Chapter Seventeen

34 2 1
                                    

Felix's POV   

Lunch time namin ngayon at kasalukuyan kaming nasa canteen.

"Ano kaya pare? Tama kaya yung sagot natin?" basag ni Hanson sa katahimikan.

"Malamang tama iyon. Wala ka bang tiwala kay Ian?" ani Nicko.

Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa Algebra na iyan. Sumakit ulo ko kakapilit intindihin kung paano ie-explain ang solution. Kung bakit kasi kailangan pang i-explain. Hay, sana bukas graduation na namin para matapos na ang kalbaryong ito. Graduation? Agad-agad? Wow excited! Di pa nga kami nage-exam tsaka syempre kailangan pa ng clearance, gumastos para sa yearbook tsaka graduation fee.

"Huist! Felix!" tawag sakin ni Nicko. "Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?"

I was stunned.

Kanina pa kasi ako tulala.

"Ah. Wala to. Iniisip ko lang kung paano ie-explain yung sa assignment natin." katwiran ko. "Sana hindi ako tawagin mamaya."

"Hay oo nga!" singhal naman ni Hanson. "Kung bakit kasi kailangan pa ng putang inang explanation yan! Bakit di na lang check-an ang assignments natin para ayos na!" reklamo pa niya at ginulo ang sariling buhok.

"Kaya nga sana nga huwag tayong tawagin mamaya!" sabat naman ni Ian.

"Tayo huwag tawagin? Baka kami? Sana ikaw ang tawagin mamaya. Tutal ikaw naman ang Mathematician sa ating apat." untag ni Nicko.

"Eh! Tinatamad akong mag-explain eh!" untag naman ni Ian.

"Tinatamad daw mag-explain. Eh siya nga itong nag-explain kahapon kung paano iso-solve ang problem eh." singit naman ni Hanson.

"Kaya ko lang na-explain kasi may reference tayo kahapon. Eh ngayon wala na yung reference wala nganga tayo ngayon." sabi ni Ian.

"Hindi ba reference yang assignment natin?" tanong ko naman sa kanya.

Natahimik si Ian.

Tapos biglang pumalakpak si Nicko, matapos ay sinabayan naman iyon ni Hanson.

"Tignan mo naman ang fafa natin, este ang tropa. Pa-humble pa." kanchaw ni Nicko.

"Oo nga, kunwari ka pang di mo alam pero deep inside alam na alam mong i-explain." untag naman ni Hanson.

"Ayan na-mental block ka nanaman Ian." sabat ko naman. "Tara nga at kumain na tayo, gutom na ako eh."

"Sige, gutom na ako kanina pa. Kaiisip." bawi naman ni Ian.

"Oo para pagkakain natin maalala mo na yung explanation." sabi ko naman sa kanya.

Napasimangot si Ian sakin, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Tapos pag naalala mo na yung explanation, i-explain mo na lang uli sa amin!" untag ni Hanson.

Halatang napag-isahan namin si Mr. Mathematician, kaya napakamot na lang siya at ngumiti ng bahagya.

"Sige mga pare. Pag naalala ko ipapaliwanag ko. Pero pag isa sa inyo nakalimot sa mga in-explain ko. Hindi ko na kasalanan yan ha." banta naman niya samin.

Aba nananakot pa itong lokong ito ha. Este nambabanta pa. Akala naman nito aatrasan ko siya. Eh sa Math lang naman siya magaling. Habang ako sa History at Accounting (alter ko lang ito)... Hahaha yabang no!

"Oo naman, makikinig naman kami sa explanation mo. Iintindihin pa namin." paninigurado ni Hanson.

Dinuro naman ni Ian yung daliri niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerdy Girlfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon