Alex's POV
"girl... bat ba antok na antok ka?" tanong sa akin ni Monica.
"kulang lang saaaaaa tulog..." nahihigab kong sabi. Napansin pala nila na higab ako ng higab.
"pati at si Andrew kulang din sa tulog" bulong ni Cloe sa amin. Saka naman ako napatingin sa kanya. Nakadukmo sya sa desk. Kung inaantok ako. Malamang sya rin. Sabi ko naman sa kanya. Umuwi na sya eh. Eh makulit.. Parehas tuloy kaming alas 2 na natulog.
"class dismiss" yes! yan talaga ang pinaka hihintay ko sa lahat. Tumayo na ako bigla. Saka na nag lakad palabas ng gate.
"uwi na ko" yun lang ang sinabi ko sa dalawa. Wala na talaga akong hinintay pa kundi ang pag uwi... Gusto ko na talaga makatulog.
"Alex sandali" nagulat ako ng may tumawag pa sakin. Pasakay na ko pero lumabas na uli ako. "sandali"
"oh Andrew" sabi ko ng makalapit na sya. "bakit?" takang tanong ko.
"nakalimutan mo na ata to." sabi nya sabay labas ng phone ko saka iwinasiwas.
"ah.. oo nga pala.. wala akong dalang pera eh.. sayo na muna yan" sabi ko saka sumakay na. "sa monday kukunin ko na yan" habol ko saka ko na isinara. Sa kanya na muna yun. Wala namang importante dun.
Andrew's POV
Pag uwi ko dumiretcho na agad ako sa Kwarto ko sabay higa. Susulitin ko ang tulog ngayon. Saka ako napahigab.
Napipikit na sana ako ng biglang may tumunog. Kanino ba yun? Di ko naman ringtone yun! Kaya naman pumikit pa rin ako pero di sya tumitigil. Nang matapos na. Pumikit na ko. Pero ayun tumunog nanaman. Kanino ba yun? Bakit ba...
SHIT! Cellphone ni Alex!
Agad akong napabangon. Kinuha ko agad sa bag ko.
mama calling...
basa ko sa Screen.. Sasagutin ko ba? Kaso hindi naman ako pakielamero. Pero panu kung importante to? Wala na kong nagawa kundi sagutin.
(thank god.. You finally pick it up!.. Alam mong aalis na kami diba.. kaya ba di ka umuwi?)
sagot nung nasa kabilang linya.
"ahmm sorry po maam.." sagot ko.
(who are you? bat nasayo ang cellphone ng anak ko? Nawala ba nya? Nahulog?) mabilis na sabi nya
"ahm maam.. Im Andrew po. Friend po ni Alex. Binigay nya po ito sakin last night pambayad sa utang nya.. pero kukunin din nya po. nakalimutan lang daw nya po yung pera nya" paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
Teen Fiction"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex