Akmang iaabot ko na sana ang ilaw ngunit biglang umuga ang upuan dahil nasagi ito ng mga batang nagtatakbuhan kung kaya naman ay nawalan ako ng balanse.

"Ahhhh."

Napasigaw nalang ako sa akalang babagsak na ako sa lupa ng may malulusog na bisig ang sumalo sa akin.

"Got Yah." sabi nito ng may malawak na ngiti sa labi. Ako naman ay napatulala sa kanya sa pagkabigla.

"Wooooooh." Sigawan ng mga tao.

"Yun oh! Prince Charming to the rescue."rinig ko naming komento ng kanyang kapatid.

"Naka puntos na naman si Matmat. Hahaha." Sabi naman nung isang lalaki na taga kabilang kalye.

Si Matt naman ay tawa lang ng tawa. Inilapag naman niya ako sa upuan habang inaayos ang naangat kong damit. Nakasuot nga pala ako ng putting blusa at paldang bulaklakin na hanggang tugod.

"Okay Pips back to work." Sigaw ni Matt pero halata namang gustong-gusto ang atensyon na nakukuha galing sa mga kakilala.

"Okay ka lang?" tanong nito sa akin.

"Ha? Ah oo. Di naman ako napano. Salamat pala." Nahihiya kong sabi sa kanya. At aakma nang aalis pero hinawakan niya ako sa braso.

"B-Bakit? May gagawin pa kase ako." Bakit nauutal na naman ako.

Kailan pa ba ako masasanay sa presensya ni Matt? Kahapon pa ito ah. Kahapon kase pagkahatid niya sa akin ay hindi na rin siya umalis sa tabi ko laging nakabuntot kung na saan ako nandun din siya.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Ako naman ay naiilang. Syempre matatanda ang mga kasama naming. Baka kung ano isipin nila sa amin.

"May sasabihin lang ako sa iyo."

"Ano ba yun?" kunwari naiirita ako pero deep inside kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Pwedeng ibulong ko nalang? Baka kase marinig nila." Sabi nito sa seryosong tono kaya naman na curious ako kaya tumango ako bilang pagpayag.

"Ano kase...."panimula nito at inilapit ang bibig sa tenga ko.

Tsup!

"Maganda ka pa sa umaga ko. Wag masyadong magpagod." Sabi nito at nagtatakbo na palayo sa akin.

Ako naman ay naiwan na nakatayo. Tila ba hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Did he just kiss me?

"Oops wala akong nakita." Rinig kong komento ni Mang Kanor na nasa itaas nga pala at nagkakabit ng ilaw.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon