"Surprise!" masayang bungad ni Miggy nang umagang iyon habang abala sa paglilinis ng bahay ang asawa niyang si Francine.
"Oh my... Babe?" hindi makapaniwalang sagot nito.
Nakasuot siya ng white printed t-shirt, sweatpants at eyeglasses bitbit ang bagahe at pasalubong. Mas gumuwapo pa siya kaysa noong huli silang nagkita na mag-asawa.
"E, sino pa nga ba sa akala mo?" natawa siya sa reaksyon nito.
Magdadalawang taon na simula nang magtrabaho siya sa Kuwait bilang isang software engineer. Isang buwan pa lang silang kasal noon nang umalis siya. Naaprubahan kasi kaagad ang mga papeles niya.
Kahit mahirap, hindi niya pinalampas ang pagkakataon dahil makakatulong iyon sa kanilang mag-asawa.
Nang makaalis na siya ay tanging sa Skype na lang sila nagkakausap ni Francine. Kaya naman nasorpresa talaga ito sa pag-uwi niya.
"Oh ano, babe? Hindi mo man lang ba yayakapin ang pinakamamahal mong asawa?"
Binitawan ni Francine ang walis at patakbong lumapit rito. Mangiyak-ngiyak niya itong niyakap nang mahigpit.
"Babe? Ikaw nga! Nananaginip ba 'ko?"
Ngumiti si Miggy. "Ikaw talaga. Ako'ng-ako ito at hindi ka nananaginip." Pinunasan niya ang luha nito. "Nabalitaan mo naman siguro iyong nangyari sa Kuwait, 'di ba? Pinauwi ng ating presidente ang mga OFW dahil sa babaeng pinatay ng employer doon. Napag-isip-isip ko na pagkakataon ko na 'yon para makauwi rito. Alam mo naman kung gaano kamahal ang ticket, kaya sinamantala ko na ang libreng flight pauwi na ibinigay ni President Duterte."
"E, paano yung trabaho mo? Nagpaalam ka ba?"
Seryoso lang siyang tinignan ng asawa kaya nagtaka na siya.
"M-may problema ba? Ano'ng nangyari?"
Dahan-dahang hinawakan ni Miggy ang mga kamay ni Francine at tumingin ng diretso sa mga mata nito.
"Hindi na ako babalik sa Kuwait, Babe."
"Ha? Bakit?"
"Nagpaalam na ako sa boss ko. Hindi ko na kasi kaya ang lungkot na nararamdaman ko roon. Dalawang taon kong tiniis ang hindi ka mahagkan o mayakap man lang. Iba pa rin iyong nakakasama kita araw-araw."
Napaluha na lamang si Francine.
"Okay lang ba sa 'yo na dito na ako magtrabaho?" nagkibit-balikat si Miggy. "Kung ayaw mo naman, puwede akong mag-apply sa ibang bansa. Talagang ayaw ko na kasi roon sa Kuwait eh. Kung hindi nga lang nagkaroon ng libreng flight pauwi, baka tumagal pa ako roon ng ilang taon."
"Bakit naman hindi?" sagot nito.
"Talaga? Hindi ka ba nanghihinayang sa laki ng kikitain ko sa ibang bansa?"
Hinawakan siya ni Francine sa magkabilang-pisngi.
"Babe, hindi mahalaga sa 'kin ang malaking kikitain mo sa ibang bansa. Makakaya naman nating makaraos sa pang-araw-araw na gastusin kung dito ka magtatrabaho. Magtutulungan tayong dalawa. Basta't ang mahalaga'y magkasama tayo."
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...