P24: Light's Assessment II

228 9 0
                                    

Albert's POV:

Magsisimula na kami sa round two ng laro ni Avo Xyrus. Ganun pa rin ang formation namin at ng mga babae. Kami parin ni Leun ang lalaban habang si Sundy ang poprotekta sa replica. Sa tingin ko, ganun din sa mga babae. Si Scarlet pa rin ang susugod, si Lira ang sa protection, at si Andy ang support.

"Handa na ba kayo?", tanong samin ni avo.

"Opo!", halos sabay-sabay naming sigaw.

"Kung gayon, heto ang mga replica na puprotektahan niyo ngayon.", replica ni Scarlet at Leun ang mga dapat naming protektahan. Dapat manalo na kami ngayong round. "Okay. Simulan niyo na."

At ayun na nga. Nagsimula na ang round two. Sumugod na ako at nakipaglaban kay Scarlet. Si Leun naman ang sumasangga at humaharang sa mga pana ni Andy.

"Water vortex!", ginamit ko ang parehong technique, pero mabilis na nakatalon palayo si Scarlet bago ko pa man mabuo yung vortex.

"Huh! Sa tingin mo magagamit mo yan sa akin ng pangalawang beses?", sabi Scarlet sa akin.

"Asar!", yun lang ang nasabi ko.

"Ngayon ako naman! Fire spin!", inikot ni Scarlet yung spear niya at sumugod habang dala-dala yung nag-aapoy at umiikot na sandata.

Nataranta na ako. "Shinn!!!", at ayun, nagsabog ng tubig yung Shinn dahilan para pareho kaming masaktan ni Scarlet. Sabay kaming napatumba sa lupa.

Sinamantala ni Leun ang pagbagsak ni Scarlet. Lumipad siya at umatake dun sa dalawa pang babae sa tabi ng replica nila.

"Air spears!!!"

"Ice spears!", sabi ni Lira. Nagsalubong lang yung mga atake nila sa ere at sumabog.

"Petal blades!", umatake na rin si Andy kay Leun.

"Air barrier!", pagkatapos nun, bumaba na si Leun sa lupa at tinulungan akong makatayo.

"Kami naman ngayon.", sabi ni Andy. "Summon: Nature treant!"

"Ayan na!", sabi ko.

At nagpalit na ng pwesto si Leun at Sundy. Ngayon, si Leun na ang nasa tabi ng replica at si Sundy na ang makakasama kong lumaban.

"Bagong strategy?", sabi ni Andy. "Kahit ano pa yan, lalaban kami. Tara na girls!"

*FLASHBACK: Yesternight*

Nagtatalo na sina Leun at Sundy dahil nga sa natalo kami kanina sa first round. Mabuti na lang at napatigil ko sila.

"Magplano na lang tayo para sa 2nd round bukas.", sabi ko sa kanila.

"Mabuti pa nga.", sabi ni Sundy tas nagpunta siya sa terrace at tumalon pababa.

"Huy! San ka pupunta?", sabi ni Leun.

"Sumunod na lang kayo. Gagawa tayo ng paraan para matalo yung treant ni Andy."

At ayun na nga. Sumunod na lang kami kay Sundy. Sa terrace din kami dumaan. Ang hirap bumaba mula sa 2nd floor ah.

"Sundy, hintayin mo kami.", sabi ko sa kanya.

"San ba tayo pupunta?", sabi naman ni Leun habang nakalutang.

"Ano yan? Ba't palutang-lutang ka?", tanong ko kay Leun.

"Eh ang tagal ko ng hindi nakakalipad."

"Hayaan mo na siya, Albert.", sabi ni Sundy. "Halikayo dito.", lumapit naman kami sa kanya sa may dalampasigan.

"Oh anong meron?", tanong ko sa kanya.

"Bukas, tatapatan natin yung nature treant.", natigilan kami sa sinabi ni Sundy. Si Leun, bumaba na at tumigil na paglipad. Nakatingin lang kami sa kanya, wala kaming masabi.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon