alaala at bakit

8 1 0
                                    

Sisimulan ko to sa isang linya sa pelikula,
Nagmahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan kana ba?
Kase kung sasabihin mong Oo naranasan mo lahat ng sinasabi ko, bakit?
Bakit ka nawala?
Bakit ka bumitaw?
Bakit ka sumuko?
Bakit pati sarili ko tinatanong ko ng bakit?

Bakit? Bakit ang mga luha sa mga mata ko ay walang ampat sa pagpatak?
Bakit? Bakit sakit, poot, kirot, galit ang nararamdaman ng puso ko
At bumubuhay sa pagkatao ko.
Bakit? Bakit kailangan ko nang sumuko at bumitaw sa pangako?
Bakit kailangan kong kalimutan ang lahat ng alaala? Bakit?
Bakit kailangan kong umakto na okay lang at masaya?
Bakit kailangan kong ngumiti kahit ang sakit sakit na! Bakit?

Hindi ko alam kung bakit kahit pilitin kong burahin ang mga alaala nung mga panahong masaya tayo habang yakap yakap ang isa't isa
Ay nagsusumiksik sa utak ko ang mga ngiti mo
Ang halakhak mong naging musika sa pandinig ko
Pilit bumabalik sa isipan ko ang mga panahong sinabi mo sakin na tayong dalawa lang hanggang dulo
No'ng sinabi mong sabay nating lalampasan ang lahat ng problema
Magkahawak tayo ng kamay at lakas natin pareho ang pagmamahal sa isa't isa.

Naaalala ko parin yung mga sandaling pinangarap kong sana ay hindi nagtapos,
Yung mga sandaling ang halik mo ang naging lakas ko,
Mga sandaling ang dibdib mo ang naging sandalan ko.
Naaalala ko parin yung mga sandaling hawak mo ang mga kamay ko na paraan mo para sabihing "kaya natin to!"
Yung mga sandaling nakayakap ka sakin habang ibinubulong ang mga katagang "walang susuko"
Yung mga sandaling akala ko ay perpekto na,
Mga sandaling inakala kong totoo at panghabangbuhay na,
Ngunit gaya ka rin nila, kagaya ng iba ay pansamantala!

Bakit ba pilit paring winawasak ng katiting na pag-asa ang pader na binuo ko, kahit pilit kong sinisiksik sa utak ko na wala na talaga!
Pero wala na nga ba talaga?
Hindi na ba talaga pwede?
Hanggang dito nalang ba?
Hindi naba pwedeng ibalik?
Hindi naba pwedeng kumapit?

Hanggang dito nalang ba tayu sa alaala at bakit?
Sa bakit at sa alaala
Sa alaalang sana ay maibalik ngunit dapat ng bitawan,
Sa alaalang sana ay mangyari ulit ngunit dapat ng kalimutan!

Hanggang dito nalang ba talaga? Wala na bang pag-asa?
Kase oo, nakakatanga pero nasa puso parin kita,
Mahal parin kita! Bakit?
Bakit kailangang sundan ng dapat ang sana?
Bakit dapat kalimutan na kita pero sana pwede pa!
Bakit sana tayo nalang dalawa pero dapat itigil na?

Bakit kailangang magkaroon ng tayo kung sa huli magiging ikaw nalang at ako?
Bakit hanggang sa alaala, sa gabi bago ipikit ang mga mata hanggang sa pagmulat sa umaga, ikaw parin!
Ang mga ngiti, ang halakhak, ang mga haplos, ang mga yakap at halik mo ang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko.
Paulit-ulit! Paulit-ulit na bumibiyak at dumudurog sa puso ko. Bakit?

Bakit kapa dumating kung aalis ka rin?
Bakit kapa kumapit kung bibitaw ka rin?
Bakit kapa lumaban kung susuko ka rin?
Bakit hindi maubos ubos ang bakit?
Bakit kase bakit?
Bakit kailangan mong sabihing MAHAL KITA kung ang kasunod nun ay PASENSYA NA, PERO SIYA PARIN TALAGA!
BAKIT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit At Ala-alaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon