Entry 2. Chickboy :D

113 10 4
                                    

Hay sawakas! Nagawa na din namin yung report. Magaling naman pala tong lalaking to kahit batugan siya. Hehehe. Infairness hindi na classmate ang turing ko sakanya. Friend na. Odiba naglevel up kahit papaano. Pauwi na ako ng bahay. :D

From: Dale (Text message)

Hi angry girl este Ace. Goodjob pala kanina. At dahil doon may reward ka saakin. Libre kita ng meryenda. Yung malapit sa subdivisio natin. Deal? 

---

Yun yung nakasulat. Pagod na ako eh. Pupunta kaya ako? Bakit naman? Requirement naman namin yun eh hindi naman kailangan ng reward. Malungkot kaya siya? Sige na nga pagbigyan ko na. LIBRE NAMAN :))) joke.

Nagreply ako.

To: Dale.

Ikaw bahala. Libre mo naman eh. Anong oras? Pauwi na kasi ako. Malapit na ako sa bahay. Text mo nalang ako kung saan tayo magkikita okay ingat.

---

PEE BEE BEE TEENS? Hahaha. Joke. Malay mo malungkot siya kaya kailangan niya ng makakasama. for the sake ng pagiging magkaibigan lang to hoy.

Nasa bahay na ako at nakapagbihis na din. Nagpaalam na ako kay mama na magmmeryenda lang ako sandali. Pumayag naman siya. Hihintayin ko lang yung text ni Dale.

1 message received.

From: Dale

Nandito na ako sa Chickboy. Dito nalang tayo kumain. Di ko pa nattry dito eh. Ok? Seeyou.

--

To: Dale

Ok.

--

Ang dry ko no? Hahaha. Wala lang. Baka kasi ano pang isipin nung mahangin na lalaking yun. Joke lang. Friends na nga kami diba? :D Makapag-ayos nga kahit konti. Palagi nalang akong haggard kapag nakikita niya. Pero hindi ako nag-aayos para sakanya ha, nag-aayos ako para sa sarili ko. Hehehehe :)))

Papunta nako kung saan man yung Chickboy na yun. Walangyang yun, di man lang ako sinundo. Joke.

--

Pagpasok ko sa Chickboy. (Chicken at baboy. Kaya chickboy :D) Kumaway agad siya sakin nang nakangiti. Ang puti ng ipin niya. inggit. Chenabels. Haha. 

"Hindi mo naman kailangang ilibre ako ehh. Pero mapilit ka kaya okay lang. haha :D" sabi ko pagkaupo ko.

"Ayaw mo? Edi wag. Hahahaha joke lang. Ako na mag-oorder para sayo. Chill ka lang dyan."sabay kindat sakin.

Kung pwede lang tarakin tong mata nito eh ginawa ko na. Pero hindi eh. Sayang din yung mga mapupungay niyang mata kung gagawin ko yun. Hahahaha. Ano kayang totoo niyang nararamdaman sa loob? Nalulungkot parin kaya siya sa girlfriend niya? Ayokong makitang malungkot siya. Ayokong nakakakita ng taong malungkot dahil naiwan sila. Dahil nasaktan sila. Alam ko ang pakiramdam noon. At masakit. Masakit na masakit.

Ay kagutom talaga magdrama ng pagkahaba haba. Baka tinatamad ng magtype si Author.

Author: Oo pagod na ako. At dito na nagtatapos ang kwento.

Ahhhh! May naririnig akong boses. Kaninong boses yun? Hahahaha. May boses na nanggagaling sa taas.

Author marj: AKO YUN OYYYYT.

____

Joke lang yung pangyayaring yun. Dumating naman na si Dale at ang dami niyang inorder! Ano to meryenda ba talaga? Pakiramdam ko hindi na ako kakain mamayang dinner.

"Bakit andami mong inorder? Hanggang dinner na ata yung pagkain na yan eh. Papatabain mo pa ako." sabi ko sakanya ng pabiro.

"Ah yan ba? Dadating kasi sina Adriel eh. May kasama daw siya. Odiba double date este celebration." -Dale

Then you found me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon