Freya David P.O.V
...
Matapos kaming kumain dumiretso na kami sa loob ng bahay at don nagpahinga.
Kinakabahan man na baka mapansin nyang nawawala yung phone niya at bigla nyang hanapin. Ay sinubukan ko parin wag magpahalata.
Kanina habang kumakain siya e pasimple kong pinatay ang phone niya para if ever na subukan niyang contact-kin e patay ito kaya hindi niya malalaman na nasakin to. (A/N: San mo natutunan yan? Huh!? Ha-ha.)
Balak kong buksan to mamayang tanghali dahil pagtanghali e habit na ni Danreb ang matulog kung walang ginagawa o walang dapat gawin. Kaya mamaya, habang natutulog siya e susubukan ko ng buksan at alamin kung anong dapat alamin sa phone na ito
Habang iniiisip ko palang ang plano ko para na akong nanghihina, parang unti-unting dinudurog ang puso ko kahit hindi ko pa naman nabubuksan. Hindi ko maitatanggi na sobra na ang kaba ko ngayon palamang dahil hindi ko alam o wala akong clue kung anong malalaman ko if bubuksan ko na tong phone ni Danreb.
Hindi sa wala akong tiwala kay Danreb, pero mahirap na ba. Wala namang masama kung mag iingat diba?
Maya-maya pa e nagyaya ng umakyat si Danreb sa kwarto, ibig sabihin lamang non e gusto niya ng matulog at pagkakataon ko na para buksan ang phone.
Ng tuluyan na kaming nakapasok e, niyaya akong matulog ni Danreb pero tumanggi ako, nagsinungaling ako na may gagawin ako at susunod nalamang mamaya.
Naghintay pa ako ng ilang minuto para masiguradong tulog na si Danreb. At ng masigurado ko ng tulog na talaga si Danreb ay agad-agad kong tinungo ang C.R ng kwarto namin at nilock ang pinto.
Umupo ako sa cubicle at dahan-dahan nilabas ang phone ni Danreb mula sa bulsa ko. Hindi ko pa man napipindot ang open key e sobra na kung kumabog ang dibdib ko, buti't wala akong sakit sa puso kundi pag nagkataon e mahirap na matengga sa hospital. Tulad ng dinanas ko noong nasa Russia ako.
Gustong gusto ko ng i-open yung phone pero kinakabahan talaga ako. Nag pa-flash back sakin yung mga pinagdaanan ko noon nung mga panahong walang Danreb ang yumakap sakin, walang Danreb na nag comfort sakin in my darkest days, walang Danreb na nagsabing "kaya mo yan! Nandito lang ako", wala akong Danreb na maiyakan, wala akong Danreb na masabihang ang sakit-sakit at ang hirap-hirap na. Wala. Kaya yon ang kinakatakot ko, yung Danreb na nawala at ngayo'y nandito na ulit e bigla nanamang mawawala. Ang sakit isipin.
Umupo ako sa cubicle habang nakatitig sa phone ni Danreb. Akmang bubuksan ko na ito ng biglang nag pop-up ang isang message.
Ng makita ko kung sino nanaman ang nag text, para akong pinagbagsakan ng langit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit ganon? At kung kailan pa tong ganito?
I miss you Danreb and miss ka na rin ni Dave. Kailan ka ba ulit bibisita dito? Sana malapit na yon. I love you.
-KlareHindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Sobrang sakit, naninikip ang dibdib ko dahil sa isang text palang na yon. Pero kailan kong magpakatatag. Kailangan kong mabasa lahat ng conversation nila ni Danreb.
Agad kong ini-scroll pataas. Hanggang sa umabot sa unang text nila.
Ang sakit malaman na akala ko akin na talaga si Danreb yun pala may kaagaw pa pala ako. Hindi ko ipinagkakain si Danreb kay Dave dahil walang alam at walang kasalanan ang bata sa mga kasalanan ng magulang niya. Pero ang hindi ko matanggap e yung pati si Klare?
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...