story of us...

37 2 1
                                    

Napatingin si Khloe sa pinto nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Magkasbay na kumahol ang dalawang aso na nasa terries ng bahay nila. Nagtatakang nagtungo siya sa sa pintuan at nag isip muna siya kung mayroon siyang inaasahang bisita bago buksan ang pinto. Pag bukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang nakangiting muka ng kaynyang kaibiganna si Jake. Animo’y nakakita ito ng isang magandang bagay na matagal na nitong pinapangarap bilhin. Pinag buksan niya ito ng gate at pinapasok sa loob ng kanilang bahay.

“oh, bakit anong problema at napa sugod ka ?” sabi ni Khloe.

“wala lang na-miss ko lang naman ang pinaka maganda at pinaka cute kong best friend.” Sabi nito.

“hay naku Jake wag mo nga akong pagtrip-an, madami pa akong kailangan gawin.” Sabi niya dito.

“bakit ayaw mo ba akong makita?” anito.

“at bakit ko naman gugustuhing makita ang bakulaw na tulad mo aber ???” sabay tawa dito.

“hmmmp miss mo lang ako kaya ka nagsusungit ehh..” sinabayan siya nito ng tawa.

“baliw ka din ano ??” banat niya dito,, pero totoo naman ang sinabi nito, ngunit wala siyang balak na umamin dito kahit gusting gusto pa niya.

First year high school pa lang sila nang una niya itong makilala dahil naging mag classmate sila sa Pilot section o ang pinaka mataas na section. Noong una ay wala siyang pakialam dito, dahil ang pagkaka alam niya ay mayabang ito, pero nang magkasama sila sa iisang grupo ay nalaman niyang mabait pala ito at pala kaibigan.

 Ang hindi niya alam ay kung kalian niya naramdaman ang pag hanga dito, ang unang akala niya ay crush lang …. Ngunit nang malaman niyang gusto niya si Jake ay hili na. Sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Angel na may gusto ito kay Jake. Dahil ayaw niyang saktan ang kaibigan ay tinulungan pa niya itong mapalapit kay Jake, para sa kasiyahan ng kaibigan ay tiniis niya ang sakit ng unang pag-ibig.

Nang makaplipas ang dalawang lingo ay nakita niyang nag uusap si Jake at Angel sa may garden ng school nila. Pupuntahan sana niya si Jake para ayain itong gumawa ng assignment. At dahil nakita niyang nag uusap ang mga ito ay naisip niyang nagkakaunawaan na ang mga ito. Dahil masyado na siyang nasasaktan sa mga nakikita niya ay pinili na lamang niyang umiwi ng mag isa.

Nang mag second year na sila ay hindi na niya naging kaklase si Jake dahil nalipat ito sa ibang section. Pinilit niyang kalimutan ito, sa katunayan ay sinagot niya ang isa sa mga nanliligaw sa kanya.

Sinagot niya ang pinaka masugid niyang manliligaw na si Jordan. Ang una at pangalawang buwan nila ni Jordan ay naging masaya kahit paano. Pero hindi parin niya makalimutan si Jake kaya kahit ayaw niyang saktan si Jordan ay nakipaghiwalay siya dito.

Lumipas pa ang dalawang lingo ay kinausap siya ni Jake.

“bakit ba iniiwasan mo ako ?” tanong nito sa kanya.

“hindi naman ahh,, busy lang talaga ako.” Pag sisiningaling niya.

“busy ka dyan ehh wala ka ngang ginagawa ngayon, ayaw mo parin akong kausapin,, ano bang ikinagagalit mo?” tanong ulit nito.

Nginitian niya ito ng nakakaloko.

“kamusta na nga pala kayo ni Angel? Balita ko may gusto yun sa iyo.” Sabi niya dito.

“ano nililigawan mo na ba?” dagdag pa niya.

“bakit nagseselos ka ba??” tanong nito na tila nanghahamon.

“HINDI NO!!!!” sabi niya dito sabay alis sa harapan nito. Binalak pa siya nitong habulin pero mabilis siyang nakatakbo at nakaiwas kay Jake.

Matapos ang isang lingo ay napansin niyang malungkot si Angel kaya tinanong niya ito. Napag alaman niyang iniiwasan na ito ni Jake at ang sabi pa ay nagseselos daw ang girlfriend nito. Napaisip siya at nagkaroon ng konklusyon nab aka siya ang tinutukoy nitong girlfriend, pero hindi naman sila kaya pinalis niya sa kanyang isip na siya iyon dahil baka umasa pa siya masaktan pa siya ng sobra sobra kaya binaliwala nalang niya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

►pangarap lang ◄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon