Someone's POV
May nakakakilabot na ngiti ang lumabas sa bibig ko habang nakamasid ako dito sa malayo kay Maxine, Lucas's mate! Napakaganda niya pa rin kahit nasa malayo siya, at ang buhok niya na nakalugay ay masayang nililipad ng hangin, tinatangay nun ang bango niya na nang aakit saakin na lapitan siya.
Diniliaan ko ang hinlalaki ng kanang kamay ko at iniisip na dugo niya ang sinisipsip ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Aahh!!! Ang bango" ungol ko at napapikit nang malanghap ko ang mababangong dugo ng mga taong nasa paligid ko. Kasama na doon si Maxine na nakaupo sa ilalim ng puno ng acacia at nagbabasa ng libro.
Nawala ang pagkauhaw ko nang May kumalabit sa paa binti ko niyuko ko ang taong yun. Isang gusgusing bata ang nakatingala saakin at nakalahad ang kamay na nanlilimos. Halata ang pagod, hirap at gutom sa mukha ng bata.
Inosenting ngumiti siya saakin.
"Gutom ka ba?" Masuyong tanong ko sa batang lalaki
"Opo" mabilis na tumango siya at nagningning pa ang mata.
Ngumisi ako at sininyasan si arnel na nasa malapit lang. Bahagya siyang yumukod bago tinignan ang bata sa tabi ko.
"Give him food. After that bring him to my house!" Makahulugang utos ko kay arnel na tumango.
"Masusunod po master" magalang na tugon niya. Tinignan nito ang bata.
Sinundan ko sila ng tingin nang papalayo sila. Binigyan ako ng bata ng isang clue kung saan ako kukuha ng pang araw araw na pagkain namin. Hindi na ako mahihirapang humanap, pipiliin ko ang mga taong sa tingin ko naman eh, dumadaranas ng matinding hirap..
Ngumisi pa ako ng lihim
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming bata ang nagkalat, ang iba ay palaboy, ang iba naman ay karay karay ng kanilang mga magulang.
Nakakatakot na ngumiti ako, tinignan ko uli si Maxine na nasa malayo.
"Magkikita tayo sa takdang panahon Maxine, at sisiguruhin kong magiging makasaysayan sa mundo namin ang ang araw ng paghaharap natin" bulong ko. At umalis ng lugar na to.
----------------------------Maxine's POV
Nag angat ako ng ulo ng parang may narinig akong bulong. Nandito kase ako sa ilalim ng punong acacia at binabasa ang librong kinuha ko sa basement ni Lucas.
Hinanap ng mata ko kung may tumawag saakin pero abala lahat ang mga styudante na nasa paligid ko.
"Maxine!!!" Malakas na tawag ni Lance saakin na tumatakbo palapit dito.
Tsk!! Si lance lang pala, akala ko kung sino nang herodes ang narinig kong tumawag sa pangalan ko kanina.
Pasalampak na umupo si Lance sa tabi ko at humihingal na humiga sa damuhan.
"Bakit ba kung makatawag ka eh para kang hinahabol ng maraming chickababes?" Tanong ko
"Hindi yun, bakit di mo sinabing may cellphone kana at nang may paraan na ako para kontakin ka?" Busangot ang mukhang sita niya saakin
"Seriously?? Tumakbo ka galing sa room hanggang sa dito para sabihin saakin yan?" Sarkastikong wika ko.
Pinanlakihan niya ako ng mata at bumangon.
"Eh kase kung binigay mo ang number mo saakin eh di sana tinext nalang kita kaysa tumakbo ako papunta dito. Nakakainis ka ha, umalis ka ng booth para lang magbasa ng……" kumutip kutitap ang mata niya ng makita ang librong binabasa ko.
Mahigpit na niyakap ko ang libro at inirapan siya.
"Hindi pa ako tapos, ni Hindi ko pa napapangalahati. Hwag mo akong tignan ng ganyan" wika ko
"Pag tapos kana pahiram ha" ungot niya
"Ayoko nga, Hindi naman saakin to."
"Ang damot mo naman" pairap na turan niya.
"Tatanungin ko muna si luc— yung may ari ng libro kung pwede Kong ipahiram sayo" saad ko
"Sino ba kase may ari niyan ako na magpapaalam na hiramin ko yan sayo pag tapos ka na" bigkas niya
"Ako na po ang magsasabi, pero tapusin ko muna to. Atsaka unang season to akala ko ba nabasa mo na?" Tanong ko
Umiling siya "nakaka bwisit kase si ate, bumili nga siya at binigay saakin nung sisimulan ko sana, nalaman niyang bumaba ang grade ko sa math, ayon binawi at sa harap ko mismo sinunog niya ang libro, umatungal pa nga ako ng iyak dahil dun" nakangusong kwento niya.
Napa iling ako, "kase naman yung paghahanap ng Prince yung inaatupag mo ayan ang napala mo" sisi ko sakanya.
"Oo na, pero matanong ko lang, sino ba talaga ang may ari ng librong yan. Halatang lumang na pero naingatan ng mabuti" ulit niya sa tanong niya kanina.
"Hindi ko sasabihin" tugon ko.
"Hai!" Bati ng isang baritonong tinig, sabay kaming nag angat ng tingin kay lance.
"Oh my!!" Usal ni Lance
"Hello!" Agad namang umayos si Lance.
Ngumiti ang lalaki at tumingin saakin. Naisara ko ng wala sa oras ang libro ng naramdaman ko ang paghigpit ng tattoo sa galanggangan ko.
Agad akong tumayo at hinila si lance na umaangal na nagpahila naman saakin.
"Maxine, sabihin mo kay Lucas na nakita mo ako dito. Banggitin mo lang ang Alex. He knows me" wika ng lalaki at ngumiti.
Nilingon ko siya at pilit na ngumiti bago tumango. Hinila ko na ulit si Lance palayo.
"Teka nga muna, bakit kilala ka ng papabols na yun?" Tanong ni Lance
"Di ko alam" tipid na tugon ko at naglakad na papunta sa booth ng section namin.
…………

BINABASA MO ANG
Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)
VampireIsang ordinaryong styudante si Maxine sa isang pampublikong paaralan. At sa isang katulad niyang teenager ay normal na ang magkaroon ng crush. Isa na doon si Lucas Sebastiano ang crush niya, ang history teacher nila. Laging expressionless ang awra n...