"Two more beer please" Freed said at the roaming waiters. Agad naman nila kaming dinalhan ng alak at umalis na agad.Tinungga ko naman agad ang alak kahit alam kong lasing na ako. Things went according to what I wanted to.
"Uii,hinay hinay lang, pumayag ako na sumama sayo dito kahit bawal ako kasi alam kong may pinagdadaanan ka pero wag namang ganyan"sabi ni Freed at inagaw sa akin ang bote ng alak. Nginitian ko naman siya at tinapik ang kaniyang likod.
"Salamat ha"sabi ko at sumandal sa kaniya. Naramdaman ko naman bigla ang kaniyang kamay na kumutos sa aking ulo.
"Wag kang sumandal! Baka akalain nung mga chix sa paligid eh bakla tayo"sabi nito , natawa naman ako sa inakto niya dahil pinagpagan pa talaga niya yung parte ng katawan niya na nasandalan ko.
"Wow, ako pa nga lugi eh" banat ko naman sa kaniya at agad na tumawa. Kahit saglit lang ay gusto kong makalimutan lahat ,kahit ngayon lang. Ngunit kahit anong gawin ko, kahit ilang alak ang inumin ko, at kahit ilang tawa ang pekein ko . Hindi ko magawang makalaimot.
"Tara na uwi na tayo"sabi ni Freed ,napansin niya sigurong bigla akong natahamik, ngunit ayaw ko pa . Gusto ko pang magpakalunod sa alak, baka sakaling makalimutan ko na ang nagawa kong kagaguhan ,ang nagawa kong katarantaduhan sa babaeng nagmahal sa akin.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan Reizo?! Simula nung nalaman mo na pinopormahan nga nung lalaking yun si Katrina nagkaganyan ka na" ani ni Freed. Tama siya , simula nung malaman kong pinopormahan nga nung lalaki yun si Katrina , nagkaganito na ako, hindi ganito na pala talaga ako mas lumala lang.
"Hanggang sa makalimutan niya na ako" sabi ko kay Freed ,at sinaid ang laman ng bote ng alak. Labis na kalungkutan ang nadarama ko ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nais ko siyang makausap ,nais kong yakapin siya. Pero hindi pwede kasi sinaktan ko siya, pinaniwala ko siya na pwedeng maging kami kahit alam kong hindi pa ako handa. Napakalaki kong tanga para saktan siya.
"Nakalimutan ka na niya Reizo, nakalimutan ka na niya!" Galit na sabi ni Freed. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit , nageeskandalo ba siya.lasing na din ata.Sinenyasan ko naman siya na manahimik siya dahil nakakagulo siya. Para naman siyang natauhan at tinungga ang alak na nasa harapan niya.
"Alam mo kasi, kung gusto mo talaga si katrina balikan mo siya"ani ni Freed. May punto siya ,kung gusto ko talaga siya dapat balikan ko siya. Pero gusto ko nga ba talaga siya? Hindi ko din alam. Naguguluhan ako , dahil ba ito sa alak? Dahil ba lasing ako? O dahil hindi ko talaga alam ang sagot?
"Hindi ko din alam Freed" ang nasabi ko na lang sa kaibigan ko. Tumayo ako upang maglakad palabas ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nasuka na agad ako. Sana kasama ng pagsuka ko ay ang mga ala-ala na pilit gumugulo sa alking isipan. Ngunit hindi iyon maari, patuloy lamang ako sa pagsuka ng halos lahat ng kinain ko ng buong linggo. Dahil na din sa kalasingan ay nahiga na lamang ako sa sahig at pinikit ang aking mata.
Ayaw ko na maramdaman ang sakit na ito, pero walang wala ito sa sakit na pinaranas ko kay Katrina. Hindi ko siya deserve , Dapat niya akong kalimutan.
Days passed at wala na akong balita kay Katrina. After that night na nagpakalasing ako ng sobra pinangako ko sa sarili ko na tama na. I have tortured myself way too much already. Some people may think I am overreacting. Na ako nga yung nakipagbreak o yung tumapos pero ako yung nasaktan. Hindi naman kasi nila alam ang kwento, well maybe they know but only on her perspective. Katrina always say what she feel and she always expresses it. Kaya nga mostly sa school ay alam ang nangyari sa kwento namin. Hindi ko naman siya masisi, I wanted things to end up this way. Her hating me , and her finding a new guy to make her happy. I was once that guy , but I overdid myself I failed to make her happy, and instead I took her happiness. I became her happiness to be precise, her world revolves around me. And when we broke up, everything collapse. It was really hard for her. Alam kong napakagago at napakawalang hiya ko. Tapos ngayon ako pa ang naiyak, ironic right.
"Ano ba talagang dahilan ng pagbrebreak niyo" ani ng isa kong kaibigan ,actually common friend namin siya ni Katrina . I'm glad that she wanted to hear my side first, but I don't want to ruin Katrina's image kaya umiling na lamang ako.
"Reizo, it has been three months already at parang di ka padin nakakaget over sa sakit ng break up niyo. Even Katrina ,kahit lumalabas sila ni Eric ay parang hindi padin siya makagetover sayo. Tell me what really happened?" Litanya niya. Tinitigan ko lamang ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. In two months gragraduate na kami, at siguro sa nga panahon na iyon makakalimutan ko na siya , makakalimutan na namin ang isa't isa.
"Reizo!" Pagtawag ni Mae sakin, ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Mas mabuting paniwalaan niya na lang ang mga tsismis tungkol sa akin , wala naman akong pake sa sinasabi ng iba kaya mas mabuting ako na lang ang pagusapan kaysa kay Katrina.
Hindi na naman ako sinundan ni Mae kaya pumasok na lang ako sa klase ko, hindi ko naman inaasahan na makasalubong siya . Agad naman akong tumalikod at akmang aalis na ngunit tinawag niya ang pangalan ko ,hindi, tinawag niya ang alias niya sakin, kung ano ang lagi niyang tawag sakin nung kami pa ,nuong masaya pa kami.
"Babe" bahagya akong napangiti, antagal na simula nung huli niya akong tinawag na ganyan ,para bang ilang taon na. Sa katunayan ay ako ang unang tumawag sa kaniya ng babe, biruan lang naman ang lahat nung una , kung alam ko lang na hahantong ang lahat sa ganito hindi ko na sana siya tinawag na babe. Humakbang muli ako papalayo sa kaniya, tulad ng lagi kong ginagawa ,habang patuloy na umaagos ang aking luha.
BINABASA MO ANG
Please Forget About Me
Short StoryI look at her one last time before I walk away trying to look that I am fine. That I'm hard as stone. That I'm emotionless.I heard her cries and I tried my best not to run towards her and hug her tight. I'm an asshole yes indeed but this is the righ...