[Fan Fic] Secretly In Love

9.9K 136 54
                                    


Si Kent at si Phoebe ay mag-asawa. Kahit nagpakasal na sila, "hindi" nila mahal ang isa't isa. Fixed marriage sila kaya napilitan silang magpakasal and yes, they have to do what married couples do, like living under the same roof. Palagi silang nagbabangayan sa loob ng bahay kaya nakipag-usap na si Manang Lourdes sa kanilang dalawa.

Bumuntong hininga muna si Manang Lourdes bago nagsalita. "Huwag muna kayong magsalita, ha? May pabor sana ako sa inyong dalawa."

"Ano po iyon, Manang?" tanong ni Phoebe kay Manang Lourdes.

"Sabi nga ni Manang Lourdes, huwag munang magsalita!" Inis na sabi ni Kent kay Phoebe. Pinalo ni Phoebe si Kent sa braso. "Makapalo! Close ba tayo?!"

"May sinabi ba akong close tayo, ha?!" Nag-cross arms si Phoebe at napanguso. "E ano ngayon sa'yo kung magsalita ako?" Nagpatayan sa titig ang mag-asawa.

"E sabi nga kasi ni—"

"Tumigil na nga kayo! Ayan na naman kayo, e." Napatingin ulit ang mag-asawa kay Manang Lourdes. Pumirmi ang mga ito ng upo. "Mag-asawa na kayo. Ang pabor ko sana, e, huwag na kayo palaging magbangayan dito sa loob ng bahay. Kailangan niyo nang magkasundo para tumatag ang pagsasamahan ninyo." Napangiwi na lamang si Manang Lourdes dahil baka magalit sa kanya sina Kent at Phoebe.

Lumawag ang pakiramdam ni Phoebe. Akala nito ay kung ano na ang ipapagawa sa kanila ng ginang.

"Sige po. Utusan niyo po 'yang si Kent na huwag akong sigawan," sagot niya. Napangiti naman doon si Manang Lourdes.

Marahas na napalingon si Kent kay Phoebe. "At ako pa ngayon may kasalanan?!"

Sinamaan niya ito pabalik ng tingin. "Oo!"

At nagbangayan ulit ang mag-asawa.

Napailing na lamang ang matanda dahil alam niyang wala nang pag-asa pa ang mag-asawa. Tumayo ito at pumunta sa kusina para ihanda ang tanghalian.

"Ayan kasi! Ewan ko sa'yo!" Galit na sabi ni Phoebe matapos makita ang reaksyon ng matanda.

"Bahala ka sa buhay mo!" Tumayo si Kent at umakyat papunta sa kwarto niya. Iyon din ang ginawa ni Phoebe.

Tahimik ang buong bahay. Walang nagsasalita. Mapayapa. Nakakapanibago ang mga nangyayari. Walang nagpapansinan. Hanggang sa...

"Phoeb! Si Jhone 'to!" sigaw ni Jhone mula sa labas ng bahay ng mag-asawa, ang matalik na kaibigan ni Phoebe. Kasama ni Jhone si Harley, ang pinsan nito. "Papasukin mo kami!"

"Teka lang! Makasigaw naman 'to," inis na sagot ni Phoebe dahil nagmamadali siyang makababa ng hagdan.

Pagdating ni Phoebe sa labas, nadatnan niya sina Harley at si Jhone. Ngumiti si Phoebe sa dalawa at pinapasok ito. Pagpasok nila sa mismong bahay, nakita nila si Kent na nakabusangot ang mukha at nakatingin nang masama sa tatlo.

"Anong ginagawa nina Harley at Jhone dito, Phoebe?" seryosong tanong ni Kent kay Phoebe. Nararamdaman na naman ang umuusbong na tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Bumibisita. Masama ba 'yon?" Tinaasan nito si Kent ng isang kilay. Nag-uumpisa na naman silang mag-away.

"U-uh, Phoebe, next time na lang kami b-bibisita sa'yo. Hehe. Sige, b-babush!" Tatalikod na sana si Jhone kaso biglang nagsalita si Phoebe.

Hinawakan ni Phoebe si Jhone sa braso. "No, walang aalis. Wala naman kayong ginagawang masama." At dahil doon, tumayo na lamang sa pwesto si Jhone.

Ngayon lang nila nakita kung paano magsalita nang ganoon si Phoebe. Hindi nila iyon inaasahan. Nanatiling tahimik ang paligid habang sina Phoebe at Kent ay nagpapatayan sa tingin.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon