Augustine Rae
-----Kasalukuyan akong nakapikit habang nilalagyan ako ng make up ng sarili kong make up stylist.
Lahat ng mga stylist ko mula ulo hanggang paa ay nakapalibot sa akin para ayusan ako. I'm currently wearing my bathrobe. Pagkatapos ko pang mag ayos ay magbibihis ako ng susuotin kong damit para mamaya.
"Tapos na po, madam." tumango ako at iminulat ang aking mga mata.
Napangisi ako habang pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin. Isang napakagandang babae ang nakikita ko.
Napakunot ang noo ko. "Alis, umalis na kayo. Hindi ko gustong makakita ng pangit sa salamin ko. Nakakasagabal kayo."
"O-Opo! Masusunod po." agad silang nagsialisan.
Ibinalik ko naman ang tingin ko sa salamin. Perfect!
Tumayo na ako at pinuntahan ang damit ko na nakalatag sa kama.
It's a long silver mermaid tube gown. Sa oras na suotin ko ito, mababaliw ang lahat ng mga lalaking makakakita sa akin. Inggit na naman ang mga babae.
Napapangisi na lang ako at sinimulang hubadin ang bathrobe na suot ko at kinuha ang damit na susuotin ko.
Buti at wala itong zipper sa likod kaya hindi na ako nahirapan pang suotin ang kasuotang iyon.
Tinitigan kong muli ang sarili ko sa malaking salamin. I look sophistically gorgeous.
Umupo ako sa kama upang suotin ang napiling heels na papareho sa kulay nang aking damit.
Tumayo akong muli at isinukbit ang paborito kong shoulder bag. Sinulyapan kong muli ang aking sarili sa salamin bago na pag desisyonan na bumaba na at hintayin na lamang sa baba si Daddy.
Hindi makakasama si kuya Allen dahil hindi pa namin natatapos ang proyekto nya na bukas na ang pasahan. Mas nauna ang pagbukas nang klase nina kuya kesa sa amin. Madami pa daw kasi silang gagawin lalo na at graduating na sa college ang kuya.
Saktong pagkababa ko ay nasa huling baitang na si dad at mukhang hinihintay ako.
"Dad!" napatingin si daddy sakin at ngumiti.
Mas binilisan ko ang pagbaba at niyakap si daddy. "Ang gwapo gwapo ng daddy ko!"
Natawa siya sakin. "Binibiro mo lang yata ako anak. Ikaw, kamukhang kamukha mo ang mommy mo." kumalas ako sa kanya ay nginitian sya.
"Sana nandito si mommy no, dad?"
"Yes." sandali akong nginitian ni dad bago nilahad ang braso nya. "Shall we go now, princess?"
I laughed.
Tinanggap ko ang braso ni daddy at sinukbit ang kamay ko roon.
Pinagbuksan ako ni daddy ng pinto kaya agad naman akong pumasok don. Hindi nagtagal ay pumasok din si daddy sa driver's seat.
"You ready anak?"
"Yeah."
-----
"Good evening sir, ma'am."
"Family name, sir?"
BINABASA MO ANG
Married By Accident
RomanceAugustine Rae tries to escape from her 'accidental marriage' to a man named Khalil Galvan. Kasalanan naman nya, she just ruined an engagement party and a damn relationship. They all thought that she was the 'Mistress' of Khalil, at dahil doon, Khali...