Chapter 34: Running Away

2K 52 2
                                    

Sunhee's POV

"TUMAYO KA NGA DIYAN!" Nagising ako sa bunganga ng aking ina. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatayo siya sa harap ko. Nakapamewang. Bwiset!

Pampanira nang panaginip!

"Ano po ba yun?" Tanong ko sa kanya na may pagkaantok sa boses.

"12:00 am! Na oh! Tagal mo magising! May lessons ka pa! At may dadating dito! Maligo ka na! Mag-ayos! At magmukhang-"

"Prinsesa, alam ko. Umalis ka na dito sa kwarto ko. Pampanira ng panaginip." Binulong ko yung kong sinabi pero narinig niya yun. Oops... sinadya ko yun.

"Ikaw talagang bata k-" Hindi ko pinatapos yung mga sinasabi niya dahil bumangon ako ng kama at tinulak siya papalabas ng kwarto. Linock ko agad para di siya makapasok.

Hindi ako prinsesa. At nandito paren ang dati kong ugali.

At ito namang 'ina' ko, para siyang yung principal ko dati sa MNH. Yung bunganga ang laki.

Naiinis ako sa mga ganyang tao eh. Ingay ingay tapos wala namang kwenta yung mga pinagsasabi.

Dahil nawalan na ako ng gana matulog, bumangon nalang ulit ako sa kama at pumasok sa CR. Nagtoothbrush muna ako. Pagkatapos, hinubad ko ang aking damit at nagshower na.
.
.
.
.
.
Pagkatapos ko maligo, kinuha ko yung bath towel at pinunasan sarili ko. Binalot ko yung towel sa katawan ko at lumabas ng CR. Pumunta ako sa closet at kumuha ng damit dun.

Sinuot ko ay t-shirt at sweat pants. Nasa bahay naman ako diba? Tinatamad ako magpaganda ngayon.

May narinig akong mga hindi pamilyar na boses sa ibaba. At alam ko na yun yung mga bisita na sinabi ni mother.

Hindi na ako nagsuklay at hinayaan yung buhok kong basa at buhol-buhol dahil naririnig ko na yung tawag ni Mama sa akin sa ibaba. Kaya agad naman ako bumaba.

Pagkababa ko, may dalwang magulang ay may tatlong lalaki na parang kasing age ko. Gwapo pero wala akong pake. Hindi sila Pinoy, I can tell. Tsaka ang tatangkad nila. Nakatalikod sila, hindi pa nila ako napapansin, including my mother.

Nung bumababa ako ng hagdan, dahil sa bilis, natapilok at nahulog ako sa baba kaya lahat sila ay nagtinginan sa akin.

Okay guys... ganito po yung way para makababa sa hagdan ng mabilis....

Pagkabangon ko at pagkatingin ko lahat sa kanila, mga nanlaki mga mata nila. Si Mother naman, gulat na gulat. Oh boy...

Para mawala yung awkwardness, nagsalita ako.

"Hello Trashes. Mah name's, Sunhee. The fabulous queen. Daughter of my mother." Sabi ko sa kanila while flipping my hair with confidence.

Pinapahiya ko lang si Mother and it worked.

Kita kong nanginginig na si Mother sa hiya. Kaya agad siyang lumapit sa akin.

"Umm... Excuse me. I'll just talk to her. Wait here." Nung sinabi yun ng nanay ko, agad naman niya hinila yung braso ko at umakyat. Pumasok kami sa kwarto at pagkasara niya ng pinto, humarap siya sa akin ng galit.

"Ikaw talagang bata ka. Mukha kang halimaw! Ayusin mo nga sarili mo! At wala kang galang kanina!" Bulong niya dahil baka marinig ng mga bisita sa baba.

"Nakakatamad." Sabi ko sa kanya na walang gana yung boses. Kita kong kinamot niya ulo niya in a frustrated way.

"Sumunod ka nalang sa akin ha? And we're meeting one of the richest family in England. Kaya mag-ayos ka! Aalis rin tayo." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon