Chapter One
Aqueela's PoV
"Good morning po" bati ko Kay Manang Ester, ang mayordona ng mansyon kung saan ako ngayon magtatrabaho bilang katulong.
Pinasok lang ako dito ng pinsan ko. Mag-iipon din kasi ako para makapag-aral ako as college. Pangarap kong maging teacher pero wala naman nang pera sina Tiya para pag-aralin ski as kolehiyo, wala na din naman na akong mga magulang para pag-aralin ako.
Hayy medyo madrama talaga ang buhay ko.
"Magandang umaga din sayo hija, ikaw ba yung pinsan ni Danica?" tanong ni Manang Ester, nalaman ko ang pangalan niya kay Danica
"Opo" sagot ko.
Kaninang madaling araw lang ako dumating dito kaya hindi ko pa kilala ang mga tao dito at di ko pa alam ang mga dapat kong gawin dito sa mansiyon
"Ano nga ulit ang pangalan mo hija?" biglang tanong ni Manang Ester
"Aqueela Wyn Velasco po, Manang"
"Mukhang bata ka pa ah. Hindi ka na na napasok sa eskwela?"
"20 na po ako. Kailangan ko pa pong mag-ipon para pang-kolehiyo ko"
Habang nagku-kwentuhan kami ni Manang Ester at tinutulungan ko naman siyang magluto dahil maya-maya daw at darating na ang amo namin galing sa pagjo-jogging.
Mabait si Manang Ester, hindi siya tulad ng mga mayordoma sa mga teleserye na kung umasta at parang siya ang amo
"Para saan po iyang pancake? Kasama din ba yan sa mga favorite breakfast ni sir?" tanong ko. Naghahalo kasi ng pang-pancake si Manang Ester
"Hindi. Sa anak 'to ni Sir Clint, si Reiko"
"May asawa na po si sir?"
Medyo natawa si Manang Ester sa tanong ko kaya napakunot any noo
YOU ARE READING
His Downfall
RomanceClint Yvo Monasterio's life revolves around his company, friends and his five-years old angel- his son. He never open his heart after his first loves. He never welcome love as much as the heartbreak. And he won't let a woman be his downfall again. U...