CHAPTER 7: Hajime Kindaichi's Tokyo Tower Case Encounter File 1

54 4 0
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos ng insidente na nangyari sa tea shop ay payapa nang naglalakad sa may daanan sina Hajime at Miyuki. Tumingin saglit si Hajime sa kanyang orasan at nakita niyang alas singko na pala ng hapon, konting oras nalang at mag-gagabi na.

"Miyuki, mukhang kailangan na natin bilisan sa paglalakad. Alas singko na kasi eh, kailangan kong maabutan yung curry na luto ni Mama hehehe." sabi ni Hajime kay Miyuki habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa orasan at ipinapakita ito sa kasama.

"Hay nako Hajime! Huwag mo sabihin sa akin na bilisan ko ang lakad ko. Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ka lang nasangkot sa isa na namang krimen, edi sana maaga tayong nakapamili ng damit ko at maaga din tayong nakauwi!" pagsagot naman ni Miyuki sa binata.

"Pero infairness Hajime-chan, dahil doon sa insidente na yon, nakakilala ako ng isang gwapong detective na katulad mo!!" pagpapahayag ng dalaga habang nababakas ang konting kilig sa mukha nito.

"Ahh yun ba? Si Shinichi Kudo ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Hajime na may bakas ng konting pagseselos.

"Ehh!? Paano mo siya nakilala?" tanong ng dalaga pabalik.

"Hindi ba't sinabi nung Inspector kanina na mataba yung pangalan niya? Isa siyang anak ng nobelistang si Yusaku Kudo, ang gumawa ng series ng Night Baron. Hindi ka siguro nakikinig no?" pahayag ni Hajime.

"Ohh! Nakikinig ako! Hindi ko lang siguro talaga narinig kung ano yung pangalan niya, pero tama na nga sa mga tungkol sa kanya, baka mamaya Hajime-chan nagseselos ka na sa kanya ah!" pang-iinis ng dalaga na siya namang ikinapula ng pisngi ng binata ngunit may ekspresyon ito na parang naiinis.

"Hindi noh!" sabi ni Hajime.

"Hahaha biro lang naman. Alam ko namang hindi ako yung tipo mong babae Hajim-" natigilan ang dalaga sa pagsasalita ng biglang hawakan ng binata ang kamay niya at iniangat ito. "Miyuki, magpunta nalang tayo doon sa tower na yun oh! Mukhang maganda sa taas non!" sabi ng binata habang tinuturo ang isang  pulang tower at nakatalikod sa dalaga. Mukhang ayaw nitong ipakita yung mukha niyang nahihiya siguro.

"Eh Hajime-chan, akala ko ba gusto mo na makauwi para makakain ka ng curry na handa ng mama mo?" tanong ni Miyuki.

"Kalimutan na muna natin ang tungkol sa pagkain. Magkaroon na muna tayo ng free time para mamasyal. Matagal na rin simula nung nagawa natin yon, mga bata pa yata tayo eh hahahaha!" sabi naman ng binata habang nakaharap na sa dalaga at nangingiti.

Namula naman ang pisngi ng dalaga bilang epekto ng matatamis na salita na sinabi ng kasama.

"Oh sige tara! Hajime-chan!"

Nagtungo na sila sa entrance ng tower na yon. Pagkapasok nila sa loob nito, may mga guard na bumungad sa kanila at bumati.

"Welcome po sa Tokyo Tower!!" sabi ng mga ito.

"Hajime-chan, nakakatuwa naman dito!" sabi ng dalaga.

"Hahaha diba? Mukhang hindi ako nagkamali ng tinurong lugar!" sabi ni Hajime.

"Wehh, naka-tsamba ka lang naman sa paghahanap sa lugar na ito habang naglalakad tayo eh, ni hindi mo nga alam ang pangalan nito, itinuro mo lang."

"Hindi na mahalaga yon, ang importante nandirito na tayo sa loob. Tara maghanap tayo ng magandang spot dito. Mula kaai kanina sa daan nakita ko na may observation deck ang tower na ito pero hindi ko lang alam kung saang floor, pero ayun oh tignan mo," turo ni Hajime sa isang malaking screen na mistulang lay-out o mapa ng buong tower. "Tignan natin doon kung saang parte yon!"

Dali-dali namang nagtungo ang dalawa sa direksyon ng kinaroroonan ng malaking screen. Pagkarating sa tapat nito ay sinuri nilang mabuti at tinignan ang bawat palapag.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon