Nagising na lang ako bigla nang maramdaman ko yung init ng araw sa balikat ko. Dahan dahan akong umupo nang maayos at nakitang natutulog din si Nick.
Bago ko siya gisingin, napansin ko yung bag ko at yung isang box ng heat patches na yakap yakap niya.
Leche din itong si Nick eh. Kahit natutulog, talagang hindi pa rin madedeny na guwapo siya. Kahit tulog, ni hilik o kaya naka bukas na bunganga, WALA.
Yung pilik mata niya, sobrang haba at makapal, na kahit babae ay gugustuhin! Ang tangos ng ilong, tapos athletic pa yung build niya. Di na ako nagtataka kung bakit sobra kung mag fangirl si Ella sa kanya.
"What are you doing?"
Nagulat ako at agad na napapikit ng mga mata ko. Gising na pala siya, tapos heto ako, titig na titig sa kaguwapuhan niya.
"Mia...I know you're awake." sabi niya, sabay stretch ng katawan.I took a peak, and he was looking at me as he rubbed one his eyes awake.
Umupo na lang ako ng maayos at hindi na sumagot.
Inabot naman niya sa akin yung gamit ko, pati na rin yung box ng heat patches at nag drive na.
Mukhang wala nanaman sa mood itong si Nick. Kung kanina ay ready maloko siya at talagang puwede pang kulitin, ngayon ay mukhang pagod siya at may kaunting inis.
Nakarating na kami sa bahay ko at lahat pero wala sa amin ang nagsalita. Sobrang nakaktakot yung aura na binibigay ni Nick. Yung tipong, magsalita ka lang ay magagalit siya sa iyo.
"I'll see you tomorrow." simpleng paalam ko na lang at tumango lang siya.
He still looked pissed.
Nagdrive na papalayo si Nick at ako naman ay parang isang matandang umakyat na lang sa kuwarto ko at nagpahinga.
***
Pangalawang araw ko na dito sa booth. Buti na lang at inassign ako ni Rica na sa pag sign in lang ng mga nahuli.
Katulad kahapon, halata sa galaw ni Nick na wala pa rin siya sa mood. Kung dating kakausapin niya ako o kaya ay kakamustahin man lang ako, di niya ginawa ngayon.
Pero hindi pa rin nag iba yung pag fafangirl sa kanya ng mga babaeng sinasign in.
"This is exactly why that girl should not have shown up yesterday! Pag iyon, nag request nanamang makipagbalikan, ewan ko na lang diyan!"
"Nanaman?" tanung ko. Tumango naman si Rica. Nakita naman namin na napatingin sa gawi namin si Nick, kaya agad kaming tumigil ng kakatingin sa kanya.
Para hindi marining ng kung sino, binulong sa akin ni Rica yung dating attempt nung Jenna na makipagbalikan kay Nick.
"Nung kakabreak pa lang nila, I already knew she had another guy in mind. I even once saw them at a cafe! Pero nung gustong makipagbalikan, sinabi niya kay Nick na close friend land daw niya iyon! What a liar, right?"
Hindi naman ako kumibo. Baka naman kaibigan lang talaga nung Jenna yung guy.
"Hayyy, tapos nung 2nd break na si ate girl yung nagsabing mas gusto niyang mag focus sa pag aaral, but then we found out na nirereto na pala siya nung parents niya sa ibang guy! Di man lang niya pinaglaban si Nick! But they got back together three months after kasi di natuloy and she said that she was just being forced by her parents!"
Na curious tuloy ako sa past ni Nick at nung babae kahapon. Hindi naman everyday na may ex ni Nick na bumabalik.
I also wonder what kind of girl got him to commit. With that face, lahat magkakandarapa para lang maging gf ni Nick. Pero that girl was the one that got Nick. Yung ganung ganda at ugali ang nakakuha ng isang Nick Dela Cruz.
BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomanceDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...