Chapter 24: Annoying Girl

1.5K 39 4
                                    

Hannah's Pov:

After the two subject nagpaalam na ako sa iba ko pang teacher na may commercial akong gagawin at pumayag naman sila basta makibalita nalang daw ako sa mga kaklase ko about sa topic and assignments.

Inayos ko na yung sarili ko tapos lumabas ng room dala yung bag ko pero bago pa ako makaalis napahinto ako kasi si Panda nasa harap ko.

"What do you want?" agad kong tanong at napairap dito.

"Where are you going?" tanong din niya.

Umirap ako uli at nilagpasan siya. Hindi na ako nagtataka nang naramdaman kong sinusundan niya ako pero hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa nakalabas na ako ng gate ng school at nakasunod talaga siya.

Pumara ako ng taxi pero nilagpasan ako. Papara na sana ako ulit ng panibago kaya lang biglang hinawakan ni Panda ang pulsuhan ko kaya naman inis ko itong hinablot sa kaniya.

"Ano ba?!"

"'Wag ka na mag taxi kasi hindi ako nagtitiwala sa kanila kaya sa akin ka na sumakay at ako ang maghahatid sa iyo sa kung saan ka man pupunta." sagot niya.

Umirap ako. "Ano naman? 'Di ko kailangan ng opinyon mo because I can protect myself." sabi ko tapos maglalakad sana palayo kaya lang hinila niya ulit ang pulsuhan ko. Hindi ako nakapalag kaya naman napasama ako kung saan siya naglalakad ngayon.

Kaasar!

"Grayson! Ano ba?!" inis kong sabi pero hindi pa rin siya tumitigil hanggang nakarating kami sa parking lot tapos may nakita akong babae na nakataas ang kilay sakin tapos nakapameywang pa.

Napahinto kami kaya mabilis kong inalis ang pagkakahawak ni Grayson sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa states ka nag-aaral." agad na tanong ni Panda doon sa babae.

"Don't you miss me?" tanong niya tapos ngumisi pero walang salita ang narinig ko mula kay Panda kaya naman nagsalita siya uli. "So?" bigla siyang bumaling sa akin. "Is she your new toy?" ngisi niya.

Is she saying that I'm one of his girls? Oh damn, if I can't control my self right now. I swear she'll be having a bruise in her face.

Wala akong sabi sabi na umalis pero hinawakan ni Panda ang pulsuhan ko kaya inis ko siyang tinignan.

"Stay." bulong niya na tanging kaming dalawa lang ang makakarinig.

Makapagsabi ng stay, ano ako aso?

"What? I'm on my way to my--"

"Just stay, please." bulong niya uli kaya hindi na ako nakaalis pa.

Napairap na lang ako. "Edi ihatid mo na ako kung wala ka nang ibang gagawin!" inis kong sabi dito.

"Wait? Can we have a small talk?" plastic siyang ngumiti sa harap ko. "The three of us." dugtong pa nito.

Umiinit dugo ko dito sa babaeng 'to. Masyadong plastikada kakaharap ko pa lang. "We're already talking." I said.

Tumawa siya ng peke. "Oh, yeah right." sabi niya.

"Can you please make it fast? I'm a busy person and I have a shooting later on." walang gana kong sabi sa kanya habang nag-crossarms.

"The hell I care." sagot niya kaya napataas ang kilay ko. Ang tapang naman nito.

"Farrah." may pagbabanta na wika ni Panda dito.

"What?" naguguluhang tanong nung babae at mahinang natawa pa.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon