Kabanata 5

1.4K 42 1
                                    

Nicole's Pov

"Sabay na tayo mag lunch mamaya ha"-wika ni mitch

Pababa na kami ngayon ng hagdan bitbit ang tig isa kaming box.

" Oo ba! "-masayang sabi ko sakanya. Kita ang kanyang malapad na ngiti ngayon. Mukang tuwang tuwa ito.

" Mitch!! "-alalang tanong ko sakanya ng bigla itong madulas!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko nanaman siya!

Sino pa ba edi si Cleo at may kasama din itong babae! Kung di ako nagkakamali ay Haze ang pangalan nito.

"Nicole? Ba-bakit? "-takhang tanong ni mitch sakin habang nakakapit padin ito.

"Wahhhhh. Naku pa-pasensya na cle-cleo hindi ko sinasadya! Patawad"-pagmamakaawa ni mitch ng makita niya ito sa baba ng hagdan at ang dumi nito at natapon lahat ng mga papel at mga notes sa sahig!

" Patawad! Hayaan mo pupuna--- ouch "-hindi na natapos ni mitch ang sasabihin niya dahil tinulak siya ni cleo.

" Hindi ko kailangan ng sorry mo. Tatanga tanga lang ang mga taong humihingi niyan "-ngising sabi nito at saka na umakyat ng hagdan.

" Akalain mo nga naman. Nandito kadin? "-tanong nito ng makatapat niya ko!

Gusto ko ito uling suntukin sa muka! Nagpipigil lang ako!

Nicole relax lang wag mo ng patulan yang mayabang nayan!

"Oo at nakatapat ko nanaman ang isang mayabang at kasing samang tulad mo! "-bulyaw ko dito.

Bigla itong sumeryoso at tumingin ng masama sa akin!

Napaismid ito.

"Ako masama? Gusto mo bang maranasan at makita kung gaano ako kasama ha?! "-tiim bagang tanong nito. Seryoso itong nakatingin sakin.

" Hey cley. Chill lang "-sabat ng kasama niyang kasing tangkad din niya.

"Oy, anong nangyayari jan? "

Napalingon ako sa nagsalita. Yung isa sa mga kasamahan niya at yung babaeng nag abot sakin ng box!

"Yan ang gusto ko palaban! Humanda ka! "-seryosong sabi ni cleo at saka na ito umalis.

" Good luck miss"-si haze at saka ako nito tinapik sa balikat.

....

"Nakakatakot si Cleo kanina"-sambit ni mitch. Nandito kami ngayon sa canteen nag lulunch. Wala naman gaanong mga studyante na nandito ngayon.

Hindi ako natatakot sakanya! Akala niya masisindak ako sa mga pamatay na titig niya!?!

"Para lang siyang pusa! Hindi siya nakakatakot! "

"Kung ako sayo hindi mo na dapat siya pinatulan kanina! Hindi naman ako nasaktan kanina ,mas lalo mo lang ata siyang ginalit"

"Parang mas kinakampihan mo pa ata siya kesa sakin?! "

"Hindi naman sa ganun, ayaw ko lang matulad ka kay jean"

Nakakainis! Pero may point si mitch.

"Wag na nga natin siya pag usapan ,kumain nalang tayo! "

Nang matapos kong sambitin ito ay kumain na kami ng tahimik. Nang matapos kaming kumain ay nagtungo kaming library para humanap ng libro para sa philosophy subject namin!

"Ang hirap naman hanapin ng librong yun! "-reklamo ni mitch.

Ilang minuto narin kaming nagkakalkal dito pero wala padin kaming nakikita!

Inilibot ko ang paningin ko at halos mapatalon na ako sa tuwa ng makita ko ang libro na hinahanap namin ni mitch!. Akmang kukunin ko na ito ng may bigla nalang kumuha!

Nakatalikod na ito at saka naglakad! Hindi pwede ako ang unang nakakita kaya ako dapat ang mag may ari non!

" Hoy! Akin yan! "-sambit ko saka ko siya hinarap sakin.

" Ha? Anong pinagsasabi mo miss? "

"Yang libro na kinuha mo. Akin yan! "

Naunahan mo lang ako!

"Miss hindi mo ba alam ang salitang first come first serve? Ako ang naunang nakakuha kaya sa gusto mo O sa gusto mo akin to! "-sagot nito.

Kaasar naman! Mukang wala na atang libro na ganun dito ei!

" Oy Nicole. May nahanap kana ba? "-tanong ni mitch aligaga padin ito sa paghahanap.

" Wala "-saka ako napabuntong hininga.

Inilibot ko uli ang paningin ko sa mga libro para maghanap uli ng makaamoy ako ng parang pamilyar na pabango. Napatingin ako harapan ko at nakita ko ang isang pares ng kilay at matang aligaga din sa paghahanap ng libro!

Si heurt!?

Pinagmasdan ko siya kahit na tanging kilay at mata lamang ang nakikita ko ng bigla itong mapatingin sa mga mata ko!

Nagkatitigan kami. Hanggang sa magkaharap na kami ngayon! Hindi ko namlayan na lumagpas na pala kami!

Walang emosyon ang kanyang muka at nakatingin padin ito sakin.

" Ahh hehe nandito ka din pala? Anong ginagawa mo dito? "-sabay iwas ko ng tingin.

" Naghahanap ng libro"-malamig na tugon nito.

Ano ba namang klaseng tanong nayun Nicole?! Hayss

Nadako ang tingin ko sa librong hawak nito! Yung libro na kailangan namin para sa philosophy mamaya!

Hihiramin ko kaya o hindi nalang?!

"Kailangan mo ba ito? "-tanong nito.

"Oo sana eh"-nahihiya kong sambit.

Syempre malay ko bang kailangan din niya yun para sa subject nila!

" Ikaw muna ang gumamit "-sabay abot niya sakin ng libro.

" Naku, wag na kailangan mo din yan eh"

"Bukas ko pa kakailanganin ito kaya hiramin mo muna"

Wala na akong nagawa pa dahil siya na mismo ang naglagay ng libro sa kamay ko!

Para akong nakuryente ng hawakan niya ang kamay ko kahit segundo lang ito!

"Sa-salamat"

Tinapunan lang niya ako ng tingin at umalis na!

"Oy ano na Nicole? Nakahanap kana ba Jan? "-bulyaw ni mitch sa kabilang parte ng bookshelf

" Shhhh. Quiet! "-sigaw ng librarian.

"Sosorry po ma'am"-sambit ni mitch at saka na lumapit sakin.

" Oh nakahanap kana pala ey, kanina pa ako hanap ng hanap don nakahanap kana pala! Tignan mo napagalitan pa tuloy ako ng librarian! "

"Teka san ka banda nakahanap niyan? "-dagdag na tanong nito

Sasabahin ko ba sakanya na pinahiram lang sakin ni heurt to?

"Pinahiram lang sakin. "

"Nino? "

"Heurt? "

"Ano?! "-sigaw nito.

" You two get out! "-turo samin ng librarian sabay turo sa pinto.

" Sorry po again ma'am "-magalang na sambit ni mitch saka kami lumabas ng library!

" Ikaw kasi ey "

"Anong ako? Ikaw kaya! "-sambit ko.

Nagsisihan lang kami ni mitch hanggang sa makababa na kami ng hagdan. Nagtungo agad kaming room at sakto namang dumating agad ang teacher namin..

RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon