Chapter 3:The dance floor king

1.6K 11 0
                                    

Brent's pov

6pm na din ako nakauwi sa bahay. Taeng 1st day nakakaburyo. Ang daming pinapagawa. Loading na naman ako. Tapos eto pa sila jm and jhay nagyaya pa mag video game sa mall. Ayan tuloy napasarap di ko napansin na gabi na pala.

Pagpasok ko sa bahay. Walang tao. Wala pa din sila mama and papa.Lagi na lang sila wala sanay na din kami ng kuya ko na kaming dalawa lang sa bahay kasama ng mayordoma namin si Auntie Joan at 3 kasambahay.

May car business kami, may supermarket and bookstore. AYun lahat pinagkaka abalahan nila mama and papa. Na halos wala na silang oras samin. Mas madalas silang nasa labas kasama mga business partners nila kesa sa amin. Oo lahat ng gusto namin ibinibigay. Luxury car,own condo,gadgets,credit cards lahat yun pero di pa din ako masaya. may magulang nga ako pero parang wala naman. Oo, naiintindihan ko naman lahat ng ito ginagawa nila para mabigyan kami ng marangyang buhay but I am not happy and this is not what I wanted. I want them. Pero kailangan ko intindihin eh. Sinusubukan ko.

Si Kuya bryan 3rd year college na. Management course nya same school kami,  yun gusto ni mama and papa na course ni Kuya without even asking him dahil para si kuya na daw mag manage ng ibang business namin. Ako daw ganun din. Nagdecide na sila for me. Di ba pwedeng tanungin muna nila kami kung gusto ba namin yun o hindi?

Speaking of Kuya maloko din tong kapatid ko. Mahilig sa casino. Magbenta ng car para bumili ng bago or itaya yung car nya na di naman nahuhuli ng parents namin. Babaero din. Madalas iba ibang babae dinadala sa bahay. Naririnig ko nalang may umuungol sa kwarto nya or kumakalampag yung kama hahahahahah akala ko kung ano na pero nung nakapanood na ko ng porn alam ko na hahahaha loko tong Kuya ko eh buti hindi nahuhuli ng mga babae nya.

Si JM and JHAY naman sila lang  barkada ko sa school. Grade school palang kami kami na magkakasama. Para kaming F4 kahit 3 lang kami si Sanchai nalang kulang. Hahahaha Parang ako din yung dalawang yun eh di mahilig sa mga social events. Mga party ng mayayaman.Masyado kasing pormal. Nakakaboring sa totoo lang.

1st year highschool kami ng napagkatuwaan namin sumali sa dance contest sa school. Practice practice 3 lang kami noon. Tapos Akalain mo may talent pala kame sa pagsayaw ng hindi namin namamalayan. Hanggang sa pinag audition kame sa SA static dance group sa school since yung mga orig dancers eh ga graduate na and need na nila ng bago. Ayun nakuha na kami.2nd year highschool kami nung nag audition. Di ko din naman naisip na sisikat kami sa school eh. (Ang yabang ba? Sorry hahaha) Kada dumadaan kame pinaguusapan kame ng mga babae. Minsan may nakaaway pa ko na lalaki dahil pinagkamalan na gf ko daw gf na. Pano kasi wallpaper nung girl pic ko. Hahaha! Di ko naman alam eh. Simula noon madami ng lalaki sa school ang bwisit namin pero di naman kami binabangga. Subukan lang nila at makakatikim sila sa akin. Ay sa aming tatlo pala.

Umakyat ako agad sa kwarto ko since wala namang tao. Nagpahinga ko and naligo. Humiga sa kama ko and  Binuksan ko yung tv and dvd. Manonood na lang ako ng THE WALKING DEAD. Nabored ako after an hour kaya  pinatay ko din. Kinuha ko na lang ipad ko and nag inopen ko fb ko. Browse browse tapos naisip ko si Jessica. Iniisip ko kung anong full name nya. Ah naalala ko na nabasa ko sa pc nya.

Jessica Leigh Valdez.Nice name ha!

Sinearch ko nakita ko and inadd ko sya. Ganda nya sa profile picture nya. After ilang mins lang eh inaccept nya friend request ko. Nag status din sya. alam ko ako pinapatamaan nito eh! Kaya nagcomment ako sa post nya. Ginawa naming chatbox yung comment section. Pano kaya ako makakabawi sa pagbangga ko sakanya?sabi nya sasabihin daw nya bukas. Ano kaya yun?Mukang pahihirapan ako nitong tigre na to ah!

Di ko alam kung bakit 3beses na kami nagkakabangaan ni jessica.Ano ba yun meant to be?May kakaiba kong naramdaman eh. Bumilis agad tibok ng puso ko. Pero wala siguro to. Ewan ko ba pero di pa din ako nagkaka gf eh. Ayaw nyo maniwala? Oo nga, promise. Seryoso ako. Muka nga daw akong babaero pero never pa ko nanligaw or nagka girlfriend. Madami nagpapadala ng letter sa locker ko pati regalo. Pero sila jm and  jhay lang naman nagbabasa nun. Naiilang kasi ako pag ganun and besides parang ang pangit pa din na babae ang nanliligaw. Mga chocolates sila din kumakain. Diba parang mga PG? Naalala ko noon may nagpadala saken ng isang box na chocolate binigay saken ng guard. Valentines day yun. Sa isip ko, sinong siraulo ang magpapadala ng isang box na chocolate. Sabi ni JM meron daw yung nagpadala neto hahahaha ang ending kinain nung 2 yung iba binigay sa mga co dancers namin hahahahahaha

Mom @ 16 (The beginning) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon