HAPPY BIRTHDAY TO US

1 0 0
                                    


HAPPY NEW YEAR!!!


Dinig ang ingay sa labas dahil sa pagsapit ng bagong taon, January 1, 2016 na.  Ingay ng paputok, tambol, turotot at mga videoke ang naghahari sa buong paligid.  Pero hindi lamang basta bagong taon ngayon kasabay ng pagputok ng bagong taon ay pagdagdag ng aking edad.. Tama Mellinial Baby ako year 2000 ako pinanganak, yung mga panahon na natatakot ang buong mundo dahil sa tinatawag na y2k bug at iba pa.. Pagsapit ng bagong taon ay niluwal ako ng aking mama sa mundo.  So hindi lang ito happy new year kundi happy birthday na rin...


louise

uyy. bunso gising.. Happy birthday


napabalikwas ako sa paggising sa akin ng aking kapatid , karaniwan sa hindi ako natutulog mula December 31 at bago matapos ang unang araw ng bagong taon pero ang weird bakit ginising ako ng ate ko ngaun.. Ni hindi ko maalala kung ano ang nanagyari kahapon...


louise

uyy.. gising happy birthday bunso .. Saan ka ba naman kasi nanggaling kahapon? Buong araw ka wala... Ni hindi mo nga ako natulungan maghanda para sa araw na ito... 


PA!!! gising na ang birthday boy!!


Nagkukumahog na tumakbo si papa papuntang pinto para ako ay batiin


papa

Happy birthday anak!! bilisan mo mag ayos ka na at naghihintay na ang hapag manunuod pa tayo ng fireworks sa labas


luis

at bet ko yan gorabels!!


papa

huh? ano?


nagulat rin ako sa aking tinuran bakit nabanggit ko ang ganung salitaeh hindi naman ako nagsasalita ng ganun...


luis

ahh sabi ko po .. ok po... susunod na po ako


papa

sige anak , labas ka na huh at mahaba itong araw na ito para sa iyo


lumabas sina ate at papa upang maghanda, ako naman naguguluhan bakit ko nabanggit ang ganung salita.. Unti unti nakarinig ako ng ingay, hindi mula sa labas o mga paputok mula sa himpapawid.. Ingay ng mga tao na nagtatalo at naguusap... Naguguluhan , natatakot, nagtataka... Para akong nasa palengke sa sobrang ingay... Nakakabingi... Hindi kinaya ng isip ko ang ingay.. Hanggang bigla na lamang akong nawalan ng malay


Nagkamalay na ako sa isang higaan sa isang emergency room ng ospital, rinig na rinig mo ang hinagpis ng mga taong naroon. Mga batang naputukan, nagsaksaksakan at iba pa... Nagtataka ako kung bakit ako nandidito


papa

gising ka na pala.. Louise tawagin mo nga ang nurse


Papalapit pa lamang ang nurse na may dala dalang injection ng bigla akong naghuhumiyaw sa iyak na tila isang bata

MULTIPLE BUT ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon