EJ's POVI pressed the doorbell for the first time at hinintay na magbukas ito.
My God. Ito na yung oras na hinihintay ko. Ito na yung oras na kakausapin ko si AJ at sasabihin ko sa kaniya yung totoong nararamdaman ko. Kaya nandito ako sa labas ng bahay nila at naghihintay na pagbuksan ako ng gate.
Relax EJ. Walang masamang mangyayari, okay? Calm down. Inhale, exhale.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at saka huminga ng malalim.
"You can do it. I know you can." Bulong ko sa sarili ko.
"Yes po? Ano po yung kailangan nila?"
Mabilis kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang nagsalita at bumungad sa akin ang isang babae na hindi gaanong katandaan and I can say na isa siya sa mga kasambahay nila AJ dahil sa uniform nitong suot.
"A-amh, I'm looking for AJ. N-nadiyan ba siya?" Nauutal kong saad dito dahil sa kaba.
"Ah wait lang po Ma'am." She said at bumalik sa loob.
Habang naghihitay ako ay walang tigil din ang paghinga ko ng malalim.
Shit. Para akong masusuka na ewan. Parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko. If that's possible. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Hindi rin nagtagal ay lumabas na ulit ang kasambahay mula kanina.
"Ah sorry Ma'am pero sabi ni Ma'am AJ ay hindi na daw po siya tatanggap ng bisita simula ngayon. Unless po kung kaibigan niya po kayo." Saad nito sa akin.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Ah, I'm her friend and I just really need to talk to her." I said.
"Ano po ba ang pangalan niyo Ma'am?" Tanong nito sa akin.
"Elishia. Elishia Jazmine Falcon." Sagot ko dito.
"Sorry po Ma'am pero-"
"Let her in Jinky. Kilala namin siya ni AJ. Kaibigan namin siya." Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang nagsalita.
"S-sab?"
"Ma'am Sabrina, sorry po pero sabi kasi ni Ma'am AJ na-" Once again Sabrina cut her off.
"I said, let her in." Striktong saad nito habang papalapit sa amin.
"O-okay po." Nakayukong saad ng kasambahay at pumasok na sa loob.
"Why are you here, EJ?" Tanong sa akin ni Sab nang maiwan kaming dalawa.
"Gusto kong lang makausap si AJ." Sagot ko dito.
"For what?" Muli nitong tanong, this time ay parang nakangisi na siya.
"N-nothing."
"Nothing? Really huh? So dapat nga sigurong hindi ka papasukin. Okay, if para sa wala lang 'yan EJ, it's better if you should go home then." She said. Tumalikod ito at akmang papasok na sa loob ng bahay.
"Ah Sabrina. Wait." Tawag ko dito habang hindi pa siya nakakapasok sa loob.
Lumingon siya sa akin at tinaas ang kilay niya.
"Yes?"
"I'm here to talk to her and..." Tumigil ako saglit at kinagat ang ibaba kong labi.