"uy!"
"AY PALAKA!" yun ang tanging nasabi ko sa ginawa ng mga kaibigan ko.
"ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha"
tawanan naman ng mga students na nakarinig dun sa sinabi ko. SUS!!! NAKAKAHIYA!!
"anung problema nyo?!" inis kong sabi habang tinititigan sila ng masama.
" ha ha ha... eh ka...si... naman... na...ka... tu.. haha.. nakatulala ka nanaman." sagot nila habang tawa parin ng tawa.
"hindi nakakatawa!" inis na sabi ko. Umayos naman sila ng upo pati yung mga classmates namin.
"si Andrew nanaman yan no?" sabi ni Monica saka pilit na tinitingnan yung cellphone.
"anu ba! mag lubay ka nga!" inis na sabi ko saka ko iniiwas yung cellphone ko. "pag di ka nag lubay.. kukutusan kita" pananakot ko sa kanya sabay amba. sige makakatikim talaga sakin to.
"ayan ka nanaman..mananakit ka nanaman" sabi niya saka umayos ng upo.. O diba.. takot din yan eh.. Aba... kukutusan ko talaga sya nu.
"Cloe oh.." sumbong nya kay Cloe
"manahimik ka nga Monica" sagot sa kanya ni Cloe na busy pa rin sa Ipad nya.
ngumiti naman ako ng nakakaloko para asarin sya.
"Nangangarap ka nanaman ba?" biglang sabi ni Cloe pero di pa din nakatingin. Napakunot naman yung mga noo namin. "Gaga.. ikaw yung kinakausap ko" sabi nya saka ako tiningnan
"anung na-"
krriinnnggg Krrrriiiiingg
natigilan naman ako sa sasabihin ko ng biglang tumunog yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag at nakita kong si Andrew kaya agad kong sinagot.
"oh... bakit?" tanong ko sa kanya.. pagalit kunwari para di mahalata na kinikilig ako.
"kunwari pang galit... ang totoo naman.. todo kilig na" mahinang sabi ni Monica kay Cloe pero narinig ko parin. Tiningnan ko naman sya ng masama kaya nanahimik na.
(bakit? masama na bang tawagan ang maganda kong kaibigan?) kunwari ay nag tatampong sabi nya sa akin.
"naaaaaaaaaku Andrew... wag mo akong artehan ah.. Yung date nyo nga pala ni Ana... Baka naman kalimutan mo!" pag papaalala ko sa kanya.
"pag-ibig nga naman oo. nakakatanga..,......... ANG TANGA!" sabat ni Monica nanaman. Pinanlakihan ko naman sya ng Mata. Talaga namang napaka ingay ng bibig nitong babaeng to.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
أدب المراهقين"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex