"Babe, may hindi pa pala ako nasasabi sa 'yo," sabi ni Francine habang abala siya sa paghahain ng breakfast.
"Ano 'yon, babe?"
"Noong wala ka rito, tumatanggap ako ng raket na graphic designing at video editing sa wedding services. Hindi ko lang masabi sa 'yo dahil alam ko na magagalit ka sa 'kin."
Ayaw siyang pagtrabahuhin ni Miggy.
Malaki naman kasi ang sinusuweldo nito sa Kuwait at sobra-sobra pa ang naipapadala sa kanya. Nakabili na nga sila ng malaking bahay sa subdivision na kasalukuyang tinitirhan nila.
Ibinaba ni Miggy ang dyaryong binabasa.
"Babe, hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol d'yan? Ayokong magtrabaho ka. Ako ang lalaki at ako lang ang dapat na nagtatrabaho."
"Babe, nababagot lang naman kasi ako rito sa bahay. Wala akong ibang mapagka-abalahan kundi manood ng korean drama at maglinis. Ayoko naman na maggala at magshopping kasi gastos lang iyon. Napag-isip-isip ko lang na sayang naman iyong napag-aralan ko kung hindi ko magagamit."
Nakapagtapos ng kursong Multimedia Arts si Francine.
Bago siya ikasal ay nakapagtrabaho na siya bilang graphic designer sa isang malaking kompanya.
Pero nang magpakasal sila ni Miggy ay hindi na siya pinayagan nitong magtrabaho pa.
Nagpatuloy si Francine, "'Tsaka babe hindi naman ako gaanong lumalabas ng bahay sa trabahong iyon. Ang madalas ko lang na ginagawa ay mag-edit kaharap ang computer. Iyong mga ka-trabaho ko na ang bahala sa pagpi-picture at pagbi-video ng weddings. Kapag kailangang-kailangan lang talaga ako sumasama sa kanila."
"Babe..."
"Sige na babe, please...," niyakap niya si Miggy sa likuran habang nakaupo ito. "Alam kong nag-aalala ka sa 'kin at naiintindihan ko iyon, pero ito talaga ang gusto ko, e. Payagan mo na ako."
Bumuntong-hininga si Miggy.
"Oh sya, sya, sya... mag-edit ka na hanggang sa magsawa ka. Ano pa nga ba'ng magagawa ko, e wala pa naman akong trabaho ngayon? Makakatulong din yan para sa mga gastusin natin."
Hinalikan siya ni Francine sa pisngi. "Thank you, babe! Napaka-bait at napaka-guwapo talaga ng asawa kong si Lee Jong Suk!"
"Hayan ka na naman sa Lee Jong Suk na 'yan. Mas guwapo pa 'ko roon."
"Sige na nga, ikaw nalang si Miggy ng buhay ko. Ummm!"
Hinalikan niya itong muli. Pagkatapos ay hinainan niya na ng fried rice, egg and bacon si Miggy sa pinggan.
"O kumain ka ng marami, ah."
Uupo na sana si Francine para kumain nang makarinig sila ng nagsisigawan sa labas.
Mga walanghiya kayo! Mga baboy! Mga put*ngina nyo!
Nagkatinginan muna silang mag-asawa bago tumayo si Francine at sumilip sa bintana.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...