Chapter 6: Meet Ira

23.3K 468 62
                                    

11:00am sa coffee shop

Wala masyadong tao ngayon dito sa coffee shop. Sabay kami ni Zander ng shift ngayon pero sabi niya kanina maghahalf-day siya kasi may training sila nila Rocky ng soccer mamaya. Iniwan ko si Zander at yung isang kasama namin sa may counter habang ako kakatapos lang maglinis dito sa staff room. Binuksan ko yung locker ko para kumuha ng panyo at magpunas ng pawis pero bago ko pa makuha yung panyo ko, napansin ko yung wallet ko na nasa tabi lang nun. Hindi ko na napigilang kunin yung sulat galing kay mysterious letter sender. Binasa ko siya ng paulit-ulit at pilit na naglalaro sa isip ko kung kanino ba talaga galing yun. I still don’t understand why it was given to me and I wonder what’s the real story behind this letter. Para sakin ba talaga ‘to? Baka naman nagkamali lang siya ng pinagbigyan? But why was it addressed to me? Haaaaay! Sayang oras ko kakaisip dahil sigurado namang hindi ko pa makukuha yung sagot sa tanong ko. How many weeks til June 17… minsan parang gusto ko na hilahin yung araw para lang malaman ko na kung kanino galing ‘to at kung ano ba pakay niya sa pagbibi….

“Jill?”

Ok, nainterrupt ang pag-iisip ko. Napalingon ako…

Zander: (tinapik si Jill) Tapos ka na pala maglinis, bakit hindi ka pa lumalabas?

Jill: (biglang tinago yung sulat ni mysterious letter sender) Ah ano… wala… palabas na din ako. Kakatapos ko lang maglinis.

Zander: Ang dugyot mo. (kumuha ng panyo sa back pocket ng pantalon niya, inabot kay Jill) Here. Fix your face.

Jill: (binalik kay Zander yung panyo) Mukha mo i-fix mo! (kinuha panyo niya sa locker sabay sara ng locker) Lalabas na ko.

Zander: Sungit!

Jill: Bwisit!

Bumalik na ko sa counter habang naiwan si Zander sa staff room. Yung isang kasama namin nagpaalam na magrerestroom. At this hour usually maraming tao dito sa coffee shop but I guess this is one of our off days kasi dalawang customer lang ang nandito ngayon na mag-iisang oras na yatang nakatambay. Tumunog yung bell sa may entrance ng shop. Napatingin ako sa pinto. Yes! Sa wakas. May bagong customer. Pumunta siya sa counter habang tinitingnan yung menu board.

Jill: Good morning Mam. May I take your order?

Customer: Hi… ummm… (tumingin sa nameplate ni Jill) Jill. Wait lang ha? I can’t decide pa.

Ngayon ko lang siya nakita dito sa coffee shop. Unfamiliar face. She’s petite, mahaba yung buhok pero naka-ponytail, mestiza at medyo chinita. Naka-simpleng plain white shirt na fit lang siya, maong shorts at sneakers pero dalang dala niya. Maganda siya at nakakatuwa siya pag ngumingiti dahil lumalabas yung dimples niya. Napansin ko na nagaalternate lang yung pagtingin niya sa menu board at sa likod ko na para bang may hinahanap.

Customer: Sorry, naiinip ka na ba sa order ko?

Jill: It’s ok Mam. Take your time.

Lumabas na si Zander galing sa staff room at dumiretso siya sa mga nakadisplay na pastries para icheck kung may kailangan na ba tanggalin o palitan.

Customer: I know what to order na! One medium café Americano.

Jill: Ok Mam. Your name please?

Customer: Moks.

Jill: (naconfuse, akala mali yung narinig niya) I’m sorry Mam, ano po ulit?

Customer: Moks. M-O-K-S  (nilakasan ng konti yung boses)

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon