Now I Know

84 2 1
                                    

Papasok pa lang ako ng room.. Sa desk ko na agad ako nakatingin... Hindi nga ako nag kamali.. Meron nanamang nakatuping papel dun.

    Pag dating ko dun,ibinaba ko na yung gamit ko saka ako umupo bago hawakan yun.

      Teka... wala si Jay... wala din si Andrew.... So... hindi nga sila.. So sino sa mga nandito?

Teka... baka hindi naman taga rito?

"magkano ba ang ngiti mo? sabihin mo lang, babayaran ko. Para naman masilayan ko sa araw-araw"

Ping

namimisteryosohan na talaga ako sa Ping na to.. Sino ka ba talaga?.

"girl! goodmorning!" masayang bati sakin ni Monica

"anu yan?" tanong naman ni Cloe

"wala" sagot ko saka inilagay ulit sa bag yung papel. Hahanapin ko talaga kung sino ka.

"o sya" sabi ni Monica. "sa Glee club ka pa rin ah. Inilista na kita" sabi nya sabay pakita nung listahan. Tumango naman ako dun.

" mamaya alam mo nang gagawin mo ah" sabi naman ni Cloe. Aba himala.. wala atang hawak na gadgets itong babaitang ito.

"pwede bang hindi na ko umatend?" tanong ko sa kanila. "nakalista naman na ko eh" saka ako umayos ng upo.

"HINDI!" Sabay nilang sabi na dalawa. E di hindi.. Lulusot lang naman sana.

"ok... the nomination for the position of muse is now open... any nominations?" umpisa ni maam.. basta yung mga ganyan ganyan wala akong gana jan.. Hindi naman ako interisado.

maam!

May nag taas ng kamay.. Bilisan nyo kasi ng wala ng klase.. Naiinip na ko. Abot pa pataas ng kamay.. Nakakangawit kaya.. Kaya nga di ako nag tataas eh.

"Ok Cloe" sabi ni maam. Napaayos ako ng upo. Mukang di to maganda.

"I respectfully nominate, Alexa Marie Savinia for muse" sabi na eh.. Taon taon nalang ganyan. Tiningnan ko sya ng masama. Humanda ka mamaya.

maam!

may nag taas nanaman.. Sana naman yung kalaban ko na yung manalo.

"Ok Minica" what the F... Bat sila ang tinatawag nyo..

"I move that the nomination for museum is now be close" Mabilis nyang sabi.

"I second emotion!" sabat ni Cloe.

"ok.. the nomination for muse is now close... any objections or violent reaction?" tanong ni maam kaya agad akong nag taas. Ayoko ng sumali sa mga ganyan nu. "any?" tanong nanaman nya. Aba hindi ako pinapansin!"I'm sorry Alexa... but your objection will not accept" sabi ni maam. Hala! Asan na ang freedom dito? nag patuloy pa sila ulit at nag botohan. Pag ibang position may botohan pag sakin wala na! Anu to pilitan? Lokohan?

after class....

"Kamusta naman ang Muse ng klase?" tanong ni Cloe saka sila nag appir ni Monica.

Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon