NAKABIBINGING sigawan ang sumalubong sa kaniya ng pumasok siya sa loob ng stadium. Kasalukuyan kasing ginaganap ang kauna-unahang sport festival ng mga club members. At sa araw na 'yon ay maglalaro ang mga ito ng basketball.
Nakalimutan niyang sabihin na hindi lang basta nakatambay ang mga ito dito sa isla. Mayroon rin silang weekly tournament kung saan magpapatagisan ng lakas ang mga ito sa pamamagitan ng karera ng mga kabayo, kung minsan naman ay basketball o kaya naman ay golf. Sa buwan na ito ay basketball ang nakatalagang laruin ng mga miyembro.
Sakto naman na pagpasok niya sa loob ang una niyang nakita ay si Dale na ngayon ay naghahanda na sa laro.
Ewan ba niya pero bigla niyang naalala ang namagitan sa kanilang halikan noong nakaraang gabi. Nang dahil doon ay halos hindi siya nakatulog at nakakain sa kakaisip ng halik na iyon.
Well... Hindi lang naman kasi iyon simpleng halik lang..
She was so sick alright. At wala sana siyang balak pumunta doon sa event kung hindi siya tinawagan ni Tristan. Kailangan daw nito ng assistant Doctor to stand by, kung sakali mang may aksidente na mangyari sa lugar.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Marami-rami rin ang nanonood sa mga ito at karamihan na nga doon ay mga babae. Kaniya-kaniya ng sigaw ang mga ito para sa mga sinusoporthan na miyembro.
"Go mga oppa!!!"
"Go Ace my love!"
"Go, Dale my love!!" napatigil siya at masama ang tingin na nilingon niya ang babae na sumigaw noon.
"Hindi siya sa 'yo! Huwag kang feeling diyan!" inis na sagot niya dito pabalik na siyang nagpatahimik naman dito.
Tinarakan niya ito ng mata bago siya nagpatuloy sa paglalakad ngunit napansin niya na tumahimik rin ang kaniyang paligid. At doon lamang niya napansin na sa kaniya na pala nakatingin ang mga ito.
Damn it.. Napalakas ba ang sigaw ko?? Narinig nila?! Tanong niya sa sarili ngunit hindi rin naman niya alam ang sagot. Patay malisya siya na nagpatuloy sa paglalakad.
Isang chuwariwap ang bumasag sa katahimikan. "She's the one who's claiming to be Dale's girlfriend!"
"Oo nga siya nga!"
"Kapal naman niya!"
Sunod-sunod na kumento ng mga ito. Tiningnan niya ang mga ito isa-isa. Wala siyang nakita ni isa man na tatapat sa kaniyang kagandahan. Inirapan na lamang niya ang mga ito. Hindi maganda ang gising niya kaya nasa mood siyang manapak ngayon.
"Akala mo kagandahan!"
Tiningnan niya ang nagsalita noon at gusto na niyang maiyak.. Maiyak sa katatawa dahil sa sinabi nito.
Lumapit siya sa pwesto ni Tristan at kinuha ang microphone dito. "Sorry ha? Ang gaganda niyo kasi. Perfect. Hindi mga retokada." gusto na niyang maglupasay sa katatawa ng tumahimik ang mga ito at bahagyang namutla na akala mo ay nakakita ng multo.
"Wala kayong ebidensiya na ako ang nagkakalat ng balitang 'yan."
"I heard you! Ipinamamalita mo 'yan sa boong isla."
Ah, lapastangan!
Tiningnan niya ang nagsalita. "Really? That's great. Ibig sabihin niyan ay malakas pa ang pandinig mo. Your ears are still working. Keep it up." bale wala niyang sabi. Nakita niyang nagtawanan ang mga miyembro maliban sa isa, si Dale.
Yeah, ginawa nga niya iyon para tigilan na ng mga ito si Dale. And speaking of which, mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya na naglalakad na ito papunta sa direksiyon niya.
BINABASA MO ANG
Stranger in Disguise (Stranger Series 3)
Lãng mạn(R-18) Read at your own risk...😉 ======≠=============== "I never planned to love you, but I'm happy that I did." We all have addiction. Mine, just happen to be Ross Dale Celemente. Hot, handsome, fafalicious and the most yummylicious man on earth...