Dahil sa di na ko pinapansin ni Andrew... Wala na kong masyadong iniisip. Di ko na inisip na paalisin sya sa school. Kawawa naman.. Ang problema ko nalang eh...
"Hi Alex... pupunta kami sa Mall mamaya. Sasama ka ba?" salubong sa akin ni Jaymark pag pasok ko.
"Ayoko" sagot ko saka ako humakbang papasok.
"mag kTV tayo.. masaya yun!" harang parin nya sakin.
"ayoko" sagot ko parin saka lumiko sa kanan para lampasan sya.
"Treat ko lahat.. Sumama ka lang" habol pa rin nya.
"a....yo....KO!" mas diniinan ko talaga yung dulo saka ako humakbang ulit.
"eh... anu.. manood nalang ng sine s-"
"ayoko nga diba?" inis na sabi ko. "pag di ka tumabi pepektusan kita!" banta ko naman sa kanya. Binigyan naman nya ako ng daan papuntang upuan ko, Pero di pa rin sya tumitigil.
"minsan lang naman to saka ak-"
" hindi ba kayo makakapunta ng mall na hindi ako kasama?.. hindi ko dala yung mall" masungit na sabi ko saka na ko dumiretcho sa upuan ko pero kumunot yung noo ko sa nakita ko.
May isang pilas ng notebook na nakatupi sa desk ko. Lumapit ako saka tiningnan yung papel. May sulat sya sa loob, kaya binuksan ko sya.
"para kang bituin, nakikita nga kita..... Nahihirapan naman akong abutin ka"
Ping
Basa ko dun sa nakasulat... napakunot naman ang noo ko.
"sinong sira ulong basurero ang nag tapon ng basura sa desk ko?" malakas kong tanong natigilan naman silang lahat. All eyes on me.. Mga mata nila nag tatanong na.. "anung nangyari?"
I just rolles my eyes saka ipinasok sa bulsa ng bag ko yung walang kwentang pilas ng notebook na yun.
Mga loko na to.. Pag nalaman ko kung sino yun.. Kukutusan ko talaga. Umupo na ko saka nag simula nanaman yung ingay. Pinagmasdan ko kung sino ang pwede gumawa nun.. Pero wala akong maisip. Di ko naman naiwasang tingnan tong Bao na to. Sya kaya?
Ay! aba hindi.. Nakita kong naka headset sya, habang nakadukmo. Malamang na hindi talaga sya ...
"good morning" sabi ni Maam kaya nag tayuan na ang lahat. Napansin ko naman na hindi pa tumatayo si Andrew. Sisipain ko sana sya para bigyan ng babala ng mag salita si Maam.
"Andrew... hindi ka pa ba tatayo?" takang tanong ni Maam. Pero di pa din sya kumikilos. Kaya naman lumapit na si maam saka biglang pinalo yung kabilang desk kaya nagulat sya. Mas nanlaki naman ang mata nya ng makitang naka tayo na kaming lahat at nasa harap nya si maam.
"good morning maam" mabilis nyang sabi sabay tayo.
"give me that" sabay lahad ng kamay ni maam. Kumpis ka balbon!
"OK.. you may now take your seat" sabi ni maam sabay talikod sa amin pabalik sa harap. Nag upuan naman na kami. Pag upo ko napansin kong nakatingin ng masama sa akin si Andrew. Nagkibit balikat lang ako saka tumingin na sa harap. Aba ang loko... Ako pa ata ang sinisisi.. Aba!... kasalanan ko bang itodo nya volume nya. KASALANAN NYA YUN! wag nya nga ako sisihin.
Lunch time na ng maalala ko ulit yung papel. Kinuha ko ulit yun saka binasa.
"para kang bituin, nakikita nga kita..... Nahihirapan naman akong abutin ka"
anu ba to? Baka nga basura lang to..Itatapon ko na sana yung papel ng may maisip ako. Ah... alam ko na.. Sabi ko sa sarili ko. Naisip ko kasi na.. hanapin yung kamukha nung papel na yun. Pag nahanap ko ang kamuka nun, malalaman ko kung sino nagtapon sa upuan ko nung sulat na iyon... CATTLEYA NOTE na violet ang lines..
pag balik na pag balik sa room. Hinanda ko na agad yung sarili ko sa pag hahanap. Buti nalang nasa gitna ako.. makikita ko lahat sila.
Sakto naman na pag dating nung teacher namin, pinasulat agad kami. Kung dati.. kauna unahan akong nag rereklamo... ngayon,gusto ko to!. Malalaman ko na kung sino yung Basurero na yun.
tinggin sa harap... wala... kanan.... wala... kaliwa..... wala... likod.... wala....
Bakit wala?!?
Imposible namang nilipad galing sa labas to.Apaka swerte ko naman at sa akin pa niya naisipang lumanding. Kung wala sa kanila.
eh kanino galing to?inis na tanong ko sa sarili ko. Tapos na kong magsulat at itatago ko na sana yung gamit ko ng may mapansin ako sa ibaba ng upuan ni Jaymark.
plooock
"aray!" gulat na sabi nya.
"whats wrong Jay?" gulat na sabi ni Maam.
" ah... maam.. pinatay ko yung lamok.. baka kasi ma dengue si Jay" mabilis na sabi ko bago pa makapag salita si Jay.
"ay.. dapat pala makapag spry ny repelant dito" nag aalalang sabi ni maam.
"problema mo?" tanong ni Jay sakin.
"walang kwenta..." inis na sagot ko sa kanya.. napakunot naman ang noo nya.
"ano?!" sagot nya. Para namang naguguluhan pa sya. Loko na to.. patay malisya pa.
"lubayan mo ko ah... itapon mo sa tama yang mga basura mo" sabi ko saka di ko na sya pinansin.
Nakita kong naiiling pa sya habang may sinasabi pero di ko na pinansin. Sira na to.. Pepektusan ko ito pag ito Buminggo.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
Novela Juvenil"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex