Nicole's Pov
Naglalakad ako dito sa hallway habang bitbit ang ilang files na iniutos sakin ng teacher ko na ipunta sa faculty...
Maya maya pa ay nagsitilian ang mga studyante sa paligid. Na curious ako kung bakit?
Meron bang mga lalaki dito?
Inilibot ko ang tingin ko at saka ko nakita ang babaeng nabangga ko kanina at may kasama itong tatlo sa gilid niya! Siya ang nangunguna sa paglalakad sa kanila!
'Ang yabang! '
*Ohh moo. Ang ganda talaga ni Cleo!
*Nanjan na ang FH!!
FH?? Ano naman yun?
*Ang cute ni Lee eiiiii
*Pati si Haze!
*Si Heurt sakin!!
Rinig kong tilian at bulungan nila ngunit malakas! At sigurado naman akong abot din sa tenga ng apat ang mga tilian ng mga studyante na nandito.
Teka? Papalapit sila sakin!
Huminto silang lahat sa harap ko lalo na yung nabunggo kong babae kanina na Cleo ata ang pangalan!
Akala ko ay kakausapin ako nito ngunit binunggo lang ako at saka sila umalis. Nahulog ang mga files na dala dala ko sa sahig!
Pinulot ko ang mga files na nahulog nang mapansin kong wala na yung maliit na box na nakapatong lang kanina sa ibabaw ng mga files!
"Nasan na yun?! "-tarantang sambit ko.
Lagot ako kapag hindi ko nahanap yun. Kabilin bilinan pa naman sakin ni ma'am Santos na ingatan ko daw iyon at ilagay sa drawer niya!
'Huhuhu pano na to?! '
Maya maya pa ay may isang kamay na may hawak na box ang tumambad sa harapan ko.
" Eto ba hinahanap mo? "
Napatingin ako sakanya. Yung babaeng kasamahan ng tatlong nauna na!
Maamo ang muka nito, makinis, maputi, matangos na ilong, pinkish lips at matangkad din tila ba napakasarap nitong yakapin dahil sa kanyang pabangong amoy strawberry!
*Wahh tignan niyo ohh si Heurt!
*Sana ako nalang yung box na hinahawakan niya!!
*At sino naman yung babaeng yan?
*Ngayon ko lang siya nakita dito?! Baka transferee!
*So cheap.
Hindi ko pinansin ang mga bulong bulungan nila dahil titig na titig lang ako sa muka nito. Para siyang anghel sa paningin ko.
Kasabay ng pag lakas ng hangin na dumampi sa balat ko ay siya ring pag bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit!? Para bang may humahabol sa akin!
Ngayon ko palang naramdaman ito!
Nabalik ako sa wisyo ko ng bigla niyang iwagayway ang kamay niya sa harapan ko!
"Ahh sa-salamat"-utal na sambit ko saka ko kinuha ang box sa ibabaw ng kamay nito.
Hininitay kong magsalita ito hanggang sa mapulot ko ang mga files sa sahig at saka tumayo.
Mas matangkad ito sakin! Hanggang balikat lamang ako nito. At walang emosyon ang kanyang muka!
Nginitian ko ito pero nilagpasan niya lang ako dahil tinawag na siya ng isang kasamahan niya!
"Heurt ano pang ginagawa mo jan? Tara na! "-aya ni Cleo
*Nakita niyo yun?!
*Oo naman nginitian niya si Heurt!
*Ang kapal ng muka niya!
*Mabuti nga sakanya hindi siya pinansin ni Heurt!!
Napalingon ako sa mga studyante na nasa paligid at tinaasan ako ng mga kilay nito at iba halos patayin na ata nila ako sa mga isip nila!!
Hindi ko nalamang sila pinansin sa halip ay dumiresto na akong faculty..
...
Naglalakad ako ngayon ng hallway nang mapansin kong maraming nagkukumpolang mga studyante sa iisang direksyon! Para bang may nagrarambol don.
Pumunta ako sa direksyon kung saan sila nagkukumpulan at nakisingit. Nakita ko ang isang babaeng pinupulot ang kanyang mga gamit na bumagsak muka sa sahig!
*Masyado ka kasing mayabang!
*Bagay lang sayo yan!
*Salot sa skwelahan
*Lower Class. Kadiri
Bulungan ng mga studyante sa paligid.
Saka ko lang napansin na ang dumi ng uniporme nitong kulay dilaw at ang buhok niya ay medyo magulo mukang hindi pa ito nagsusuklay.
*Balita ko nakalaban niya ang FH last week!
(Gaano ba kalakas ang FH? Wala naman kayong ginawa dito sa skwelahan kundi maging mayabang at maging aruganti!)
(Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo ha?)
(Kilala mo ba kung sino ang mga sinasabihan mo?)
*Well bagay lang rin sakanya yan masyado siyang pasikat. Akala niya naman ay mapapansin siya ng FH!!
*Poor girl. Eww
" Anong nangyayari dito? "-tanong ng isang guro na may edad na. Nakasalamin ito at may hawak na folder.
" Ma'am si Jean po hindi na po siya mag aaral. Kick out na po siya"-sambit ng isang studyante na katabi niya
"Ano? At bakit naman napakabait na bata ni Jean, masipag at napakatalino tapos hindi na siya mag aaral! Anong dahilan?! "-tanong ng guro.
" Eh ma'am nakalaban po niya last week ang FH! "-sagot ng isa ring studyante.
"Ano? Hindi maari ito! "-saka ito lumapit kay Jean na napulot niya na lahat ng gamit nito.
FH pala ang nakalaban ko! At malakas sila dito sa school! At kung di ako nagkakamali sila ang kinatatakutan ng lahat dito lalo na ang mga studyante dito!
Mabuti nalamang at may isang gurong kayang ipagtanggol ang kanyang studyante!
Napangiti ako.
Hinawakan ng guro si Jean sa balikat bago ito nagsalita. "Ikaw naman kasi bakit mo naman kinalaban ang FH! Alam mo naman kung anong mangyayari sayo diba? Sige na Jean makakaalis kana ,na wa'y maging maganda padin ang iyong kinabukasan pag dating ng araw".
Nawala ang mga ngiiti ko sa labi matapos niya itong sabihin!! Ang buong akala ko ay ipagtanggol niya ito ngunit nagkamali ako!!
Seryoso ba ang gurong yan sa mga pinagsasabi niya?!!!
Nakakatawa!!
Ano ba namang klaseng studyante at mga guro ang nandito? Bakit ba kailangan pa sila matakot sa FH! Ehh hindi naman sila katakot takot!
Ang ibig sabihin pala ng FH ay Fallen Hunters! Unti unti ko na silang nakikilala dahil sa mga studyante na nag uusap tungkol sakanila.
Isa pala silang grupo na kilala at ginagalang dito sa buong school! At sino mang mangahas na kumalaban sakanila ay pahihirapan nila atsaka paalisin sa school na ito!
Pwes hindi ako natatakot sa inyo kahit sino pa man kayong FH kayo!!
RAINBOWFADED
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Teen FictionWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??