EPISODE 1 PART 10- THE CAST

56 0 0
                                    

OTHER PEOPLE's POV


STEVEN's SCHOOL


Sa school nag-uusap ang barkada ni Steven, na mag-bar minsan, total nasa tamang edad na sila kaya naman legal na silang pumunta sa gano'ng klaseng mga lugar.

"Sure ka ba pare? Baket naman?"

Napakamot ng batok si Steven, saka kunwari nag-iisip ng malalim, naiisip din niya kung baket nga ba sila pupunta sa lugar na 'yon.

"I want to experience something."

Nagkatinginan ang mga barkada niya, saka napapailing na lang, mayamaya lang ay nag hiwa-hiwalay ang mga kaibigan niya at umupo sa kanya-kanyang upuan.

------------

HUANGJO UNIVERSITY OF FIL-KOR


"Guys! Good news darating daw si Seven M."

Sigaw ng ka-klase ni Isiah, napatayo naman si Miyu since idol niya ito at die hard fan siya ni Seven.

"When?! And where?!"

Sigaw ng Bestfriend ni Isiah na ikinagulat naman ng huli, muntik pa niyang mapalo ang kaibigan sa gulat niya.

"Ano--- ano ka ba naman Miyu nakakabigla ka!"

Saway niya sa kaibigan na parang walang narinig sa lahat ng sinabi niya. Patuloy pa rin ito sa nararamdaman niyang kilig.

"Maupo ka nga Miyu, 'pag naririnig mo si Seven kala mo eh ikaw na ang mapapangasawa niya."

Umupo naman ang kaibigan na nagdadabog, kunwari nagtatampo, pero sa halip suyuin niya ay binatukan pa niya ito.

Nasapo naman nang bestfriend niya ang ulo nito.

"Mamaya daw nandito si Seven para sa Free concert niya sa mga student na Filipino-Korean nationality!"

Ang Huangjo hindi puro half-Korean and Filipino lang ang nag-aaral, mayro'n ding Korean-Japanese or pure Filipino at pure-Korean na nag-aaral dito.

"Ayyyyyyyyy nakoooo poooooooo!"

"Ah!" Inis na wika ni Isiah habang nakatakip ng tainga. "ano ba naman Miyu!"

Inis nanaman na wika ni Isiah kay Miyu na 'di matigil sa pagtitili once marinig ang pangalan ni Seven.

"Hoy pwede ba! 'wag n'yo nang banggitin ang pangalan---" Napatingin muna siya kay Miyu "Ng pupunta mamaya!"

Napalingon naman si Victoria na halos matawa sa reaksyon ni Isiah..

Sa bagay, kung siya din naman 'pag fan girl, kung 'di niya kilala si Seven, malamang ay kikiligin din siya tulad ni Miyu. Ang nakapagtataka lang ay teenager din naman si Isiah pero wala siyang mga iniidolong artista.

"Ano ba naman kasi mayro'n sa Seven na 'yan at kung makatili ka ay parang maghihiwalay 'yang puso mo at katawan mo."

Nagkatinginan na lang ang mga studyante at napatingin din sila kay Isiah habang kinukwestyon ang kapogihan nang kanilang oppa..

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon