chapter 25

3.4K 89 3
                                    

Maxine's POV

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Lucas nang ilas beses pero walang sumasagot sa loob. Sa pagkakaalam ko naman ay umuwi siya kanina dahil narinig ko ang ugong ng sasakyan niya nung nag sho-shower ako.

Pinihit ko ang seradura at umikot naman iyon. Tinulak ko ang pinto at sumilip sa loob

"Lucas? Are you in here?" Tawag ko sakanya.

Pumasok ako at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Wala namang ingay na nagmumula sa shower room.

Dumako ang tingin ko sa malaking cabinet. Lumapit ako doon at itinulak iyon, namaywang ako ng Hindi man lang gumalaw yun.

Sinubukan ko uling itulak yun at mas nilakasan ko pa ang pagtulak. Napapalakpak ako ng gumalaw yun at tuluyang bumukas.

Maliksing bumaba ako sa basement, pangalawang beses kong pumasok dito at namamangha pa rin ako sa dami ng mga libro dito.

"Lucas" malakas na tawag ko at naglakad papunta sa gitna ng basement.

"Yeah" tugon niya at tiniklop ang librong binabasa niya.

Lumapit ako sakanya at humalukipkip.

"Bakit d ka lumabas ng tinawag kita" sikmat ko

"Bakit pa? Alam mo naman ang daan papunta dito" kaswal na turan niya at sumandal sa silya.

"Ang tigas kaya nung pinto papunta dito." Sikmat ko

"Pero nabuksan mo pa rin" tumaas ang sulok ng labi niya.

"May sasabihin sana ako sayo, may kilala ka bang Alex?" Tanong ko

Agad siyang nag angat ng tingin "Alex? Pinuntahan ka niya?" Tanong niya.

"Oo" tumango ako "sabi niya sabihin ko lang daw ang pangalan niya" tuloy ko

"Paano siya nakalaya sa kamay ng kapatid niya?" Bulong niya.

"Kilala mo nga siya, Hindi ba yun masamang bampira?"

"No, he's my right hand. Kinulong siya ni Felix dahil mas tapat siya sa akin" tugon ko.

"Ah. Kaya pala Hindi man lang niya ako sinubukang saktan" wika ko.

Tumingin ako sakanya ng Hindi siya umimik. Nakapikit lang siya at kumikibot ang labi niya na parang may malalim na iniisip.

Napaatras ako ng bigla siyang magmulat ng mata ay nakita kong pulang pula yun. Agad namang bumalik sa normal ang kulay ng mata niya at ngumiti saakin.

"Sorry! Did I frightened you?" Tanong niya

"Hindi naman nagulat lang ako" tugon ko.

"Talagang nasanay ka na sa kung anong klaeng tao ako" komento niya

"Hindi ka naman po tao eh. Bampira ka po" pabirong saad niya.

"Halika nga dito" natatawang hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya.

Naiilang na akmang tatayo ako pero hinawakan niya ako sa baywang.

"Hindi ka na ba galit saakin sa pagsunog ko sa ate mo" maingat na tanong niya.

"Nung una galit ako pero ngayon naiintindihan ko na po kung bakit niyo ginawa yun. Kung hinayaan niyo po siyang mabuhay baka po kung ano ang gawin niya" mapagkumbabang tugon ko

Ngumiti siya at iniipit ang buhok ko sa likod ng taynga ko na kumawala sa pagkakatali ko. Masuyong tinignan niya ako sa mata.

"nin mel" usal niya

Sumimangot ako "hwag mo akong kausapin ng ganyan, di mo naman po sasabihin saakin ang meaning niyan"

"In due time I'll tell you the meaning of it" saad niya at biglang tumayo buhat buhat ako. Napatili ako sa pagkabigla kaya tinampal ko siya sa dibdib.

"Matulog ka na may klase Napa bukas" wika niya at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.

Ang sweet naman ng bampirang to!
------------------------------------

Lucas's POV

Inilapag ko si Maxine sa kama ng kwarto ko at ngumiti.

"You can sleep here tonight baby, moira is just there outside. May pupuntahan ako ngayong gabi" wika ko

Napabangon siya sa sinabi ko

"Bakit ka aalis? Gabi na eh" angal niya

"May lalakarin lang ako, matulog ka na. Pangako bukas paggising mo nandito na ako sa bahay" bigkas ko.

Humiga naman siya at inayos ko ang kumot niya. Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kwarto.

Lumabas ako ng bahay at naabutan ko si Moira sa porch na may hawak na kopita.

"Hindi ako sigurado kong babalik agad ako moira, ingatan at bantayan mo ang prinsesa ko" kausap ko sa kapatid ko

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo sakanya kuya, that your leaving. At pupunta kayo sa Havilland kasama si Alex" sita niya saakin

"Kung sasabihin ko sakanya na aalis ako at matatagalan sa pagbalik. I can't bare to see her crying, sigurado akong pipigilan niya ako o kaya pipilitin niyang sumama saakin" bigkas ko

"Pero aasa siyang uuwi ka bukas. You can't just leave her without telling her the truth" Mariing giit niya

"It's just a matter of time moira. Kailangan kong punatahan si ama sa dead tower." Wika ko

"Okay, okay pero Hindi ko maipapangakong ititikom ko lang ang bibig ko kung nag tanong siya kung nasaan ka talaga" wika niya.

"Hír Lucas" bati ni Alex na sumulpot sa harap namin "hiríel moira"

"Alex, kailan ka pa nakataas sa kamay ni Felix?" Tanong ni Moira

"Hin—"

Seninyasan ko siya kaya agad siyang tumigil "tinulungan ako ng mahal na hari na para bumangon sa mahimbing na pagkakatulog" sagot niya

"Halos sampung taon ka rin palang pinatulog ni Felix dahil sa dugo niya" komento ni Moira

Ngumiti lamang si Alex at tumingin saakin.

"Aalis na po tayo, kailangan po nating makatawid sa Havilland bago pumatak ang alas dose ng gabi" wika niya.

Nilingon ko si Moira na bumuntong hininga.

"Maxine will surely looking for you tomorrow" saad niya

"Take care of her Moira, I'm counting on you" wika ko at Hindi pinansin ang sinabi ni moira.

Lumapit ako kay Alex, tumango ako kay Moira bago namin nilisan ang bahay. Sa isang kabundukan kami napadpad, lumayo saglit si Alex hinaplos ang punong balite. Nang magsimulang magliwanag ay bumukas ang isang gintong pinto patungo sa Havilland.

Pumasok na kami ni Alex, lumingon ulit ako sa pinanggalingan namin pero sumara na ang lagusan.

Nilingon ko si Alex na nakangiti ngunit may panghahamong sinalubong niya ang tingin ko.

Humahalakhak na nagpaligsahan kami kung sino ang mas maunang makarating sa misty mountain patungo sa dead tower.

Aaahhhh!! Its good to be back at my homeland. Parang mabuhay muli ang lahat ng natutulog na ugat sa katawan ko.

……………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon