Miruelle
"Yii. Ang ganda-ganda talaga ng beshy ko!" Tili ni beshy habang tumatalon talon pa. Baliw talaga parang bata.
"S-Sigurado ka? Hindi ba masyadong revealing?" Nag-aalala kong tanong habang pinagmamasdan ang sarili ko sa human size mirror.
"Ano ka ba! Hindi no! Konting balat nga lang ang pinakita mo." Sagot naman ni beshy. Sinukat ko kase ang tinahing gown sa akin ni Manang Leti. Yung gown na gagamitin ko para mamayang gabing pageant.
"Korak! For sure yung gown ng iba ay mas revealing pa dito." Pag-agree naman ni Soledad ang magiging make-up artist ko.
Mamayang gabi na ang pageant. Pero bago daw iyon ay mag pa-parade muna daw kami paikot sa Sitio Paraiso sakay ng pedicab na nilagyan ng disenyo at kung ano-ano pang kolorete dipende sa theme ng bawat kalye.
Ang saya. Naeexcite ako at the same time kinakabahan. First time ko kaya ito.
"Girl?! Anong mukha yan? Naku naku! That face is a no-no." Hiyaw sa akin ni Soledad. Napansin niya yatang parang di mapinta ang mukha ko.
"Pasensya na. Kinakabahan lang talaga ako ng bongga." Honest ko na sagot.
"Ano ka ba! Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong sa akin ni Soledad habang tinutulungan akong hubarin yung gown. Hindi pa kase yun yung susuotin ko. Bali mamayang gabi yun. Ibang gown ang susuotin ko para sa parade.
"Its my first time. What if magkamali ako? What if hindi ako magustuhan ng mga tao." Nag-aalalang sabi ko.
Kahit naman kase I have beauty and brains pero never akong sumali sa mga pageant. Oo sikat ako nung highschool ako and I can say that I'm confident pero nawala lahat nang iyon simula nang mag-collage ako.
Sabihin na natin na masyado akong nadala sa mga pangb-bully na ginawa sa akin ni Karen, my ex best friend.
"Anong hindi magugustuhan? Magugustuhan ka ng mga tao dito. Ay mali-- dapat past tense pala kase matagal ka ng gusto ng mga tao dito Elle. They like you." Pagpapagaan ng loob sa akin ni beshy. I know she's worry about me.
"Tama! Napakaganda mo kaya at sobrang bait pa." Giit naman ni Soledad.
"Don't worry too much Mir okay? Iba ang tao dito sa mga tao doon." I know she's referring to those people who bullied me before.
"Mababait sila. They love you. Ikaw kaya ang best friend ko na may pinaka-ginintuang puso. Kung hindi yun nakita ng mga tao sa Manila, pwes I'm sure makikita yun ng mga tao dito." Sincere na sabi sa akin ni beshy. Kaya naman napayakap ako sa kanya.
"Thank you beshy." Sambit ko habang nakayakap sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si beshy. She's my strength.
"Aw. Kayo lang?" Hiyaw ni Soledad at dali-daling lumapit sa amin at yumakap rin.
"Group hug!" Hiyaw ulit nito.
||||
Kinakabahan ako habang pasilip-silip sa bintana. My gosh ang andaming tao ang nag-aabang sa pagbaba ko. Nakakaloka.
"Huy! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni beshy.
"Beshy ayoko na. Tulungan mo ko tumakas." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya ngunit tiningnan lang ako nito nang are-you-serious-look.
"Loka ka talaga. Anong tatakas ka Jan. Ano ka preso para tumakas?" Bulyaw nito habang napailing-iling ng ulo.
Eh kase naman! Di ko akalain na ganyan karami ang tao dito nakakaloka. Di ako na inform.
"Presenting, our gorgeous muse... Elle!" Anunsyo ni Soledad na nasa labas ng bahay.
Ayan na! Talagang may pa grand entrance pang nalalaman itong si Sole eh. Daming kalokohan.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.