Chapter 6
Were on our way to Zyron pakno's house. Gusto ko na talagang umuwi pero wala nakong magagawa, nakasakay nako sa kotse ni Zyron.
Ngayon ko lang narealized na bakit ba kasi kailangan ko pang makiextra sa kanilang dalawa. Tsk. Pwede namang sila na lang, si Thea kasi eh.
Kanina ko napapansin si Zyron na hindi na nawala ang kunot sa noo nya simula pa kanina. Obyus naman na ayaw niya talaga akong isama, nahiya naman ako sa sarili ko. SANA NGA HINDI NAKO SUMAMA! KAINIS!
Napatingin ako sa harap ng tumigil ang sasakyan. Nasa harap na kami ngayon ng mataas na pulang gate, napabuntong hininga ko.
Bumukas ito at pumasok itong sasakyan nya. Umatras bigla ang kaluluwa ko ng makita ang mga taong kasing edad lang namin sa may pool nila. Mygod! Parang gusto ko na lang lumipad pauwi.
Bumaba na kami ng sasakyan, and as usual si Thea lang ang pinagbuksan nya. Well, sanay naman nako. Agad akong sumunod sa kanila at tumabi ako kay Thea.
"Hey bro! What's up!" bati sa kanya ng isang lalaking kasing edad rin namin. Halos ata lahat ng nandito.
Zyron tap his shoulder at ganun din sa iba. Nagbatian muna sila saka kami napansin. Actually, si Thea lang. Shit! Gusto ko na talagang umexit.
"Who's with you, Ron?" sabi ng isang babae, she's pretty and she looks like a girl version of Zyron. Magkapatid sila?
Lumapit si Zyron kay Thea at inakbayan niya ito. Pumagilid ako ng konti, ayoko na talaga dito.
"This is my girlfriend, Thea Mendez."
Napa'whoa' ang ilan sa kanila. Who wouldn't? Si Thea na ata ang perfect girl, mayaman, matalino, at maganda.
Ano kayang ibig sabihin niya sa sinabi niya noon nung nasa 6th floor kami. Hindi sila pwede ni Patrick? Bakit? Kasi masasaktan siya? Bakit din? Eh si Zyron, pwede sila? Hindi siya masasaktan? Hayy! Nakakaloka! I'm so confused.
"Hi Thea!"
"Hi girl, Mich here."
"Welcome Thea!"
Most of his cousins greeted her. Napangiwi ako. Ako? WALA AKO DITO. -___- alam mo yung feeling na OP na OP ka? eto yun. Lamunin na sana ako ng lupa.
"Ah! Zyron, who is she?" tanong ng isang lalaking may hawak na wine glass sabay turo sakin.
Napayuko ako. Naramdaman kong nakatingin silang lahat sakin. Nakakahiya.
Lumapit sakin si Zyron at inakbayan ako na siya namang ikinagulat ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko. What the hell is happening? What is he doing? Shit!
Hindi ako tumingin sa kanya at hinintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako. Parang di yata maganda ang mangyayari. Napabuntong hininga ako at tinabing ko ang kamay ni Zyron sa balikat ko.
"Just a friend. But i actually don't know her! Anyway, she's nothing don't mind her." he mocked at me.
Bumilis bigla ang pintig ng puso ko, i wasn't expecting that words from him. I am nothing? really? Bakit parang.. parang ang sakit? At mas lalo lang nadagdgan ang galit ko sa kanya. Gusto ko siyang suntukin ngayon din pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.
"Woaaaaaaah! That was rude dude." Halos sabi nilang lahat.
Tinignan ko si Zyron. Nakatingin sya sakin na may konting ngiti na nakaporma mula sa labi niya.
Uminit ang mga mata ko.
"C'mmon guys, we'll gonna rock this liquor out of it's bottle." dinig kong sabi ng isa nyang pinsan.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.