Six

339 8 5
                                    

Hindi pa ba sapat na dito niya patitirahin ang kabit niya at pati kwarto namin pupuntiryahin niya.

“LUCAS!” He wants this right? Bitch wife mode - on.

“What is it Sept?! No need to shout!” Wow.

“What is it? Are you for real?” I asked him, sarcasm overflowing. “Hindi mo na nga ako nirespeto sa bahay na ito pati ba naman kwarto natin magasawa papaabutin mo yang kababuyan mo?”

I can’t believe this! Ibabahay niya na nga kami ng kabit niya pagsasamahin pa sa kwarto? Like what the fuck!

“Her pregnancy is sensitive, that’s why I wanted to make sure she’s okay and comfortable here.” Double wow! Para bang normal lang lahat ng sinasabi at ginagawa niya.

“You know what Lucas, I’m done here. Gawin mo lahat ng gusto mo, I’ll keep my mouth shut.” Tinalikuran ko na siya saka kinuha lahat ng damit ko sa walk-in closet, “Pagamit mo na lang sakanya ‘yang part ko. Nakakahiya naman eh.”

Dumiretso ako sa guest room at umiyak, para bang sasabog ang dibdib ko sa lahat ng nangyayari ngayon. Nasasaktan ako, sobra! Sino ba naming matinong babae ang gugustuhin ang ganitong set-up? WALA! Inis na kinuha ko ang phone at nag-dial ng numero. Kung dito niya patitirahin ang kabit niya, ako na lang ang aalis tutal naman parang hindi asawa ang turing niya sakin.

“Saan ka pupunta September?” Tanong sa akin ng magaling kong asawa nang makita n’yang bitbit ko ang isang maleta na punong puno ng damit ko, “Isn’t it obvious? I don’t belong here. You and Jessica can have this house for a while or even forever. You need to choose Lucas. Kasi walang babae ang gusto ang nangyayari sa atin ngayon.”

Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa, dumiretso ako ng sakay sa kotse at hindi pinansin ang tawag niya sakin. Wala akong pake kung pumitik ang ugat niya sa ulo kakatawag sakin. I’m hurt and lost. Oo, naiinis ako pero ni hindi ko mahagilap sa puso yung galit kasi asawa ko yun eh, mahal ko yun. Naiinis ako sa nangyayari pero kasalanan ko rin naman yun eh. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napansin yun o hindi ko man lang naramdaman na ganun na pala nangyayari behind my back.

I was startled when my phone vibrated, it’s him.

Kinabit ko ang wireless earpiece saka inaccept ang tawag.

(“Sept!”)

“Shit naman, hindi kailangan sumigaw!”

(“I’m sorry, anyways I need you here. Nana misses you so much!”)

“Alright! Wait for me. Bye, I’m driving.”

(“Okay, be safe!”)

As he ended the call, ini-Uturn ko agad ang kotse to change route. I’m going back to my hometown.

SEPTEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon