Cleo's Pov
"Nakakainis!! "-angal ko ng makapasok na ako sa room namin.
Nadako ang tingin ko sa mga kaklase kong titig na titig sakin habang nakatayo ako dito sa harapan!
" Anong tinititingin tingin niyo ha?! Pwede ba nakakairita yang mga pagmumuka niyo! "-bulyaw ko sa kanila lahat at saka naman sila bumaling sa ibang direksyon at ang iba ay nagkwentuhan..
Padabog akong umupo dito sa pwesto ko sa pinaka likod. Bwesit na babaeng yun! Ang lakas ng loob niyang sapakin ako!
Napahawak ako sa sinapak nito kani kanina lamang. " Arayyy"-daing ko ng maramdaman ko ang sakit nito!
Ang sakit niya manuntok! At wala pang nangahas sakin na suntukin ako dito sa skwelahan!
"Humanda ka sakin babae k---"-hinto ko." Hey what's up! "- si Lee isa sa mga kaibigan ko.
" Oh bat nakabusangot muka mo jan? "-tanong ni Haze sakin at saka naupo.
Kararating lang ng dalawang bruha na mga ito! Siguro ay nang babae pa jan sa daanan kaya natagalan ang mga bruhang to!
Maya maya pa ay nagsitilian nadin ang mga kaklase kong babae dahil sa papasok na Heurt isa din sa mga kaibigan ko!
*hi heurt
*good morning
*omg!ambango mo talaga!
Hindi lang pinansin ni Heurt ang mga kaklase kong patuloy padin sa mga tilian nila. Dumiretso na ito sa harapan ko na upuan at saka naupo! Habang ang dalawa nandito sa tabi ko nagkwekwentuhan!
Kami ang Heart throb dito sa school. Kilala kami at ginagalang ng mga studyante dito lahat. Dahil kung hindi yari sila sakin!
Maya maya pa ay dumating na ang guro namin.
" Class may bago pala kayong classmate ngayon "-wika nito.
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Wala akong panahon para makinig dahil hindi din naman ako interesado sa bagay nayan!
"Come here iha"
Matapos nito bigkasin ang katagang yun ay biglang tumahimik tanging mga tunog lamang ng mga sapatos ang maririnig mo sa labas habang dumadaan ang iilang mga studyante.
Nanatili akong nakatingin sa bintana ng may mahinhin na nagsalita.
"Hi a-ako nga pala si nicole"-sambit nito.
Hindi ko alam pero parang may kung ano akong naramdaman dito sa puso ko!
"Sige iha ipakilala mo pa ang iyong sarili sa iyong mga bagong kaklase"
"Ako po ay labing pitong taong gulang at galing po ako sa probinsya. Ito po ang unang pasok ko sa paaralan dito sa ma-manila"
Hindi ko alam pero kusa nalamang lumingon ang aking mga mata sa harapan!
o_O?!!
Siya?! Anong ginagawa ng babaeng yan dito!?
"Anong ginagawa mo dito!?? "-inis na tanong ko.
Wala akong paki alam sa mga kaklase kong grabe nanaman kung makatitig sakin.! Para bang matutunaw ako sa bawat titig nila may halo itong pagnanasa at paghanga!
Sanay na din naman ako!
" Miss Martinez maupo ka"-mahinahong sambit ng guro namin!
"Hindi! Paalisin niyo yan sa ibang room niyo siya ipasok hindi dito! "
Bwesit na bwesit na nga ako dito dahil sa babaeng yan! Tapos magiging kaklase ko pa!?!
Kagaguhan!
"Miss Martinez cal-----"
"No! Kung mahal mo pa ang trabaho mo sundin mo ang iniuutos ko! "-ngising sagot ko at saka ko binalingan ng tingin ang babaeng nakabunggo sakin kanina at sumuntok!
Inirapan ako nito. " Ma'am okay lang po kahit na sa ibang room nalang po ako! "-sabi nito at saka nanaman niya ako inirapan.
" Pero iha a---"
"Okay lang po "-nakangiti nitong sagot kay ma'am corpuz
Maya maya pa ay nagpaalam ang mga ito at sabay na lumabas ng pintuan.
Nakangisi akong naupo sa silya ko.
" Hoy bat mo naman ginawa yun cley? "-tanong sakin ni Haze na katabi ni Lee na nakakunot na nakatingin sakin.
" Wala kang paki "-malamig na tugon ko.
" Hay naku ewan ko sayo. Ang cute pa naman niya sayang! "-hinayang na sabi ni Lee
"Edi umalis ka na din dito at sundan mo ang babaeng yun! "-sarkastikong sabi ko.
" Hahaha nagbibiro lang naman! "-tugon nito at saka na bumaling sa blackboard.
Gulat akong napatingin kay heurt na nakatingin ng malamig sakin at seryoso!!
" Ayos ba ginawa ko heurt? "-ngising tanong ko saka ko siya tinapik sa balikat niya.
" Tss "-asik nito at bumalik na sa pagbabasa ng kanyang libro..
Kahit kelan talaga. Napaka kj niya!
..
Canteen
" Bat ba pinaalis mo yun? Siguro naman may dahilan ka diba? "-tanong sakin ni Lee saka kumagat ng burger na inorder nito.
Kanina pa nila ako kinukulet tungkol sa babaeng yun kung bakit ko daw ginawa ang bagay nayun at kanina pa din akong walang sagot.
'Natatamad akong sumagot sa kanila'
" Atsaka ano nga palang nangyari jan sa nguso mo bat namumula naman ata? "-tanong uli niya.
Napakadaldal at napaka chismosa talaga nito!
Umirap muna ako sa kanila lahat at saka ako sumagot. "Ganito kasi Yan! Naglalakad ako kanina papuntang gym sana, ng may tangang babaeng bumangga sakin! Imbes na mag sorry sakin ako pa tong sinuntok! Saya diba!?!!! ".
" Hahahahahahahahaha "-tawa nilang dalawa maliban Kay heurt na tahimik na sumisimsim ng kanyang kape..
" Heurt wala kabang balak na ipagtanggol ako ha?! "-baling ko sakanya.
Malamig akong tinignan nito bago sumagot sakin. " Wala ".
" Anong klase kabang kaibigan ha heurt?! Ni hindi mo man lang ba ako ipagtanggol sa dalawang bruhang to?! "-duro ko sa dalawa na tawa padin ng tawa!!
'Nakakainis!'
"Hahahah! Grabe cley di ka naka palag don?! "-tanong sakin ni Lee habang ngingisi ngisi padin ito!
" Akala ko ba malakas ka?? Ang lakas ng loob niyang sapakin ang nag iisang Cleo Martinez the bad girl here at the doña elohim school!! "-Haze
Saka lang pumasok sa isip ko ang babaeng yun. Tama si Haze hindi ko dapat hinayaang masuntok ako ng walang hiyang babaeng yun!!
" Akala niyo ba palalagpasin ko yon?! "-inis na sabi ko. Natahimik ang mga ito sa pagtawa.
" Anong kalokohan nanaman yang naiisip mo jan cley?! "-curious na tanong sakin ni lee.
Hindi ko ito sinagot kundi nginisihan ko lamang ito.
'Humanda ka sakin babae ka! Malas mo lang at ako pa ang una mong nakilala!'
*evil smile
RAINBOWFADED
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Teen FictionWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??