"All for LOVE" (Season 1 : JuliElmo)

2.1K 47 46
                                    

Narinig ko na naman ang pagtunog ng cellphone niya. Palaging ganun sa twing magkasama kami, laging may hadlang.

"Julie, Pillows. Sagutin ko lang ha." sabi ni Moe, sabay tumayo at tinakpan ang bibig niya para kausapin yung tumawag sa cellphone niya.

"May press-conference kami, gusto mong sumama?" Tanong niya sakin.

Siya nga pala si Moe Magalona, ang bestfriend ko since grade 1. Naging sikat siyang artista noong grade 5 palang, gwapo at talentado eh. Buti na lang close na kami nun. Kung hindi, baka hindi ko na siya malapitan katulad ng ibang fangirls na pinapangarap ding makasama siya.

Kinaiinggitan, hinahangaan at minamahal ng maraming tao, lalong lalo na ng mga babae.

"Hindi na Wafu, Gagawin ko pa yung project ko sa Programming." Ngumiti na lang ako, naiinis ako dahil iba naman talaga ang dahilan kung bakit siya aalis. May date kasi siya, sa ibang sikat na artista.

Syempre kailangan nila yun, for public appearance naman.

Katulad ng ibang magbebestfriend, may tawagan din kami. Wafu ang tawag ko sa kanya, kasi Gwapo daw siya. Yun sabi niya sakin eh. And Pillows naman sakin, as in Huggable. Bukod dun, favorite din namin ang oishi na Wafu at Pillows.

At ayun, aalis siya. Maiiwan akong nakatulala sa may taas ng tree house namin. College na ako, pero ganun pa din. Wala siyang pinagbago, pero sa kabila ng pagiging busy niya. Nagmemeet pa din naman kami kahit sandali, twice a week.

Masaya na ko pag ganun…

Kuntento na kong nakakasama ko siya kahit sandali lang..

 --

November na, may shooting siya abroad. At sakto naman, auditions ng ibat ibang palabas ng different networks. 

I realized that this could be my chance, ang maging kalevel niya. Ang maging isang sikat na artista. Hindi naman masamang mangarap diba?

Gustong gusto kong sumali, kahit na pagbawalan na ako ng magulang ko. Tumakas ako, sinabi ko lahat ng palusot, ginawa ko lahat ng paraan makapagaudition lang.

"Are you Ms.?" Tanong ng isang judge sa akin.

 

Halos mawalan na ko ng oras sa studies dahil lang dito, para lang sa kanya.

"Uhmm, Julie San Jose po." Sabi ko ng nanginginig ang boses. Kinakabahan ako, sigro lahat naman ng tao noh?

Luckilly i passed. Natawa na lang ang mga magulang ko, at syempre naging proud naman din. Kahit ako, nanibago. Parang dati lang, bestfriend ko yung nasa t.v. Ngayon, pati na rin ako.

Nakakatuwa kasi, nagkaroon pa ako ng maraming friends.

"All for LOVE" (OneShots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon