Chapter 31

101 4 2
                                    

Levi's POV

"WHAT an eyesore, isn't it? "

".. You can face the wall if you want. " Aniko nang hindi nililingon ang biglaang sumulpot na si Jupither sa aking gilid at naupo sa aking tabi.

"Nah. Hindi naman ako yung nagseselos eh. " Narinig ko itong umismid. "Hindi ka ba nasasaktan sa nakikita mo ngayon? "

Nakasakay na kami ngayon sa inarkila naming passenger boat. Medyo malawak ito at malaki, kaya malaking tulong sa akin na hindi ko gaanong nahahagip ng tingin sila Jigger at Cheska na magkatabing nakaupo sa may dulong bahagi.

Tama itong katabi ko, masakit talaga sa mata ang tanawin na 'yon. Kaso hindi ko talaga maiwasang mapasulyap sa mga ito. Lalo na kung panay ang pagbalita sa akin nitong si Jupither ng mga kaganapan sa pagitan nila minu-minuto.

"Look.. he's touching her cheek. Aww! That's so sweet. "

T*nginang blandino. Ang bading..

"Malayo pa ba tayo? " Hindi ko pinansin ang kan'yang sinabi.

"Medyo malapit na. Ko'nting tiis pa, Fafa Lev--- aray! "

Asar kong tinapik ang kamay nitong biglang kumapit sa aking braso. "You're such a freaking gay. "

Natatawa naman nitong hinimas-himas ang kan'yang kamay at mayabang na nag-dekwatro. "Ikaw ang bakla d'yan kasi hindi ka marunong sumulot. "

"I'm not asking for your sh*tty opinion. " Aniko at nginisian ito.

"Huh. Ang bait talaga ni best friend. " Saglit itong muling sumulyap sa pwesto nila Cheska, bago bumaling sa akin nang nakataas ang dalawang kilay.

Nakakaasiwa ang paraan nito ng pagngisi.

"What a lucky bastard. " Hindi makapaniwalang itinuro-turo pa nito si Jigger gamit ang kanang hinlalaki.

Tiyak na kapag nahalata s'ya at narinig ng bipolar na 'yon, eh aawayin s'ya nito na parang menopausal na matanda.

Nakakapagtakang biglang sumulpot ang mokong na 'to dito sa Batangas. Ang alam ko ay nasa Siargao na s'ya at kasalukuyang nakikipag-kaibigan na sa mga isda na naroon.

Tama. Almost one years na naming kaibigan at sakit sa ulo ang mongoloid na ito, nakilala namin s'ya ni Jigger sa isang private club sa Manila na sinalihan namin. Ang totoo ay apat kami, ang isa nga lang ay mas madalang naming makasama dahil sa madalas na paglabas-labas nito ng bansa.

Malas namin ni Jigger at ito pang si Jupither ang palaging free at pasulpot-sulpot sa paligid na parang kabuteng aso. Napaka wirdo talaga nito at madalas na humatak ng mga problema kaya ayos lang sa amin na huwag itong madalas na magparamdam. Sa sobrang pagka-obsessed kasi nito sa mga lamang dagat, eh halos nalibot na nito ang buong mga isla ng bansa. Kaya alam na n'ya na rin ang mga pasikot-sikot dito sa Batangas.

Kaso parang gusto kong magsisi na pinagbigyan ko ang paanyaya nitong samahan kaming mag-scuba diving ngayon.

"Hanggang kelan ka magpapanggap na dakilang kaibigan? "

"What.. dakila naman talaga ako ah. " Ginantihan ko ulit ito ng pagngisi.

"Dakilang manloloko.. "

"Again, I don't need your sh*tty opinion. "

"That's a fact. "

"Huh. " Marahan ko itong nilapitan at tinuunan sa balikat para bulungan. " If I were you, hindi ako makikialam sa problema ng iba. " Makahulugan kong sabi, saka ako umisod palayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon