¨At isa pang selfie with the recovered Lester Corpuz live at the hospital.¨ tapos kinlick ni Josh ang phone niya.. with flash.
Gising na siya.
Gising na si Lester.
Paano ako haharap?
¨Teka! Bakit ako nandito? Bakit nandito kayo? Saan tayo?¨ mukhang bangag pa ata si Lester.
Iniwan naman ako dito ni Rachel at lumapit sakanila Lester. Now, paano ako lalapit sakanila?
¨Shunga ka Lester?! Duh? Nasa hospital tayo kasi napaka-engot mo.¨ sabi sakanya ni Rachel, natawa naman silang lahat.
Tapos sinabi na ni Josh kung bakit nga nandito si Lester, hindi naman na daw nagtaka pa si Les.
Nandito lang ako sa sulok, nakikinig sakanila. Tahimik lang akong nakikinig nang itinuro ako ni Josh Martin na malaking epal.
¨Tsaka may special guest ka.¨ lahat sila napatingin sa akin.
¨Uh--- Hi?¨ awkward na bati ko pero hindi siya umimik.
¨Ahmmm, guys tara! May nakita akong kapihan jan sa labas, tara! Iwan na muna namin kayo Ynna ha? Ikaw na bahala.¨ sabi ni Rachel tapos lumabas silang apat.
Naiwan kami dito ni Lester full of awkwardness.
¨Uhhh...¨ pagpapansin ko. Tumalikod lang naman siya, kumbaga humiga siya pahilig na hindi ako nakikita.
¨Kamusta na? Are you feeling well?¨
¨Lester, can we talk?¨ pero hindi niya ako sinagot.
Tumahimik ako saglit, hinintay ko na baka may sabihin siya, pero wala.
¨I know what I did was wrong, hindi ko naman inakala na magkakaganito.¨ straightforward na sabi ko pero hindi ako nakatanggap ng response.
¨Lester, I like you, but only as a friend.¨ nilapitan ko siya at umupo sa tabi ng kama niya. ¨I'm sorry I had to abuse your sweetness just to make someone jealous.¨
¨You're a nice guy, too nice for me. Kaya sorry Lester kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo.¨ hindi parin niya ako hinaharap, pero pakiramdam ko naman nakikinig siya.
¨I told you from the very beginning, na wag kang umasa.¨ kinapalan ko na ang mukha ko para masabi sakanya yan.
Silence.
. . .
. . .
¨Pero yung mga pinakita mo, wala akong nagawa kundi umasa, Ynna.¨ finally nagsalita siya. At tinawag niya ulit akong YNNA.
¨Tingin mo kasalanan ko? Lahat naman ng pinakita ko sayo, intensyon ko dun is for me to be a good friend. Na-misunderstood mo lang Lester.¨ humarap siya sa akin.
Ang cold ng mga mata niya.
¨Oo nga siguro umasa ako, na pwedeng magustuhan mo ako, hindi naman siguro ako aasa kung walang nag-paasa diba?¨ sabi niya.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Подростковая литература¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown