AKO

5 0 0
                                    


Ako, nga pala si Luis isang teenager , edad 18 pinanganak ng January 1, 2000 maganda ang pangangatawan at hindi kaputian.  Hindi naman sa pagmamayabang pero marami rin naman ang humahanga sa akin lalo na sa aming paaralan.  Masaya ang pamilya ko noon... oo noon pero siguro parte na yun ng buhay, wala naman akong inaangal kasi free spirit ako, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ako.. Ang sa akin lang masaya ako tapos... Talino? saktuhan lang hindi naman kailangan ng talino sa mundong ito eh ang kailangan ay maging maagap ka sa lahat ng nangyayari chill lang... sabi nila pag naging matalino ka wala ka ng matutunan pang iba, kasi pokus ka na sa isang bagay na meron ka.. Jack of all trades kung baga sabihin mo kung ano gusto mo at pagaaralan ko... yabang ko noh.. Pero kidding aside, simple lang ako hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong pagdaan lahat ng ito, hindi ko nga alam kung bakit nagagawa ko ang mga bagay na hindi kayang gawin ng iba... Pero ang hindi ko alam bakit naibigay sa akin ang sumpang ito.


16 years old ako ng nagsimula akong maiba, marami natataka kasi mula sa pagiging reserve kong bata naging maalam ako sa lahat ng bagay, kahit ako nagugulat.. parang nagising na lamang ako na ito na ako.. May isang bagay lang ang hindi ko magawa, hindi ko mabalikan kung anong nangyari bago ang kaarawan ko bago ako mag  labing tatlong taong gulang.. para bang may kung anong humaharang sa aking utak na pilit tinatago ang nangyari ng araw na iyon, pilit nitong pinagtatakpan ang dapat na malaman ko... ginagawa ko , este namin ang lahat para balikan yun kahit 2 taon na ang nakakalipas, oo, namin marahil naguguluhan kayo.. pero ako rin pagkagising ko sa araw ng kaarawan ko ng January 1, 2016 ito na ako este eto na kami.. Ang gulo di ba?... Lagay na lang natin sa Teknikal na salita sa medikal.. .Tinatawag ng lahat na Multiple Personality Disorder o DID ... Ano ang MPD ? Teka.. ayon kay Google ang MPD ay Dissociative identity disorder (DID), also known as multiple personality disorder, is a mental disorder characterized by at least two distinct and relatively enduring personality states. There is often trouble remembering certain events, beyond what would be explained by ordinary forgetfulness. 

Baliw? Siguro nga kasi hindi naman kasi normal ang ganitong sitwasyon eh, biruin mo 13 kaming naghahati sa isang katawan, parng may ispiritung sumasapi sa iisang katawan iisa ang may-ari pero maraming skwater sa utak nya... Kung inaakala nyo hindi ako nagpapatingin sa espesiyalista, well... tama kayo ang mahal kaya ng pagpapatingin sa doktor para sa sakit na ito, para sa akin naman hindi siya threat sa akin o kung sino man, masaya kaming namumuhay sa iisang katawan na ito.  As long as maganda ang aming samahan, tingin ko kaya ko naman silang pakisamahan lahat... Labing tatlo kami, di ba ang saya para kaming panahon ni Hesus pero wag naman sana na may maghudas.. ahahaha... 

Mataas ang grade ko sa strand na kinuha ko , STEM o di ba Science and Technology Engineering ang Mathematics.  Bakit ito ang kinuha ko siyempre, gusto ko tulungan ang sarili ko at malaman kung anong nangyari noong 2016, malaking palatandaan.  Nakapasok ako as scholar sa isang magandang paaralan taking up Psychiatry , kitam palatandaan na balak kong pagaralan ang sarili ko.  Paano ko nakuha ang scholarship , siyempre nandaya ako, 13 ba naman kami sa katawang ito hindi pa ba kami mag groupings ahahah..

Walang alam ang pamilya ko sa nangyayari, maging sila clueless kung ilan nga ba ang anak o kapatid nila magaling yata akong magtago.  Magulang ko? Hiwalay ang Papa ko sa Mama , hindi nalalayo sa normal na pamilya dito sa Pilipinas ang pagiging broken family, may 1 akong kapitid sa ama at 4 sa ina naghiwalay sila noong bata pa lang ako, wala eh malandi si mama nung nasa ibang bansa si papa ay nakipagrelasyon sa bestfriend nito, na ngayon ay missing in action hinahanap nila kung saan , siguro ay may bagong asawa at lumayas na ngayon, single ulit si mama na binubuhay ang 4 niyang anak mula rito.  Hindi ako galit kay mama, ang totoo nyan mahal na mahal ko siya pati mga kapatid ko sa kanya naawa nga ako sa kanya pero wala desisyon nya na iwan kami para kay tito Andy.  Bata pa mga kapatid ko sa kanya si Ben (3) si Eunice (2) atAlice (2) kambal sila at ang baby ng pamilya na si Lincon (1).  Si Papa naman ay tumigil na mag abroad nag negosyon na lamang dito sa amin, hindi na nag girlfriend o asawa si Papa dahil sabi niya mas importante raw ang kasiyahan namin kesa sa sarili niyan kasiyahan, napakabait ni Papa, sa nayon may computer shop kami at siya ang nag mamanage. Si ate Louise naman edad 21 nakapatapos na at nagtatrabaho, biruin mo natapos niya nursing pero ang trabaho niya ay call center agent, mabait siyang ate at siyempre sinusunod niya ang gusto ng kapatid niya , mabait siya sa akin pero hindi sa mga kapatid namin ni mama. Siguro nagagalit parin siya sa ginawa ng mama namin.  Sina mama at papa parang magbestfriend na lang walang galit na namuo sa kanila at masya na ako dahil doon.

Siyempre hindi mabubuo ang buhay ko kung wala ang 12 tao na nasa katawan ko,  meron akong apat na  babae, isang bata, apat  na lalaki , isang bakla, isang tomboy, at isang anghel sa katawan ko.  Si Jessa, Michelle, Roan, Kim, Ken, Butch, Arnold, James, Kikay, Joey, Micmic at si Belial. Minsan, ako nga nalilito sa kanila.. pero may iba't iba sila distinct na personalidad na makakapaghiwalay sa kanila.


Si Jessa ay isang matandang babae, napakadami niyang insights sa mga bagay tulad ng isang lola napakacoservative at malalim kung mangaral ang edad nya nasa 65 taong gulang.  Mahilig nya akong pangaralan sa mga bagay bagay siguro sa kanya ako malapit kasi yung mga lola ko ni hindi ko nga nakilala.

si Michelle naman ay isang teenager rin katulad ko 16 years old, sunod sa uso siyempre KPOP fan, kahit ako hindi ko alam bakit nya gusto ito eh wala naman siyang maintindihan sa mga kanta ng mga ito. Madalas kaming magtalo kasi siguro sa age namin at magkaiba pa kami ng ng kasarian, pero siya ang pinakabestfriend ko dahil sa kanya mas nailalabas ko yung mga problema ko.

Si Roan, Palaban na babae at napakatalino, magaling sa computer para siya ang computer genius sa amin kaya nga siguro ako nakaflat 1 sa computer subjects ko na hindi ko alam kung bakit at para saan ang binary 1 at 0.


Si Kim napaka reserve bihira mo lang makausap at ayaw na ayaw niya na lumalabas mahiyain pero bookworm.  Writer sya at napakagaling sa grammar kung pasusulat ang pagbabasehan aba napakagaling ng nabubuong kwento niya sa kanyang isip.. Bilib na bilib nga ang mga teacher ko sa ganda ng mga gawa kong literatura.

Si Ken isa sa matilinong peronality ko isa siyang Genius sa science galing niya kaya nakuha ko ang scholarship dahil sa kanya. Napakatalino niya at kung magsalita siya tila wala kang maintindihan sa mitochondria ek ek niya.


Si Butch ang varsity ng grupo ang galing sa sports at walang inuurungan pagdating sa pisikal na palakasan, hindi ako nag gigym pero hanap kaya ko magbuhat ng barbel sa tulong nya.

Si Arnold napakasungit laging mainit ang ulo pero wag ka napaka hilig sa music at logic kung hindi medicine ang kinuha ko marahil ang kinuha ko ay engineering sa tulong nya o abogasya.

Si James ang chickboy halos lahat ata ng babae gusto ligawan, basta may dibdib at matambok ang pwet naku nagkakanda rapa.

Si Kikay ang bakla sa amin, nakakahiya man pero siya ang isa sa ayokong lumabas, hindi naman kasi ako bakla pero ang malaking tulong nya sa akin sa tuwing malungkot ako sya ang nagpapasaya , nagpapatawa sa lahat at tumutulong sa akin sa mga pag-arte ahahah magalign kasi siya as an actor.


si Joey ang tomboy, yung tomboy na masyadong mahangin at daig pa ang lalaki sa pagporma, pero dahil sa kanya hindi naman ako nahuhuli sa pagbibihis ng matino dahil alam niya kung ano ang dapat isuot sa mga dapat na okasyon, para siyang nagsisilbing wardrobe adviser ko.


at si Micmic ang bata sa grupo 5 years old, mahilig sa laro, tipikal na bata at napakaiyakin.. Hindi ko nga alam kung may ADHD itong batang ito o Attention deficit hyperactivity disorder... Pero ang sarap niyang kalaro at masunurin... Mahilig siya sa mga Dinosaur at siya ang tagapamagitang sa aming lahat kasi siya ang inaalagaan ng lahat. 

at ang Panghuli si Belial, pinagkakatiwalaan ko siya.. Parang siya ang kunsensya ko sa lahat ng bagay, advisor kung baga.. Dahil siya ang anghel sa katawang ito ang nais lang niya ay ang makakabuti sa akin. Hindi ko alam kung paano at bakit siya napasama sa personalidad sa katawan ko pero ito na siya, isang anghel sa katawan ng isang tao.


Lahat kaming labing tatlo ay namumuhay sa isang katawan, at lahat sila nagising noon January 1, 2016... at mula ng araw na iyon hinahanap na namin kung anong nangyari bago sila lumabas o bakit sila lumabas sa katawang ito....


itutuloy....

MULTIPLE BUT ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon